Kris Aquino, nais na mag-mayor si Bimby: "Of course everyone wants a cute mayor"
- Sa panayam ni Ogie Diaz kay Kris Aquino, nabanggit nito ang ilang hiling niya para kay Bimby
- Nais niya umanong makita pa ang bunsong anak na maging isang mayor
- Bukod sa pagiging isang mabuting anak, marunong umano ito sa pera kaya alam niyang hindi raw ito magnanakaw
- Matatandaang kamakailan lamang ay nagdiwang na ng kanyang 18th birthday si Bimby
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Nabigyan ng pagkakataon si Ogie Diaz na makapanayam si Kris Aquino sa kabila ng panghihina umano nito dahil sa kanyang kondisyon.

Source: Youtube
Isa sa mga nausisa ni Ogie sa kanyang Mareng Kris ay kung ano ang hiling nito kay Bimby.Isa sa mga nausisa ni Ogie sa kanyang Mareng Kris ay kung ano ang hiling nito kay Bimby.
"Hindi wish, pinagdadasal ko parati na kung gaano siya kabait ngayon, all the way until siya na 'yung may anak, sana umabot ng may apo, ganyan pa rin kabait. Kasi hindi ko binubuhat 'yung bangko ko, but maganda talaga ang pagpapalaki sa kanya. Becaus it takes a village, and then I had so many people helping. Marami siyang mga mentor, until now na malaki na siya, tito and tia pa rin ang tawag niya."
Naikwento rin ni Kris na mayroon talagang mga taong totoong nagmamalasakit sa kanya maging sa kanyang mga anak.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
"I also realize na maraming nagsasabi na plastik sa showbiz, users, No! 'Yung mga totoong naging kaibigan niya tini-treat siya parag baby pa rin. Galing sa showbiz at galing sa politika, ma-amaze ka."
Nais din niyang magsilbing inspirasyon ang anak dahil sa kabutihang pinakikita nito sa kanya lalo na sa pagdating sa pag-aalaga at pag-aaruga.
"I want Bimb to be an inspiration to other kids na, normally kasi 'di ba nanay ang nag-aalaga sa anak, na-reverse 'yan talaga... Kasi ilang beses niya akong binuhat talaga."
At isa sa mga hiling ni Kris ay ang maging isang mayor si Bimby balang araw.
"Sana umabot ako ako ng another, kasi na-discover 'yung auto-immune ko, seven years ago. Sabi ko, 'God dagdag. 7 plus 7. Para umabot akong nakita kong swearing in niya as mayor."
Narito ang kabuuan ng panayam kay Kris mula sa Ogie Diaz YouTube channel:
Si Kris Aquino ay isang Pilipinang aktres, TV host, producer, at negosyante na kilala bilang “Queen of All Media” dahil sa kaniyang matagumpay na karera sa telebisyon, pelikula, at social media.Siya ay anak ng dating Pangulong Cory Aquino at dating Senador Ninoy Aquino, at kapatid ng dating Pangulong Noynoy Aquino. Bukod sa pagiging isang showbiz personality, kilala rin siya sa kaniyang pagiging prangka, matulungin, at mapagbigay, lalo na sa mga nangangailangan.
Sa kasalukuyan, si Kris ay nakikipaglaban sa ilang autoimmune diseases, ngunit patuloy pa rin siyang nagbibigay ng update sa kaniyang kalagayan sa social media at tumutulong sa kapwa sa kabila ng kaniyang pinagdaraanan.
Matatandaang sa kanyang social media post, minsang pinasalamatan ni Kris ang kaibigang sumama sa mga anak na sina Josh at Bimby sa pagpunta ng mga ito sa Disneyland. Tila hindi na ito magawa ni Kris na samahan sa ngayon dahil sa patuloy niyang gamutan.
Sa isang episode ng Showbiz Update channel ni Ogie Diaz, nabanggit niyang marami umanong mga faith healers ang kumokontak sa kanya at nais na makatulong umano sa kalagayan ni Kris Aquino. Gayunpaman, sinabi ni Ogie na mas lamang pa rin umano ang direktang pananampalataya ni Kris at nagtitiwala umano sa gamutang isinasagawa sa kanya ngayon.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh