Kitkat Favia, may matapang na mensahe kay Gene Padilla kaugnay sa pahayag ni Marjorie Barretto
- Naglabas ng pahayag si Kitkat Favia laban kay Gene Padilla matapos ang isyu sa kasal ni Claudia Barretto
- Ibinunyag ni Kitkat na may personal siyang karanasan kung saan nakialam umano si Gene sa kanyang sigalot noon
- Nagpahayag si Kitkat ng pagkadismaya sa mga lalaking aniya'y nananakit ng damdamin ng babae
- Nilinaw ni Kitkat na ang kanyang puna ay nakatuon lamang kay Gene at hindi sa iba pang sangkot sa isyu
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Naglabas ng matapang na pahayag ang komedyanteng si Kitkat Favia laban kay Gene Padilla sa pamamagitan ng kanyang Facebook post. Ito ay kasunod ng kontrobersiyang kinasangkutan ni Gene kaugnay ng kasal ni Claudia Barretto, anak ni Marjorie Barretto.

Source: Facebook
Nag-ugat ang isyu mula sa post ni Gene noong April 9, isang araw matapos ang kasal ng pamangkin niyang si Claudia kay Basti Lorenzo. Sa kanyang Instagram post, inilahad niya ang kanyang pagkadismaya matapos umano niyang masaksihan ang tila malamig na pagtanggap kay Dennis Padilla — ama ng bride at kanyang kapatid.
Hindi ito pinalampas ni Marjorie Barretto na sa isang panayam sa vlog ni Ogie Diaz ay naglabas ng kanyang panig. Diretsahan niyang sinabi: “First thing first, no offense, you were not invited to the wedding, si mama (ex-mother-in-law) lang at si Dennis.”
Sa kanyang post, ibinahagi ni Kitkat ang kanyang karanasan kung saan umano'y nakialam si Gene sa kanyang personal na isyu noong siya ay buntis pa.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
"Well sakin umepal ka din dati, ikaw na pinag simpatyahan ko….., pero gumatong at nakipag kampihan ka pa dun sa umaway sakin! Hahaha katatanda at kalalaki nyong tao pinagkaisahan nyo ko! Tsk tsk tsk.. P.S. DI KO MAKAKALIMUTAN YUN AT BUNTIS NA AKO NON! Hilig nyo manakit ng damdamin ng Babae, Bata, ng Kapwa!"
Sa isa pang post, nilinaw ni Kitkat na ang kanyang puna ay nakatuon lamang kay Gene at wala siyang intensyong makialam sa isyu nina Dennis Padilla at Marjorie Barretto.
"Wag kayong 8080 ! ,,, si gene lang tinatawanan ko dito, wala akong paki kay dennis at marjorie.. natawa ako kasi naSopLa ung epal na si Gene! 😂😅😂😅"
Aniya, natawa lang talaga siya sa nangyari.
bawal tumawa??? Natawa ka nga rin for sure eh!!! Hahahah sa party nga namin mahalaga RSVP pano pa sa mga mayayaman?!! Hahaha (nakakatawa naman talaga eh!)
Si Kitkat Favia, na kilala rin bilang Soraya Ray L. Bañas, ay isang Filipina comedian, aktres, at mang-aawit. Naging bahagi siya ng iba't ibang comedy bars tulad ng Punchline, Laffline, at Metro Comedy Bar. Naging co-host din siya sa noontime show na "Happy Time" sa Net 25. Noong Pebrero 2022, inanunsyo niya ang kanyang pagbubuntis sa kanilang unang anak ng asawang si Waldy Favia, at isinilang ang kanilang anak na si Uno Asher noong Agosto 2022.
Kitkat Favia, bumwelta kay Janno Gibbs kaugnay sa statement nito. Matapos ang sigalot sa pagitan nila ni Janno Gibbs sa "Happy Time," naglabas ng pahayag si Kitkat upang ipagtanggol ang kanyang sarili at linawin ang mga isyung ibinabato sa kanya.
Kitkat Favia announces pregnancy: “Oha walang nakapansin ano”. Ibinahagi ni Kitkat ang kanyang pagbubuntis sa kanilang unang anak ni Waldy Favia sa pamamagitan ng isang social media post noong Valentine's Day.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh