Jackie Forster, nagbahagi ng mensahe tungkol sa "accountability"

Jackie Forster, nagbahagi ng mensahe tungkol sa "accountability"

-Nagbahagi si Jackie Forster ng cryptic post sa Instagram Stories tungkol sa manipulative behavior

-Ayon sa kanyang post, mas pinipili ng ilan na baluktutin ang kwento upang palabasin na ang iba ang may problema

-Hindi direktang tinukoy ni Jackie kung sino ang pinatutungkulan, ngunit kasabay ito ng mga tsismis sa love life ng anak niyang si Kobe Paras

-Ginamit niya ang hashtag na #mamawithreceipts, na tila nagpapahiwatig ng pagkakaroon niya ng ebidensya sa kanyang pahayag​

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Nagbigay ng panibagong pahiwatig si Jackie Forster sa pamamagitan ng isang cryptic post sa kanyang Instagram Stories na agad naging usap-usapan ng netizens. Ang dating aktres at ina ng basketball player na si Kobe Paras ay nagbahagi ng quote na puno ng emosyon at tila tumatalakay sa isyu ng emosyonal na manipulasyon at pagtanggi ng pananagutan.​

Jackie Forster, nagbahagi ng mensahe tungkol sa "accountability"
Jackie Forster, nagbahagi ng mensahe tungkol sa "accountability" (📷@jackie_forster/Instagram)
Source: Instagram

"It's easier to deny, deflect, and distort than to take accountability. So instead of owning their behavior, they create a version of the story where you're the problem. But their narrative doesn't change your reality and your healing doesn't require their validation."​

Read also

Netizens, napansing naka-unfollow sa IG sina Kyline Alcantara at Kobe Paras sa isa't-isa

Jackie Forster, nagbahagi ng mensahe tungkol sa "accountability"
Jackie Forster, nagbahagi ng mensahe tungkol sa "accountability" (📷@jackie_forster/Instagram)
Source: Instagram

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Bagamat hindi niya pinangalanan kung sino ang tinutukoy sa post, kapansin-pansing inakbayan ng post ang mga umiikot na usap-usapan kaugnay sa diumano'y hiwalayan ng kanyang anak na si Kobe Paras at ng aktres na si Kyline Alcantara. Sa mga nakalipas na linggo, napansin ng mga masugid nilang tagahanga ang pagbabago sa social media activity ng dalawa—mula sa pagtanggal ng mga dating sweet photos, hanggang sa hindi na nila pina-follow ang isa’t isa.​

Dagdag pa rito, ginamit ni Jackie ang hashtag na #mamawithreceipts, na tila nagpapahiwatig na alam niya ang tunay na kwento sa likod ng mga nangyayari at handa siyang maglabas ng ebidensya kung kinakailangan.​

Sa comment section ng mga nag-repost ng kanyang post, gaya ng sa Fashion Pulis, hati ang opinyon ng mga netizens. May ilan ang nagsabing, “Strong moms speak truth. Go, Jackie!” habang ang iba naman ay nagbigay komento tulad ng, “Mas maganda sana kung tahimik na lang.”​

Read also

Gardo Versoza, binahagi ang picture nila nina Cherie Gil at Nora Aunor: "Mukhang ako na ang next ah"

Sa kabila ng kawalan ng kumpirmasyon mula kina Kobe at Kyline, mas lalong naging masigla ang usapan dahil sa tila pagsang-ayon ni Jackie sa nararamdaman ng isang taong dumaan sa hindi makatarungang sitwasyon. Ang kanyang post ay naging boses para sa mga taong minsang napagbintangan, habang ang tunay na sanhi ng problema ay natatabunan.​

Si Jackie Forster ay isang dating aktres sa Pilipinas na naging mas kilala ngayon bilang isang social media personality. Isa siya sa mga ina na aktibong ipinagtatanggol at minamahal ang kanyang mga anak—kabilang na rito sina Andre Paras at Kobe Paras. Bukod sa kanyang pagiging celebrity mom, isa rin siyang mapagmahal na asawa at hands-on na ina sa kanyang mga bunsong anak.​

Kobe Paras, may pag-amin tungkol sa relasyon kay Kyline Alcantara. Kinumpirma ni Kobe Paras ang kanyang relasyon kay Kyline Alcantara sa isang panayam, kung saan tinawag niya si Kyline bilang kanyang "celebrity crush" at inamin na sila ay nagde-date.

Read also

Kris Aquino, sinabing baka huling birthday na ni Bimby na makakasama niya ito

Kobe Paras, binati si Kyline Alcantara sa kaarawan nito. Nag-post si Kobe Paras ng sweet greeting para kay Kyline Alcantara sa kanyang kaarawan, na ipinagdiwang ng aktres sa New York habang dumadalo sa New York Fashion Week.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate