Ashley Ortega, naikwentong nag-text agad sa kanya si Carmina pagkalabas ng PBB house
- Naikwento ni Ashley Ortega na nagpadala agad sa kanya ng mensahe si Carmina Villaroel pagkalabas niya ng Bahay ni Kuya
- Si Carmina ang ina ng kanyang boyfriend na si Mavy Legaspi
- Nasabi rin ni Ashley kung paano siya itrato nina Carmina at asawa nitong si Zoren Legaspi na minsan na rin niyang mga nakatrabaho
- Si Ashley ang isa sa mga Kapuso stars na nakasama sa Pinoy Big Brother Celebruty collab edition
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz, naibahagi ni Ashley Ortega na agad siyang napadalhan ng mensahe ng aktres na si Carmina Villaroel.

Source: Youtube
Matatandaang si Ashley ang bagong nobya ng anak ni Carmina na si Mavy Legaspi.
Ani Ashley, labis umano siyang nagalak nang malamang suportado siya ng pamilya ng kanyang boyfriend.
"Tapos 'nung kakalabas ko lang ng bahay ni Kuya, nag-text agad sa'kin si tita Mina which I really appreciate. Kinumusta niya ako agad. Sabi niya, "Hi Ash, how are you? Welcome to the outside world. I am so proud of you for being a strong woman. I can't wait to see you soon. Take care."
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Nalaman din niyang sumusubaybay umano ang buong pamilya ni Mavy sa kanya kaya naman alam ng mga ito ang pinagdaanan niya sa loob ng PBB house.
Isa si Ashley sa mga pinakaabangan sa edisyon na ito ng Pinoy Big Brother hanggang sa tuluyan na itong ma-evict kasama ng kanyang ka-duo na si AC Bonifacio.
Matatandaang nag-viral pa ang larawan nila ni AC na kanilang nagawang ulitin nang mag-guest sila sa It's Showtime.
Samantala, narito ang kabuuan ng panayam kay Ashley mula sa Ogie Diaz YouTube:
Masasabing makasaysayan ang Pinoy Big Brother Celebrity collab edition ngayong taon dahil ito ang kauna-unahag pagkakataon na nagkasama ang mga Kapamilya at Kapuso stars sa tanyag na bahay ni Kuya.Maging ang mga host na sina Bianca Gonzalez, Melai Francisco, Kim Chiu, Enchong Dee, Robi Domingo ay nadagdagan ng Kapuso hosts na sina Gabbi Garcia at Mavy Legaspi.
Isa ang Kapuso Actress na si Ashley Ortega sa mga nakapukaw ng pansin ng netizens gayung sa unang araw pa lamang nila sa bahay ni kuya, naikwento agad nito kay Ivana Alawi na tatlong taon na umano silang walang komunikasyon ng kanyang ina. Ito ay buhat nang magdesisyon si Ashley na umalis sa poder ng kanyang ina at magsarili na lamang sa buhay.
Samantala, isa rin sa mga naging usap-usapan mula sa PBB Celeb collab edition ay nang isapubliko na ni Klarisse De Guzman ang tungkol sa kanyang pagiging isang bis*xual. Marami man ang nagulat sa rebelasyon ni Klarisse, umaapaw naman ang naging suporta sa kanya ng publiko lalo na ng mga miyembro ng LGBTQ community. Matatandaang nabanggit din ni Klarisse sa kanyang pag-amin na alam na ng kanyang mga magulang ang kanyang relasyon kay Trina at bago pa nga pumanaw ang kanyang ama ay naihayag niya ang kalagayan at suportado naman siya nito. At ngayong nasa bahay ni Kuya si Klarisse, si Trina ang kasama at nag-aalaga sa kanyang ina lalo na at nagda-dialysis ito.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh