Jackie Forster, pumalag sa komento tungkol sa kanyang posts: ‘Bakit ako ang sinisisi?’
- Nagsalita si Jackie Forster laban sa mga netizen na bumabatikos sa kanyang mga pahayag ukol sa isyu nina Kobe Paras at Kyline Alcantara
-Iginiit ni Forster na matagal siyang nanahimik ngunit napuno na siya sa mga lumalalang isyu
-Nagsalita din siya sa pananahimik umano ng magulang ni Alcantara at nangakong maglalabas siya ng ebidensya sa tamang panahon
-Pinaalalahanan din ni Forster ang mga tagahanga na tingnan ang mga social media posts ng kabilang panig para patas ang paghusga
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Matapang na bumuwelta ang dating aktres na si Jackie Forster sa mga kritisismo na siya umano ang may kasalanan sa paglalabas ng pahayag kaugnay ng isyu ng kanyang anak na si Kobe Paras at aktres na si Kyline Alcantara.

Source: Instagram
Sa isang tugon sa social media, iginiit ni Forster na matagal siyang nanahimik ngunit napuno na siya dahil umano sa palalalang isyu at pagdadagdag ng kwento ng iba.

Source: Instagram
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
“Sila nga nag umpisa and nag dadagdag eh, bakit ako sinisisi ng mga tao? I’ve been quiet until recently. Kasi sumosobra na nga,” ani Forster bilang tugon sa mungkahi ng isang netizen na itigil na niya ang kanyang mga social media posts ukol sa umano’y hiwalayan nina Kobe at Kyline. Sa isa pang komento, itinanggi ni Forster ang pahayag ng netizen na tahimik lamang ang kampo ni Alcantara, sabay giit na may hawak siyang ebidensya na ilalabas niya "in due time."

Source: Instagram
“That’s not true. Please check your facts. I have proof,” matapang na pahayag ng dating aktres. Hinihikayat din niya ang publiko na maging patas at suriin ang mga post ng magulang ng kabilang panig. “Tama yan para fair check nyo mga post ng magulang ng kabila please,” dagdag pa ni Forster.

Source: Instagram
Matatandaan na kamakailan lamang ay nagbigay si Forster ng mensahe kay Kobe upang alagaan ang kanyang "peace" sa gitna ng mga spekulasyon ukol sa kanilang relasyon ni Kyline. Lalong uminit ang espekulasyon ng hiwalayan ng dalawa nang mapansin ng mga netizen na nag-unfollow sila sa isa’t isa sa Instagram at binura ang ilang mga larawan nila. Hanggang sa ngayon, nananatiling tahimik sina Kobe at Kyline ukol sa tunay na estado ng kanilang relasyon.
Si Jackie Forster ay isang dating aktres na nakilala noong dekada '90 at naging bahagi ng iba't ibang pelikula at palabas sa telebisyon. Kilala rin siya bilang ina ng mga kilalang personalidad sa sports at showbiz na sina Andre at Kobe Paras. Matapos iwan ang mundo ng showbiz, naging aktibo si Forster sa social media kung saan madalas siyang nagbabahagi ng kanyang pananaw, lalo na pagdating sa kapakanan ng kanyang mga anak.
Kamakailan, ibinahagi ni Jackie Forster ang kanyang mensahe sa anak na si Kobe Paras kung saan pinaalalahanan niya itong protektahan ang kanyang kapayapaan sa gitna ng mga personal na pagsubok na kinahaharap. Sa artikulong "Jackie Forster sa anak na si Kobe Paras: 'Protect that peace'", inilahad niya ang kanyang pagmamalasakit sa anak sa kabila ng mga usap-usapan sa paligid.
Bukod dito, nag-post din si Forster ng isang cryptic message tungkol sa "manipulation" na lalong nagpainit sa mga haka-haka ukol sa umano'y problema nina Kobe at Kyline. Sa artikulong "Jackie Forster, may cryptic post ukol sa 'manipulation'", iniugnay ng maraming netizens ang kanyang pahayag sa nangyayaring isyu sa kanyang anak.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh