Kylie Padilla, buong pusong nagpasalamat sa pagiging ina ngayong Mother's Day
-Kylie Padilla, nag-post ng taos-pusong mensahe para sa kanyang mga anak ngayong Mother's Day
-Inilarawan niya ang pagiging ina bilang pinakamalaking pagbabagong naganap sa kanyang buhay
-Nagpasalamat siya sa lakas na ibinigay sa kanya ng kanyang mga anak upang maghilom at lumakas
-Nagbigay rin siya ng mensahe ng pasasalamat at paggalang sa lahat ng mga ina
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Hindi pinalampas ni Kapuso star Kylie Padilla ang pagkakataong magpahayag ng pasasalamat at pagmamahal bilang isang ina ngayong Mother's Day. Sa isang emosyonal at makabagbag-damdaming Instagram post, ibinahagi ng Encantadia actress ang kanyang nararamdaman para sa kanyang dalawang anak na sina Alas Joaquin at Axl Romeo, bunga ng kanyang pagmamahalan noon kay Aljur Abrenica.

Source: Instagram
Ani Kylie, “So many people tell me, God gave you your children for a reason. He gave you your purpose in their precious souls. And If they are the answer to the question of my existence, I am grateful for all it took to get here.”
Dagdag pa niya, ang simpleng pamumuhay kasama ang kanyang mga anak—mula sa paggising, pagkain, at pag-iral—ang bumuo ng kanyang mundo. “Life came alive when I became your mother. So thank you, for showing me a kind of strength I never knew I had. The strength to overcome, to heal, to become a better human being. I hope I live up to my promise. I love you both,” dagdag pa ni Kylie.
Hindi rin nakalimutan ng aktres na magbigay pugay sa lahat ng ina. Aniya, “Thank you for your endless sacrifice. Thank you for your devotion and your selflessness. You are loved. Happy mother's day.”
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Agad namang nagpakita ng suporta at pagmamahal ang kanyang mga followers sa comment section. Kabilang sa mga nagbigay ng pagbati sina Rita Daniela at Kazel Kinouchi na parehong nagpaabot ng pagmamahal kay Kylie sa kanyang nakaaantig na post.
Si Kylie Nicole Padilla ay anak ng action star na si Robin Padilla at aktres na si Liezl Sicangco. Unang nakilala si Kylie bilang isa sa mga bituin ng Encantadia at sa iba pang Kapuso dramas. Siya rin ay isang ina sa dalawang anak na sina Alas at Axl, na anak niya sa dating asawang si Aljur Abrenica. Kahit hiwalay na, patuloy ang maayos na co-parenting nina Kylie at Aljur para sa kapakanan ng kanilang mga anak.
Sa isang panayam, inamin ni Kylie na ang kanyang mga anak ang nagsisilbing inspirasyon niya upang maging malakas at manatiling malusog. “I wanna be healthier and stronger for the kids kasi siyempre, ang haba pa ng buhay nila, kailangan ako din, 'di ba?” aniya.
Ibinahagi ni Kylie na malaking bagay sa kanya ang tiwala sa trabaho. Sa isang interview, sinabi niyang mas magaan siyang kumilos at mas gumagana ang kanyang creativity kapag may tiwala sa mga katrabaho sa set. Dagdag pa niya, ito ay bahagi ng kanyang personal na growth bilang aktres at bilang tao.
Isang touching tribute din ang inialay ni Kylie para sa kanyang inang si Liezl Sicangco at sa stepmom niyang si Mariel Padilla. Ipinahayag niya ang kanyang pasasalamat sa dalawang babae na naging mahalagang bahagi ng kanyang buhay. Nag-react naman si Mariel sa post ni Kylie at nagpasalamat sa magandang pagbati nito.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh