Bea Alonzo at Vincent Co, namataang magkasama sa Suvarnabhumi Airport sa Bangkok
- Magkasamang namataan sa Suvarnabhumi Airport sa Bangkok sina Bea Alonzo at Vincent Co
-Agad nag-viral agad at umani ng kilig mula sa netizens ang larawan ng dalawa habang nagtutulak ng maleta
-Kamakailan ay lumutang ang espikulasyon at hinalang may relasyon ang dalawa matapos ang matching posts mula Spain
-Wala pang kumpirmasyon mula sa kampo ni Bea at Vincent ngunit suportado ng fans ang tambalan
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Magkasamang namataan sa Suvarnabhumi Airport sa Bangkok ang aktres na si Bea Alonzo at ang businessman na si Vincent Co, presidente ng Puregold Price Club Inc. Makikita sa isang candid photo na ibinahagi ng isang netizen ang dalawa habang nagtutulak ng kani-kanilang mga maleta—na agad nagpasiklab ng kilig sa social media.

Source: Facebook
Ang mga tagahanga ni Bea ay mas lalong naintriga sa kanilang umano’y namumuong relasyon, lalo’t matagal na ring may bulung-bulungan tungkol sa kanilang ugnayan.
Nag-viral agad ang larawan sa social media, kung saan kapansin-pansin ang kanilang closeness at simpleng paglalakad na tila walang pakialam sa paligid. May ilan pang netizens na nagsabing bagay na bagay ang dalawa—hindi lang sa hitsura kundi sa estado ng buhay.
Tinawag pa ng ilan si Vincent bilang isang “smart choice” para kay Bea—isang lalaking tila swak hindi lang sa emosyon kundi pati na rin sa karera. Komento pa ng iba, “level up” umano si Bea pagdating sa love life kung si Vincent nga ang kanyang napupusuan.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Hindi ito ang unang pagkakataon na nali-link si Bea kay Vincent. Nitong mga nakaraang linggo, naging usap-usapan ang sabay na pag-post ng dalawa ng mga larawan mula sa parehong lugar sa Spain—Andalucía at Seville.
Magkaibang account ngunit magkatulad na lokasyon at background, at may mga netizens pang nag-point out ng pagkakahawig ng kanilang suot sa parehong mga post. Mas lalong nagliyab ang usapan nang may lumabas na private photo mula sa Instagram ni Vincent kung saan kasama niya ang isang babae na may damit na katulad ng suot ni Bea sa sariling IG post.
Hanggang ngayon, wala pa ring kumpirmasyon mula kina Bea at Vincent.
Si Vincent Co ay 45-anyos at kasalukuyang presidente ng Puregold Price Club Inc., isa sa pinakamalalaking supermarket chains sa bansa. Anak siya ng mga negosyanteng sina Lucio at Susan Co. Nag-aral siya sa University of Asia and the Pacific at nagsimula bilang empleyado sa operasyon ng Puregold bago na-promote bilang president noong 2015. Maliban sa retail, hawak din niya ang leadership sa ilang negosyo sa real estate, logistics, at food services. Kilala siyang low-profile sa kabila ng kanilang multibillion-peso empire.
Sa isang heartfelt na post, ikinuwento ni Bea kung paano naging makabuluhan ang unang bahagi ng taon para sa kanya. Binanggit niya ang kanyang spiritual journey, pagbabalik sa sarili, at pagmumuni-muni. Inilarawan niya ang panahon bilang isang yugto ng personal growth at tahimik na kaligayahan.
Ibinahagi ng aktres ang kanyang kasiyahan sa pamamasyal sa London sa pamamagitan ng sunod-sunod na posts sa social media. Tampok sa kanyang mga larawan ang mga iconic spots at candid moments ng kanyang trip. Mabilis itong umani ng likes at komento mula sa fans na masayang makita siyang relaxed at masaya.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh