Lotlot de Leon, binahaging 3 beses na nag-flatline si Nora Aunor bago ito tuluyang pumanaw
-Ibinahagi ni Lotlot de Leon sa eulogy ang tatlong pagkakataon na nag-flatline si Nora Aunor bago ito tuluyang pumanaw
-Ayon sa kanya, minsan nang nabuhay muli ang Superstar matapos ang una at pangalawang pag-flatline
-Sa ikatlong beses, nagdesisyon na ang magkakapatid na tanggapin ang pagpanaw ng kanilang ina
-Pinarangalan si Nora Aunor sa isang pambansang libing bilang pagkilala sa kanyang ambag sa sining
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Hindi napigilan ni Lotlot de Leon ang matinding emosyon habang binibigkas ang kanyang eulogy para sa ina, ang National Artist na si Nora Aunor, sa huling gabi ng lamay nito noong Lunes, April 21, sa Heritage Memorial Park sa Taguig. Sa kanyang pagsasalita, isiniwalat niya na tatlong beses na nawalan ng pulso ang Superstar bago tuluyang namaalam noong Miyerkules Santo.

Source: Instagram
Ayon kay Lotlot, unang nangyari ang pag-flatline ilang taon na ang nakararaan, kung saan na-revive pa si Nora. Nangyari muli ito kamakailan, at tulad ng una, muling nabigyan ng panibagong hininga ang kanilang ina. Ngunit sa ikatlong pagkakataon, sinabi ni Lotlot na pinili na nilang pakawalan ito. “Pinakawalan na namin ang aming mommy,” emosyonal niyang pahayag habang binabalikan ang mga huling araw ng Superstar.
Naalala rin ni Lotlot ang mga sandali kung saan magkausap sila ng kanyang mga kapatid sa ospital nang biglang lumapit ang isang nurse para ipaalam na muling nag-flatline ang kanilang ina. Para sa aktres, isa itong tanda ng patuloy na pakikipaglaban ni Nora para manatiling buhay, ngunit sa huli, mas pinili na nitong magpahinga.
Ibinahagi rin ni Lotlot ang huling usapan nila ng kanyang ina tungkol sa kondisyon nito. Aniya, pilit niyang tinanong kung ano ang lagay nito, ngunit kalmado lamang ang sagot ni Nora: “Anak, huwag kang mag-alala, kaya ko ‘to.” Ayon kay Lotlot, ang ubo at sipon lamang daw ang unang sintomas, ngunit hindi nila inakalang ito’y mauuwi sa huling yugto ng buhay ni Nora.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Bukod sa mga alaala ng kanilang huling mga sandali, binalikan din ni Lotlot kung paano siya pinalaki ng kanyang ina upang maging matatag at responsable, lalo na bilang panganay. Tinuruan daw siya ni Nora na arugain ang mga kapatid sa mga panahon na abala ito sa trabaho. Kaya’t sa kanyang pamamaalam, tiniyak ni Lotlot na siya na ang bahala sa kanilang pamilya. “Mommy, mamahinga ka na,” aniya habang lumuluha.

Read also
Gardo Versoza, binahagi ang picture nila nina Cherie Gil at Nora Aunor: "Mukhang ako na ang next ah"
Isinagawa ang isang pambansang libing para kay Nora Aunor bilang pagkilala sa kanyang hindi matatawarang ambag sa sining ng pelikula at telebisyon. Dinaluhan ito ng mga kilalang personalidad sa industriya, tagahanga, at mga kasamahan sa larangan ng sining na nagbigay-pugay sa huling pagkakataon sa tinaguriang Superstar.
Si Nora Aunor, o Nora Cabaltera Villamayor sa tunay na buhay, ay itinuturing na haligi ng sining at pelikula sa Pilipinas. Sa mahigit limang dekada sa industriya, napanalunan niya ang maraming prestihiyosong parangal sa loob at labas ng bansa. Kinilala siya bilang National Artist for Film and Broadcast Arts, at nagsilbing inspirasyon sa maraming Pilipino sa pamamagitan ng kanyang talento at kwento ng pag-angat mula sa simpleng buhay patungong kasikatan.
Lotlot de Leon, emosyonal na nagpasalamat sa mga nakiramay sa kanilang pamilya.
Christopher De Leon at Lotlot, naging emosyonal sa burol ni Nora Aunor
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh