Kris Aquino, hiling ang dasal: "Nahihirapan na akong maglakad"

Kris Aquino, hiling ang dasal: "Nahihirapan na akong maglakad"

- Sa panayam ni Ogie Diaz kay Kris Aquino, nasabi nito ang hiling niyang karagdagang dasal

- Nabanggit niyang ang kanyang karamdaman ngayon ay nakahahadlang sa kanyang paglalakad

- Maging sa pagsasalita, nagkakaroon umano ng pagkakataong nawawala ang kanyang boses

- Ang mahirap din sa kanyang sitwasyon, bawal siya umanong uminom ng pain reliever

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz, nabanggit ni Kris Aquino ang hiling ni Kris Aquino ng karagdagang dasal para sa kanyang kalagayan.

Kris A
Photo: Screengrab from Ogie Diaz YouTube
Source: Youtube

Ayon mismo sa tinaguriang "Queen of all media" ang kanyang nararamdamang sakit ngayon ang siyang dahilan bakit nahihirapan siyang lumakad.Ayon mismo sa tinaguriang "Queen of all media" ang kanyang nararamdamang sakit ngayon ang siyang dahilan bakit nahihirapan siyang lumakad.

"Can I ask for something more na ang sakit e bawal lahat sa akin ang pain reliever and all. The pain I'm going through right now, can you please pray na ma-lessen because it prevents me from being mobile. Nahihirapan na akong maglakad."

Read also

Alynna Velasquez, dinalaw ng purple-necked pigeon: "Purple is Hajji's favorite color"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Bukod dito, nabanggit din ni Kris ang tungkol sa kanyang pagsasalita.

"And I'll be honest with everyone, nag-uusap tayo ngayon 'di ba, humihina boses ko. After 30 minutes, nawawala ang boses ko."
"So please pray for that because meron nang nodules sa throat."
"Kung wala ang boses ko, hindi na ako si Kris."

Narito ang kabuuan ng panayam sa kanya ni Ogie Diaz:

Si Kris Aquino ay isang Pilipinang aktres, TV host, producer, at negosyante na kilala bilang “Queen of All Media” dahil sa kaniyang matagumpay na karera sa telebisyon, pelikula, at social media.Siya ay anak ng dating Pangulong Cory Aquino at dating Senador Ninoy Aquino, at kapatid ng dating Pangulong Noynoy Aquino. Bukod sa pagiging isang showbiz personality, kilala rin siya sa kaniyang pagiging prangka, matulungin, at mapagbigay, lalo na sa mga nangangailangan.

Sa kasalukuyan, si Kris ay nakikipaglaban sa ilang autoimmune diseases, ngunit patuloy pa rin siyang nagbibigay ng update sa kaniyang kalagayan sa social media at tumutulong sa kapwa sa kabila ng kaniyang pinagdaraanan.

Read also

Kris Aquino, nais na mag-mayor si Bimby: "Of course everyone wants a cute mayor"

Matatandaang sa kanyang social media post, minsang pinasalamatan ni Kris ang kaibigang sumama sa mga anak na sina Josh at Bimby sa pagpunta ng mga ito sa Disneyland. Tila hindi na ito magawa ni Kris na samahan sa ngayon dahil sa patuloy niyang gamutan.

Sa isang episode ng Showbiz Update channel ni Ogie Diaz, nabanggit niyang marami umanong mga faith healers ang kumokontak sa kanya at nais na makatulong umano sa kalagayan ni Kris Aquino. Gayunpaman, sinabi ni Ogie na mas lamang pa rin umano ang direktang pananampalataya ni Kris at nagtitiwala umano sa gamutang isinasagawa sa kanya ngayon.

Sa pinakabagong panayam sa kanya ni Ogie Diaz, nabanggit niyang nais pa niyang madagdagan pa ng taon ang kanyang buhay hanggang sa makita niyang naisakatuparan ni Bimby ang pangarap pangarap niya para sa anak na maging alkalde. Aniya, honest si Bimby at tiwala siyang kailanma'y hindi ito magnanakaw sa kaban ng bayan. Magsilbing inspirasyon umano si Bimby sa mga kapwa niya kabataan dahil sa halip na magulang ang nag-aalaga sa anak, ito ang nag-aalaga sa kanya. Matatandaang ilang larawan na ang nagpapakitang karga ni Bimby ang ina na hirap na umanong maglakad.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica