Mystica, sinupalpal ang basher na kumuwestyon sa pagiging "General Manager" niya sa US

Mystica, sinupalpal ang basher na kumuwestyon sa pagiging "General Manager" niya sa US

- Si Mystica ay umani ng puna matapos niyang ibahagi sa Facebook ang video ng kanyang break sa trabaho sa isang fast-food chain sa Amerika

- May ilang netizens na nagdududa sa kanyang posisyon bilang General Manager dahil sa kanyang suot na uniporme

- Sinagot ni Mystica ang mga komento at hinikayat ang mga nagdududa na tumawag sa opisina ng kanilang branch para kumpirmahin ang kanyang posisyon

- May mga tagasuporta rin si Mystica na nagtanggol sa kanya at sinabing hindi na dapat pakialaman pa ang kanyang trabaho at kaligayahan

Hindi na napigilan ni Mystica ang kanyang sarili na magsalita laban sa ilang netizens na kumuwestyon sa kanyang trabaho bilang “General Manager” sa isang burger fast-food chain sa Amerika.

Mystica, sinupalpal ang basher na kumuwestyon sa pagiging "General Manager" niya sa US
Mystica, sinupalpal ang basher na kumuwestyon sa pagiging "General Manager" niya sa US (📷Mystica/Facebook)
Source: Facebook

Sa isang Facebook post, ipinakita ng dating singer at komedyante ang video ng kanyang pagba-break sa trabaho, ngunit imbes na makuha ang suporta, naging sentro ito ng puna at pagdududa.

Ayon sa caption ng naturang post, siya ay kasalukuyang “General Manager” sa nasabing establisyemento. Subalit, may ilang netizens na agad pumuna sa kanyang suot, na ayon sa kanila ay hindi akma sa isang General Manager. Isa sa kanila ang nagsabing, “Prang nasa order taking sya d nmn gnyan ang general manager Jusko nmn ayaw p mgpkatotoo.”

May isa ring nagsabing: “as a 'General Manager' wala pong 30mins break. u have ur time. sinita karon ng kapwa mo american service crew. its obviously ur station is on DT. tanggap naman namin ano position mo jan. Honesty is the best Policy.”

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sinagot naman ito ni Mystica sa pamamagitan ng pagbibigay ng contact details ng kanilang opisina at hinamon ang netizen na magtanong mismo doon. Ani niya, “That's the phone number and address. Go or call them and ask if I am really a General Manager or not before they will transfer me next month to another location closer to me.”

Isa pang netizen ang nagsabing: “managers dont wear this type of uniform. obviously u work as a crew and that’s fine.” Ngunit para kay Mystica, hindi na mahalaga ang suot kundi ang dignidad sa pagtatrabaho at ang kanyang kakayahang pamunuan.

Depensa naman ng isa sa kanyang tagahanga, “alam mo yung cover photo mo di tugma sa attitude mo... Wag masyado mapanghusga sa kapwa. Si mommy natutuwa sya ibahagi ang nangyayari sa buhay nya.” Marami ring nagkomento na dapat hayaan na lang si Mystica kung saan siya masaya, lalo na at marangal naman ang kanyang trabaho.

Si Mystica, o Ruby Rose Mauanay Villanueva sa totoong buhay, ay isang dating kontrobersyal na personalidad sa industriya ng showbiz na sumikat noong 2000s sa kanyang mga performances at pagiging outspoken. Bukod sa pagiging mang-aawit, nakilala rin siya bilang komedyante at minsan ring sumabak sa pulitika.

Sa mga nakaraang taon, naging laman siya ng balita dahil sa kanyang pagsubok na makabalik sa showbiz at sa iba’t ibang personal na pinagdaanan sa buhay. Sa kasalukuyan, nagtatrabaho siya sa Amerika upang magsimula ng panibagong yugto ng kanyang buhay.

Noong Setyembre 2023, isang napakasakit na pangyayari ang dumaan kay Mystica matapos bawian ng buhay ang kanyang nag-iisang anak. Sa isang emosyonal na post, inamin niyang hindi niya matanggap ang pagkawala ng anak at nananalig na lang siya sa Diyos upang makayanan ang matinding lungkot. Ilang kaibigan at tagahanga rin ang nagpaabot ng pakikiramay at dasal sa kanya.

Nagkaroon ng mainit na palitan ng komento sina Mystica at Diwata kamakailan. Sa isang video, nagkomento si Mystica sa istilo ng negosyo ni Diwata, na agad namang sinagot ng huli. Ani Diwata, mas mahalaga sa kanya ang pamamalakad ng sariling negosyo kaysa sa mga opinyon ng ibang tao.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate