Jackie Lou Blanco sa pagpanaw ni Ricky Davao: "He really fought a good fight"

Jackie Lou Blanco sa pagpanaw ni Ricky Davao: "He really fought a good fight"

-Sunod-sunod ang pagpanaw ng kanyang inang si Pilita Corrales at dating asawa na si Ricky Davao kaya’t labis ang pighati ni Jackie Lou Blanco

-Inamin ng aktres na hanggang ngayon ay hirap pa rin silang tanggapin ang malalaking pagkawala sa kanilang pamilya

-Payo niya sa kanyang mga anak ay pagbutihin ang trabaho at ipagpatuloy ang kabutihan na iniwan nina Pilita at Ricky

-Patuloy naman ang pakikiramay ng mga kaibigan at kapamilya sa burol ni Ricky Davao sa Heritage Park

Durog ang puso ni Jackie Lou Blanco matapos mawalan ng dalawang mahalagang tao sa kanyang buhay sa loob lamang ng halos dalawang linggo — ang kanyang ina, ang tinaguriang Asia’s Queen of Songs na si Pilita Corrales, at ang ama ng kanyang mga anak na si Ricky Davao.

Jackie Lou Blanco sa pagpanaw ni Ricky Davao: "He really fought a good fight"
Jackie Lou Blanco sa pagpanaw ni Ricky Davao: "He really fought a good fight" (📷@jackielou.blanco/Instagram)
Source: Instagram

Sa panayam sa kanya ng media sa Malacañang, inamin ng beteranang aktres na hindi pa rin nila ganap na natatanggap ang mga sunod-sunod na trahedyang ito. “It’s been really very hard... we’re still grieving for my mom and now we’re grieving for Ricky,” emosyonal niyang pahayag.

Read also

Mayeth Malca, pinatattoo ang sulat-kamay ni Ricky Davao bilang alaala sa yumaong nobyo

Ginawaran ng Presidential Medal of Merit si Pilita Corrales ng Pangulong Bongbong Marcos sa Palasyo bilang pagkilala sa kanyang napakalaking kontribusyon sa musika. Ngunit sa gitna ng pagkilalang ito, hindi pa man lubos na natatapos ang kanilang pagdadalamhati sa ina, isa na namang dagok ang dumating kay Jackie Lou at sa kanyang mga anak — ang pagpanaw ng ama nilang si Ricky Davao. Ayon sa aktres, “Although Ricky has been sick for the last couple of months, he really fought a good fight.”

Mas lalong masakit para sa kanilang mga anak dahil sabay nilang nawala ang dalawang haligi ng kanilang pamilya. “It’s particularly hard for my children because they lost their dad and their mamita at the same time,” saad ni Jackie Lou. Bilang ina, pinapaalalahanan na lang daw niya ang kanyang mga anak na magpatuloy sa pagiging mabuti, dala ang mga aral na iniwan ng kanilang lolo at lola. “Kung anuman yung mga tinuro nila sa amin, that’s what we will try to share to other people,” dagdag pa niya.

Read also

Winwyn Marquez matapos tanghaling 1st runner-up sa MUPH 2025: "Winner na talaga ako"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Hanggang ngayon ay nananatili silang nagdadamayan bilang pamilya, at nananalig sa lakas ng Diyos para malampasan ang matinding lungkot. “We are just trying to draw strength from each other and we are praying for God’s strength that we are able to go through this together,” ani Jackie Lou.

Si Jackie Lou Blanco ay isang kilalang aktres at TV personality sa Pilipinas na nagsimula sa industriya noong dekada ‘80. Anak siya ng iconic singer na si Pilita Corrales at kilala rin sa pagiging pribado pagdating sa kanyang personal na buhay, lalo na sa kanyang pamilya. Ang kanyang dating asawa, si Ricky Davao, ay isa rin sa mga iginagalang na aktor at direktor sa bansa, na naiwan ng malalim na marka sa industriya ng pelikula at telebisyon.

Sa gitna ng pamamaalam ng kanyang ama, nakiusap si Rikki Mae Davao sa publiko na irespeto ang pribadong sandali ng kanilang pamilya noong panahon ng karamdaman ng aktor. Ipinahayag din niya ang pasasalamat sa mga nagpaabot ng suporta at pagmamahal. Nanawagan siya ng pang-unawa lalo na sa mga hindi nakadalo sa huling sandali ni Ricky.

Read also

Alicia Alonzo, pinili ang buhay sa monasteryo: "Goal ko lang, sana makarating ako sa langit"

Nagbahagi naman si Ara Davao ng mga alaala nila ng yumaong ama na si Ricky, kabilang na ang mga simpleng bonding moments na mahalaga para sa kanya. Sa isang touching post, ibinahagi ni Ara kung gaano siya ka-proud na maging anak ng isang tulad ni Ricky. Malinaw sa mga anak na hindi lang artista kundi isang mapagmahal na ama si Ricky Davao.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate