Dimples Romana, ibinida ang unang flight na anak na si Callie Ahmee ang pilot

Dimples Romana, ibinida ang unang flight na anak na si Callie Ahmee ang pilot

-Ipinagmalaki ni Dimples Romana na nakasakay sila ng eroplano kung saan ang anak niyang si Callie Ahmee mismo ang piloto

-Nagpunta ang buong pamilya sa Australia bilang suporta sa college graduation ni Callie na nag-aral ng aviation

-Ayon kay Dimples, walang perpektong pamilya pero nananatiling buo sila sa pagmamahalan sa kabila ng lahat

-Natupad na rin ang matagal na niyang pangarap na masaksihan at maranasan mismo ang paglipad ng anak bilang piloto

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Isang emosyonal at makasaysayang sandali ang ibinahagi ni Dimples Romana sa social media matapos nilang maranasan ang unang biyahe sakay ng eroplano na piniloto mismo ng anak niyang si Callie Ahmee. Sa kanyang Instagram post, makikita ang buong pamilya na masaya sa paliparan habang nakatayo sa harap ng isang eroplano. Ang caption ni Dimples ay puno ng pagmamalaki at pagmamahal.

Dimples Romana, ibinida ang unang flight na anak na si Callie Ahmee ang pilot
Dimples Romana, ibinida ang unang flight na anak na si Callie Ahmee ang pilot (📷@dimplesromana/IG)
Source: Instagram

“Category: built from scratch. No family is perfect, we all have quirks and irks, but in all of our glorious flawedness, one thing we don’t ever fail to do is to love all of our light and all of our darkness too. And in all this, we hold our very family’s secret strength, the unica who flies through it all and brings us back to where we all belong—HOME.”

Read also

Dennis Padilla, nanawagang huwag i-bash ang kapatid na si Gene Padilla

Ipinahayag rin ni Dimples ang kanilang lubos na suporta kay Callie sa bawat yugto ng buhay nito, lalo na ngayon na ito ay isa nang ganap na piloto.

“We’re growing with you ate @callieahmee. We’re here every step of the way.”

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Hindi rin maitago ni Dimples ang tuwa sa katuparan ng isa sa kanyang mga pangarap: ang masaksihan ang anak habang ginagampanan nito ang propesyon na pinaghirapan.

“FIRST flight with Ate @callieahmee as our pilot! Flew all the way to Australia to experience this. And of course no experience is complete without those who were with us as we were building—welcome to Australia ate @vilma_omid.”

“Bucket list item fulfilled! On to the next, fam! I’m proud of us.”

Matagal nang binabanggit ni Dimples sa ilang mga panayam ang kanyang hangaring makapunta sa Australia hindi lamang upang dumalaw kundi upang saksihan mismo ang tagumpay ng kanyang anak. At sa wakas, ngayon ay naisakatuparan na rin ito. Sa aming eksklusibong chat kay Dimples, ibinahagi niyang lubos ang kaligayahan ng kanilang pamilya sa okasyong ito, lalo na’t ito rin ang pagtatapos ni Callie sa kolehiyo.

Read also

Andre Paras, pinagtanggol ang kapatid na si Kobe Paras laban sa mga kritiko

Si Dimples Romana ay isang kilalang aktres at personalidad sa showbiz na bukod sa kanyang karera ay kilala rin sa pagiging hands-on na ina. Isa sa kanyang mga anak ay si Callie Ahmee, na ilang taon nang nag-aaral ng aviation sa Australia. Sa bawat milestone ni Callie, palaging present si Dimples at ipinapakita ang kanyang buong suporta—maging ito man ay sa larangan ng edukasyon o sa personal na buhay ng kanyang anak.

Dimples Romana, ibinida ang "first solo flight" ng anak na si Callie; netizens bumilib kay Callie. Ibinahagi ni Dimples ang video ng unang solo flight ng anak niyang si Callie habang nag-aaral ng aviation sa Australia.

Anak ni Dimples Romana na si Callie, pumasa sa CPL exam nito sa Australia. Ipinagmalaki ni Dimples ang tagumpay ng anak na si Callie matapos pumasa sa Commercial Pilot License exam sa Australia

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate