Nanay ni Bianca de Vera, may pakiusap sa PBB: "She deserves to know"

Nanay ni Bianca de Vera, may pakiusap sa PBB: "She deserves to know"

-Naglabas ng emosyonal na panawagan ang ina ni Bianca De Vera para sa panalangin para sa aso nilang si Peach

-Humihiling ang ina ni Bianca na i-pull out ang anak mula sa PBB house upang makasama si Peach sa huling sandali nito

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Humihiling ang ina ni Bianca na i-pull out ang anak mula sa PBB house upang makasama si Peach sa huling sandali nito

-Umani ng simpatiya mula sa netizens ang insidente at agad na nag-viral ang panawagan sa social media

Nagulantang ang fans at followers ni Bianca De Vera nang maglabas ng Instagram story ang kanyang ina na humihiling ng panalangin para sa kanilang pamilyang aso na si Peach. Ayon sa kanya, si Peach ay kasalukuyang naka-confine at binigyan na lamang ng “less than 24 hours to live.”

Nanay ni Bianca de Vera, may pakiusap sa PBB: "She deserves to know"
Nanay ni Bianca de Vera, may pakiusap sa PBB: "She deserves to know" (📷@biancadeveraa/Instagram)
Source: Instagram

Hindi rin napigilan ng kanyang ina na ipahayag ang pagnanais na ma-pull out si Bianca mula sa Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition upang makasama nito ang mahal na alaga sa huling mga sandali nito.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ang naturang panawagan ay agad na nag-trending online at maraming netizens ang nagpahayag ng suporta, dasal, at pakikiramay sa pamilya ni Bianca.

Bukod sa pagiging isang rising star sa showbiz at contestant sa PBB, kilala si Bianca sa malapit na ugnayan sa kanyang pamilya at mga alagang hayop, kaya’t maraming netizens ang naka-relate at naapektuhan sa sitwasyon nila ngayon.

Habang abala si Bianca sa loob ng Bahay ni Kuya, hindi nito alam ang sinapit ng kanyang minamahal na si Peach, na tila naging bahagi na rin ng kanyang journey sa buhay. Wala pang pahayag mula sa PBB management kung anong aksyon ang kanilang gagawin ukol sa kahilingan ng ina ni Bianca.

Si Bianca De Vera ay isang batang aktres at modelo na nagsimulang mapansin sa showbiz sa kanyang pagganap sa ilang mga teleserye sa ABS-CBN at Viva projects. Kilala rin siya bilang TikTok content creator, dancer, at fashion influencer na may daan-daang libong followers sa social media. Nitong taon, mas lalo siyang nakilala nang mapasama bilang housemate sa Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition, kung saan ipinamalas niya ang kanyang talento, tapang, at charm sa madla. Sa kabila ng kanyang kasikatan, nanatiling malapit si Bianca sa kanyang pamilya at mga alagang hayop, bagay na muling pinatotohanan ng emosyonal na panawagan ng kanyang ina kamakailan.

Sa isang viral na eksena, emosyonal na nakita si Bianca habang nasa loob ng kotse na ini-tow ng traffic enforcers. Sa naturang video, kitang-kita ang kanyang luha at pag-aalala habang inaayos ang insidente. Maraming netizens ang naawa sa kanya at nagpahayag ng suporta, habang ang iba nama’y natuwa sa kanyang pagiging totoo sa harap ng camera.

Sa isang nakakatuwang TikTok video, sinamahan ni Gelli De Belen si Bianca De Vera at iba pang batang artista sa pagsayaw online. Marami ang humanga sa energy at good vibes na ipinamalas ng grupo, lalo na ang chemistry ng mga miyembro ng cast. Si Bianca, na isa ring TikTok enthusiast, ay nagpakita ng natural na galing sa pagsasayaw at nakitang enjoy na enjoy sa bonding moment kasama ang senior actress.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate