AZ Martinez, nilinaw na break na sila ni Larkin Castor bago sya pumasok sa PBB
- Inamin ni AZ Martinez na hiwalay na sila ni Larkin Castor bago siya pumasok sa Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition
- Ibinahagi ni AZ na naging on-and-off ang kanilang tatlong taong relasyon
- Naging emosyonal si AZ habang inaalala ang mga pagsubok sa kanilang relasyon
- Nagpahayag si AZ ng pagnanais na magkaroon ng relasyon na sumusuporta sa kanyang mga pangarap
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Sa isang emosyonal na pag-uusap sa loob ng Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition noong Sabado, Abril 12, 2025, nilinaw ni AZ Martinez ang estado ng kanyang relasyon sa kapwa aktor na si Larkin Castor.

Source: Instagram
Ayon kay AZ, tuluyan na raw silang naghiwalay ni Larkin bago pa man siya opisyal na pumasok sa loob ng bahay ni Kuya. Aniya, tatlong taon na silang magkakilala at nagsimula ang kanilang koneksyon bilang matalik na magkaibigan. Kalaunan, nauwi ito sa pagiging magkasintahan.
Inilahad din ni AZ na hindi naging matatag ang kanilang relasyon sa huling taon dahil sa paulit-ulit nilang paghihiwalay. Bago raw siya pumasok sa bahay ni Kuya, medyo on-and-off na ang kanilang ugnayan. Mismong sa kanyang kaarawan, isang linggo bago ang kaniyang pagpasok sa bahay, ay tuluyan nang nakipaghiwalay si Larkin sa kanya. Ayon kay AZ, sinabi raw ni Larkin na hindi nito gusto na siya ay maging bahagi ng reality show.
“Noong birthday ko, which was a week before ako pumasok dito, nakipag-break na po talaga siya (Larkin) kasi ayaw niya po na pumasok ako rito.”
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Habang kausap si Big Brother, halos maluha si AZ nang balikan niya ang naging daloy ng kanilang relasyon. Inilahad niyang bagama’t wala namang perpektong relasyon, hangad niya ang isang ugnayang nakakaintindi sa kanyang mga pangarap at layunin. May mga pagkakataon daw na nararamdaman niyang parang nahahadlangan siya sa mga gusto niyang gawin dahil sa relasyon nila ni Larkin.
Dagdag pa niya, dama raw niyang marami siyang kailangang isakripisyo o bitawan dahil sa sobrang pagtutok niya kay Larkin. Gayunman, binigyang-diin niya na pareho naman silang nagsakripisyo para sa isa’t isa, kaya’t nauwi sa pagkasakal ang kanilang pagsasama.
Bukod sa isyung ito, naging usap-usapan din si AZ sa loob ng bahay nang aminin niyang may espesyal siyang paghanga sa kapwa housemate na si Dustin Yu. Sa isang pribadong pag-uusap nina AZ at Dustin, ikinuwento ni Dustin na umiiwas siya sa mga biruan ng kanilang mga kasamahan upang hindi ito magdulot ng maling impresyon. Ayon kay Dustin, hindi raw siya ang tipo ng taong agad-agad umaasa o nag-a-assume ng emosyon ng iba. Kaya naman, pinili niyang umiwas sa mga tukso lalo na mula kina Michael at Josh, dahil alam niyang may dating karelasyon si AZ sa labas ng bahay.
Ang Pinoy Big Brother (PBB) ay isang reality television show sa Pilipinas na nagsimula noong 2005. Sa programang ito, pinapasok ang mga housemates sa isang bahay kung saan sila ay sinusubok sa iba't ibang hamon at sitwasyon habang binabantayan ng publiko. Sa kasalukuyang edisyon, ang "Celebrity Collab Edition," pinagsama ang mga celebrity housemates mula sa GMA at ABS-CBN, na isang makasaysayang kolaborasyon sa pagitan ng dalawang malalaking network.
Matatandaang ipinakilala sa publiko ang mga opisyal na housemates ng PBB: Celebrity Collab Edition, kabilang sina AZ Martinez, Dustin Yu, at iba pang Kapuso at Kapamilya stars.
Kamakailan ay sinagot ni AC Bonifacio ang mga negatibong komento na ibinato sa kanya matapos siyang ma-evict sa "Pinoy Big Brother Celebrity Edition Collab".
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh