Alexie Brooks, inalay ang tagumpay sa Miss Eco International 2025 sa kanyang yumaong lola
-Ipinagdiwang ni Alexie Brooks ang kanyang pagkapanalo sa Miss Eco International 2025 sa pamamagitan ng pag-aalay nito sa kanyang Lola Basing
-Nag-post siya ng larawan ng yumaong lola na habang makikita sa TV ang ipinalalabas na kanyang coronation moment
-Malapit si Alexie sa kanyang Lola Basing na siyang nagpalaki sa kanya habang nagtatrabaho bilang OFW ang kanyang ina sa Lebanon
-Panalo rin si Alexie sa National Costume segment sa kanyang agila-inspired costume na gawa ni Tata Pinuela
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Isang emosyonal na parangal ang inalay ni Alexie Brooks sa kanyang yumaong lola matapos niyang tanghaling Miss Eco International 2025 sa ginanap na grand coronation night sa Alexandria, Egypt.

Source: Facebook
Sa isang Facebook post, ibinahagi ng Ilongga beauty queen ang litrato ni Lola Basing na masayang nakangiti habang nasa telebisyon ang corobation ng naturang international pageant. Nakasulat sa caption ni Alexie ang simpleng ngunit makabagbag-damdaming mensahe: “Lola! I made it.”
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Pumanaw si Lola Basing noong Setyembre 2024. Simula noon ay hindi naitago ni Alexie ang labis na pagdadalamhati sa pagkawala ng taong nagpalaki at nagsilbing inspirasyon niya sa buong buhay. Si Lola Basing ang nag-alaga sa kanya sa Iloilo habang nasa Lebanon ang kanyang ina para magtrabaho bilang isang overseas Filipino worker (OFW).
Noong ika-16 ng Abril, sa mismong kaarawan ng kanyang lola, nagsulat si Alexie ng isang bukal sa pusong liham na nagpapahayag ng kanyang pangungulila at pagmamahal. Ang panalo niya ay tila katuparan ng panalangin at pangarap nila ni Lola Basing na makita siyang magtagumpay sa entablado ng mundo.
Sa coronation night ng Miss Eco International 2025 na ginanap noong Abril 19 (Abril 20 sa Manila), nagningning si Alexie sa kanyang ganda, talino, at paninindigan. Isa siya sa mga paboritong kandidata mula sa simula ng kompetisyon at tumanggap ng papuri sa kanyang pagdadala ng sarili at mensahe ukol sa kalikasan.
Nang tanungin siya sa Q&A ng, “Imagine the world in 2050. What’s one thing you hope has changed?” ay sagot niya:
"If you want me to be realistic, climate change is impacting our world right now. And the only thing that we can do is to act towards it. Brothers and sisters, ladies and gentlemen, we have the same mother even if we came from different nations. And we in here are brothers and sisters right now. And our mother is asking for our help. So we must save our planet Earth and we must take care of our Mother Earth. Thank you so much."
Maliban sa korona, nanalo rin si Alexie sa National Costume competition kung saan suot niya ang likhang obra ni Tata Pinuela—isang costume na inspirasyon ang Philippine Eagle. Ipinakita niya ang gilas at ganda ng kulturang Pilipino habang binibigyang-pugay ang kalikasan, isang temang malapit sa kanyang puso.
Si Alexie Brooks ay isang Ilongga beauty queen na kilala sa kanyang matatag na paninindigan sa usapin ng environmental awareness. Kilala rin siya sa kanyang pagiging bukas sa pagsasalaysay ng personal na pinagmulan at sa kanyang pagpapahalaga sa pamilya, lalo na sa kanyang lola na nagsilbing ilaw ng kanyang pagkatao.
Matatandaang nagbahagi si RabiyaMateo ng kanyang mensahe upang ihayag ang suporta niya sa pambato ng Iloilo City sa Miss Universe Philippines pageant 2024. Sa kanyang post sa social media, binigyang pugay ni Rabiya ang 'hard work at sacrifice' ni Alexie Brooks at ng kanyang team ilang oras bago ang coronation night.
Lubos na nagdalamhati si Alexie Brooks sa pagpanaw ng kanyang pinakamamahal na lola. Sa isang emosyonal na post, ibinahagi niya ang kanyang matinding kalungkutan at pagkabigla sa pagkawala ng taong pinakamahal niya.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh