Angelika Dela Cruz, nakatanggap umano ng banta kaugnay sa kandidatura niya sa Malabon
-Ibinunyag ni Angelika Dela Cruz ang natanggap niyang sulat-banta na may kalakip na tatlong bala ng baril
-Ayon sa aktres, damay na rin ang kanyang pamilya sa natatanggap na pananakot
-Kaugnay ito ng kanyang pagtakbo bilang vice mayor ng Malabon sa darating na eleksyon
-Kamakailan lang ay naharap si Angelika sa mga kasong administratibo at kriminal dahil sa umano'y maling paggamit ng pondo
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Nagulantang ang publiko matapos ibahagi ng aktres at kasalukuyang politiko na si Angelika Dela Cruz ang umano’y banta sa kanyang buhay at sa kanyang pamilya.

Source: Facebook
Sa isang Facebook post nitong Biyernes, Mayo 9, naglabas si Angelika ng larawan na nagpapakita ng tatlong bala ng baril at isang sulat-kamay na mensahe na may nakasaad na babala:
“Angelika Dela Cruz, mapagpalang araw sa 'yo!! Umatras ka na sa laban ng Vice Mayor ng Malabon!! Kung hindi alam mo ang kahihinatnan mo at ng pamilya mo!!”
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Hindi napigilan ng aktres-politician ang kanyang damdamin at nagpahayag ng pagkadismaya sa caption:
“Siniraan, kinasuhan, ngayon naman tinatakot — anong kasunod?!! Grabe na, pati family ko dinadamay ninyo.”
Umani ng samu’t saring reaksiyon mula sa netizens ang kanyang post. Marami ang nagpahayag ng suporta at pag-aalala para sa kanyang kaligtasan. May ilan namang nagsabing tila desperado na ang kanyang mga katunggali sa pulitika.
"Kapag may nangyari po sa inyo at sa pamilya nyo, alam nyo na kung sino ang dapat sisihin."
"Grabe, kahit babae at pamilya pinapatulan na? Ganyan na ba talaga kababa ang pulitika ngayon?"
"Ingat po kayo Ms. Angelika. Sana mabigyan ito ng pansin ng mga awtoridad."
"Kung sino ka man na gumagawa nito, sana bumalik sa’yo lahat ng ginagawa mong masama."
"Takot na takot ang kalaban mo Ms. Angelika. Lumalaban ka kasi ng patas."
Ang pananakot umano kay Angelika ay nauugnay sa kanyang kandidatura bilang vice mayor ng Malabon sa darating na halalan. Sa gitna ng mga alegasyon at kasong isinampa laban sa kanya, lalong umiinit ang pulitika sa lungsod.
Si Maria Lourdes Egger dela Cruz, o mas kilala sa showbiz bilang Angelika Dela Cruz, ay isang batikang aktres, singer, at public servant. Nagsimula siya sa industriya ng aliwan noong 1995 at naging bahagi ng mga sikat na teleserye gaya ng Mara Clara at Esperanza sa ABS-CBN.
Nang lumipat siya sa GMA Network, lalo pang lumawak ang kanyang karera sa mga proyekto tulad ng Ikaw Lang ang Mamahalin at Habang Kapiling Ka. Bukod sa pag-arte, nakapaglabas din siya ng mga album bilang recording artist.
Si Angelika ay kasal kay Orion Casareo at may dalawang anak. Siya rin ang nakatatandang kapatid nina Mika dela Cruz at ng yumaong singer na si Edward dela Cruz.
Sa isang balitang inilathala ng Kami, inakusahan si Angelika ng pandarambong matapos umanong gamitin ang mahigit ₱70 milyong pondo sa hindi awtorisadong paraan. Ayon sa ulat, may nakitang iregularidad sa pamumuno niya bilang barangay chairman, partikular sa paggamit ng public funds.
Sa isa pang balita ng Kami, emosyonal na tumugon si Angelika sa kasong isinampa sa kanya, at sinabing tila sunod-sunod na ang pagsira sa kanya. Ayon sa kanya, tila pinaplano na raw siyang ipatumba, lalo na't umaabot na sa pananakot ang mga nangyayari.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh