Kyline Alcantara, nagmakaawa daw na bumalik si Kobe sa tinitirhan nila ayon kay Jackie Forster
-Ayon kay Jackie Forster, nagmakaawa si Kyline Alcantara kay Kobe na bumalik sa tinitirhan nila bago mag-Easter Sunday
-Si Kobe ang unang nakipaghiwalay, at sinabi ni Jackie na hindi basta-basta magdedesisyon si Kobe dahil sa kanyang kabutihan
-Ibinunyag ni Jackie na si Kyline mismo ang nagpakalat ng edited screenshots na nagdulot ng malaking isyu kay Kobe
-Si Kyline, ayon kay Jackie, ay hindi inintindi ang mga taong nagmamagandang-loob sa kanya at gagawin ang lahat para makuha ang gusto
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Sa gitna ng usap-usapan tungkol sa hiwalayan ni Kobe Forster at Kyline Alcantara, muling nagbigay ng pahayag si Jackie Forster, ina ni Kobe, upang magsalita tungkol sa umano'y pangyayari sa paghihiwalay ng dalawa.

Source: Youtube
Ayon kay Jackie, bago mag-Easter Sunday nitong Holy Week, nagmakaawa si Kyline na bumalik si Kobe sa tinitirhan nila at mag-sorry sa kanya. Sinabi ni Jackie na si Kobe ang unang nakipaghiwalay, at bagamat mabait at mapagbigay si Kobe, dumating sa punto na hindi na ito nakayanan dahil sa mga hindi magandang nararamdaman sa kanilang relasyon.
“‘Kobe gives his all, he’s kind, he’s generous, he sticks to one. But when he’s made to feel a certain way, he’s done,’” wika ni Jackie, na ipinaliwanag na hindi nagmadali si Kobe sa pagdedesisyon.
Nagkaroon daw ng masinsinang pag-uusap sa pagitan nila ni Kyline at Jackie. Npa-usapan daw nila ni Kyline na huwag magpadalos-dalos sa paggawa ng mga hakbang na makapagpapalala pa ng isyu, tulad ng pagbura ng mga larawan at pag-unfollow sa kanya sa social media.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Gayunpaman, pagkatapos ng kanilang pag-uusap, nagpost si Kyline ng isang sentimental na video kung saan siya ay kumakanta. Ang video na ito, ayon kay Jackie, ay naging sanhi ng mga maling assumptions at bashing laban kay Kobe sa social media.
Sinabi pa ni Jackie na si Kyline mismo ay umamin sa kanya na ang kanyang kaibigan na si “Hannah” ang nagpakalat ng mga edited screenshots ni Kobe na nagbigay ng maling impresyon tungkol sa kanilang relasyon.
Kaugnay ito sa isang issue na tinatawag na "Bali Issue" ni Kobe. Ayon kay Jackie, single na si Kobe noong mga panahong iyon at hindi na siya kasalukuyang magkasama kay Kyline.
Sinabi din ni Jackie na wala nang pakialam si Kyline sa mga taong nagmamagandang-loob sa kanya. Sa halip, ang tanging layunin ni Kyline ay makuha ang kung ano ang gusto niya, ani ni Jackie. Pahayag pa niya, si Kyline ay handang gawin ang lahat upang magtagumpay sa kanyang layunin, kahit na magdulot pa ito ng sakit at kalituhan sa iba.
Ang pagkasira ng relasyon ng dalawa ay nagdulot ng iba't ibang reaksyon mula sa publiko. May mga fans na nagpapakita ng suporta kay Kyline, habang ang iba naman ay ipinagtanggol si Kobe, lalo na pagkatapos ng mga pahayag na ito ni Jackie. Sa kabila ng lahat ng kontrobersiya, ipinagmamalaki ni Jackie si Kobe dahil pinili nitong lumayo at magpatuloy sa buhay nang hindi nagpapakita ng galit o agresyon.
Si Kyline Alcantara ay isang aktres at singer na kilala sa kanyang mga serye sa telebisyon at pelikula. Siya ay naging prominenteng personalidad sa showbiz sa pamamagitan ng kanyang mga karakter sa mga drama at love teams. Si Kobe Forster, sa kabilang banda, ay isang kilalang basketball player at social media influencer, na may matibay na base ng mga tagasuporta. Ang kanilang relasyon ay naging usap-usapan sa mga nakaraang buwan, at ngayon ay tila nagiging sanhi ng maraming isyu at kontrobersiya.
Nagbahagi si Kyline ng cryptic message tungkol sa kabutihang-loob sa kanyang social media, na ikino-konekta ng mga netizens sa mga isyung kinasasangkutan niya.
Ang latest dance video ni Kyline sa social media ay nagpalala ng mga spekulasyon tungkol sa kanyang relasyon kay Kobe Paras, lalo na nang mapansin ng mga fans ang kanilang social media activity.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh