Netizens, napansing naka-unfollow sa IG sina Kyline Alcantara at Kobe Paras sa isa't-isa

Netizens, napansing naka-unfollow sa IG sina Kyline Alcantara at Kobe Paras sa isa't-isa

- Napansin ng ilang netizens na hindi na naka-follow si Kyline Alcantara kay Kobe Paras sa Instagram

- Naka-follow pa rin si Kobe kay Kyline base sa aktwal na pag-check sa kani-kanilang IG accounts

- Nauna nang nabura ang mga sweet photos nila sa IG, maliban sa mga sponsored posts

- Hindi pa nagbibigay ng opisyal na pahayag ang dalawa sa tunay na estado ng kanilang relasyon

Matapos mapansin ng eagle-eyed netizens ang biglaang pagbura ng mga couple photos nina Kyline Alcantara at Kobe Paras sa kani-kanilang Instagram accounts, isang bagong development ang muling nagpainit sa usap-usapan: hindi na nakafollow sa isa’t isa ang dalawa.

Netizens, napansing naka-unfollow sa IG sina Kyline Alcantara at Kobe Paras sa isa't-isa
Netizens, napansing naka-unfollow sa IG sina Kyline Alcantara at Kobe Paras sa isa't-isa (📷@itskylinealcantara, @_kokoparas/Instagram)
Source: Instagram

Unang napansin ng ilang netizens na hindi na naka-follow ang Kapuso actress na si Kyline Alcantara sa Instagram account ni Kobe. Nang buksan naman ng ilang netizens ang IG profile ng basketball player, nakita nilang naka-follow pa rin ito kay Kyline. Upang kumpirmahin ang balitang ito, mismong team ng media ang nag-check, at totoo ngang wala na sa "following" list ni Kyline si Kobe.

Read also

Gardo Versoza, binahagi ang picture nila nina Cherie Gil at Nora Aunor: "Mukhang ako na ang next ah"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Kasabay ng isyung ito, umugong muli ang mga tsismis na hiwalay na nga umano ang dalawa. Ayon sa isang source mula sa Bandera, may third party raw na sangkot sa umano'y paghihiwalay, ngunit hanggang ngayon ay nananatiling walang opisyal na kumpirmasyon o kahit pahiwatig mula kina Kyline at Kobe. Sa kabilang banda, taliwas sa mga lumalabas na haka-haka, sinabi ng ama ni Kobe na si Benjie Paras sa isang panayam na “very much together” pa rin daw ang anak niya at si Kyline.

Netizens, napansing naka-unfollow sa IG sina Kyline Alcantara at Kobe Paras sa isa't-isa
Netizens, napansing naka-unfollow sa IG sina Kyline Alcantara at Kobe Paras sa isa't-isa (📷@itskylinealcantara/IG)
Source: Instagram

Matatandaan na noong Nobyembre 2023 lamang nang kumpirmahin nina Kyline at Kobe ang kanilang relasyon. Sa isang panayam, nang tanungin si Kobe kung sino ang kanyang biggest crush, mabilis ang sagot nito: “Kyline Alcantara because we are dating!” Ikinatuwa ito ng maraming fans at sumuporta sa kanilang tambalan.

Gayunpaman, tila nagiging palaisipan ngayon sa netizens ang tunay na estado ng relasyon ng dalawa. Hindi pa rin malinaw kung pansamantala lang ang kanilang social media activity o may malalim itong dahilan. Dagdag pa sa pagkakabura ng mga couple photos nila sa IG, naiwan lamang ang ilang branded contents na kasama sila pareho, na tila nagpapatunay na may professional obligation pa silang sabay na tinutupad.

Read also

Kris Aquino, sinabing baka huling birthday na ni Bimby na makakasama niya ito

Si Kyline Alcantara ay isang aktres, singer, at endorser sa ilalim ng GMA Network. Una siyang nakilala sa “Kambal Karibal” at nakilala bilang isa sa mga promising young actresses ng Kapuso network. Bukod sa kanyang pag-arte, isa rin siyang aktibong social media personality na may malaking fanbase. Sa edad na 21, naitampok na siya sa iba’t ibang teleserye, endorsements, at live shows.

Samantala, si Kobe Paras ay isang kilalang basketball player at anak ng dating PBA legend na si Benjie Paras. Bukod sa kanyang sports career, naging laman din siya ng entertainment news dahil sa kanyang mga naging relasyon, kabilang na si Kyline.

Nag-post si Kyline Alcantara ng isang mensahe sa Instagram na tila may kaugnayan sa isyung hiwalayan nila ni Kobe Paras. Maraming netizens ang nakapansin sa kanyang mapanlikhang pahayag na umano’y may pinagdaraanan siya.

Ibinunyag ni Ogie Diaz sa kanyang vlog na hiwalay na umano sina Kobe at Kyline, ayon sa isang source na malapit sa kanila. Sa kabila nito, hindi pa rin ito kinukumpirma ng parehong kampo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate