Kyline Alcantara, pinagtanggol ng kaibigan sa gitna ng kinasasangkutang kontrobersiya

Kyline Alcantara, pinagtanggol ng kaibigan sa gitna ng kinasasangkutang kontrobersiya

-Nagpahayag ng kanyang saloobin ang matagal nang kaibigan ni Kyline Alcantara para ipagtanggol siya

-Pinuna ng ilang netizens ang umano’y ugali ni Kyline matapos magsalita ang ina ni Kobe Paras

-Ipinahayag ng kaibigan na mabuti at maalaga si Kyline batay sa 12 taon nilang pagkakaibigan

-Hindi pa nagbibigay ng sariling pahayag si Kyline Alcantara hinggil sa mga akusasyon

Sa gitna ng isyu sa pagitan nina Kyline Alcantara at Kobe Paras, nagsalita ang matagal nang kaibigan ng Kapuso actress upang ipagtanggol siya laban sa mga negatibong komento. Sa pamamagitan ng isang Instagram Story, nagbigay si Hanna Rioteta ng matapang na suporta para kay Kyline, na umano'y nasasangkot sa isyu ng pagiging "toxic" at pananakit kay Kobe.

Kyline Alcantara, pinagtanggol ng kaibigan sa gitna ng kinasasangkutang kontrobersiya
Kyline Alcantara, pinagtanggol ng kaibigan sa gitna ng kinasasangkutang kontrobersiya (📷@itskylinealcantara/Instagram)
Source: Instagram

Ayon kay Hanna, labingdalawang taon na silang magkaibigan ni Kyline, at hindi umano mababaw ang kanilang pinagsamahan. “Kai is one of the kindest people I’ve ever met. She checks in, she shows up, and she gives even when she doesn’t have to,” saad niya. Ibinahagi pa ni Hanna na nakikita niya kay Kyline ang isang taong may malasakit sa iba at marunong gumawa ng tama kahit sa mahihirap na sitwasyon.

Read also

Kyline Alcantara, nagmakaawa daw na bumalik si Kobe sa tinitirhan nila ayon kay Jackie Forster

Dagdag pa ni Hanna, kabaligtaran umano ng mga kumakalat na negatibong kwento ang tunay na pagkatao ni Kyline. Aniya, ang aktres ay marunong umako ng pagkakamali kapag kinakailangan at nilalampasan ang mga pagsubok nang may pag-iingat at respeto. “Just wanted to say that there’s more to the story – and more to her,” dagdag pa ni Hanna.

Samantala, nananatiling tikom ang bibig ni Kyline Alcantara ukol sa mga alegasyon. Sa isang nakaraang panayam sa isang magazine, inamin niya na sa kabila ng mga kontrobersiyang kinakaharap niya, pinipili pa rin niya ang katahimikan. Hindi rin pinalampas ng social media personality na si Xian Gaza ang pagkakataon na batikusin si Jackie Forster, ang ina ni Kobe, dahil sa pagiging vocal nito sa isyu.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Dagdag pa niya, kaya raw hindi siya naapektuhan dahil pure ang kanyang intention.

Tuloy-tuloy ang suporta ng mga tagahanga ni Kyline na naniniwala sa kanyang kabutihang-loob sa kabila ng mga kontrobersiyang bumabalot sa kanyang pangalan.

Read also

Jackie Forster, naglabas ng prangkang pahayag sa isyu ng hiwalayang Kyline at Kobe

Si Kyline Alcantara ay isang kilalang Kapuso actress at singer na unang sumikat sa mga seryeng gaya ng Kambal, Karibal at Inagaw na Bituin. Kilala siya sa kanyang husay sa pag-arte at sa kanyang matatag na personalidad sa harap ng intriga. Sa kabila ng kanyang murang edad, ilang taon na rin siyang bahagi ng showbiz at ilang beses nang hinangaan sa kanyang dedikasyon sa trabaho at sa kanyang mga charity efforts. Sa personal na buhay, naging sentro siya ng mga balita kamakailan dahil sa kanyang naging relasyon at breakup kay basketball player Kobe Paras.

Nagbahagi si Kyline ng cryptic message tungkol sa kabutihang-loob sa kanyang social media, na ikino-konekta ng mga netizens sa mga isyung kinasasangkutan niya.

Ang latest dance video ni Kyline sa social media ay nagpalala ng mga spekulasyon tungkol sa kanyang relasyon kay Kobe Paras, lalo na nang mapansin ng mga fans ang kanilang social media activity.

Read also

Kyline Alcantara sa kinasasangkutang isyu: 'I know that my intentions are clear'

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate