Mensahe ni Marjorie Barretto sa Mga Anak: "I'm so sorry I chose wrong"

Mensahe ni Marjorie Barretto sa Mga Anak: "I'm so sorry I chose wrong"

- Humingi ng tawad si Marjorie Barretto sa kanyang mga anak dahil sa maling desisyong pinili niya noon

- Ibinunyag ni Marjorie na tahimik na nagtitiis ang kanyang mga anak sa sakit na dulot ng kanilang ama

- Sinabi ni Marjorie na ginagamit umano ni Dennis Padilla ang edad at kamatayan bilang emotional blackmail

- Nagbigay si Marjorie ng payo sa kanyang mga anak at sa mga kababaihan na piliing mabuti ang magiging ama ng kanilang mga anak

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Naglabas ng emosyonal na mensahe si Marjorie Barretto para sa kanyang mga anak matapos ang kontrobersyang muling kinasangkutan ng dating asawang si Dennis Padilla. Sa panayam na in-upload sa YouTube vlog ni Ogie Diaz, inamin ni Marjorie na labis ang kanyang panghihinayang sa naging desisyon niya noon.

Mensahe ni Marjorie Barretto sa Mga Anak: "I'm so sorry I chose wrong"
Mensahe ni Marjorie Barretto sa Mga Anak: "I'm so sorry I chose wrong" (📷Ogie Diaz/YouTube)
Source: Youtube

Aniya, hindi kailanman nagsalita ng masama ang kanyang mga anak laban sa kanilang ama sa publiko. Sa halip, tahimik umano silang nagtitiis sa sakit, na may matinding epekto sa kanilang mental health. “They suffer in silence,” ani Marjorie.

Read also

Marjorie Barretto, sinabing ‘terrorized’ ang mga anak nila kay Dennis Padilla

Ibinunyag rin ng aktres ang umano'y emotional blackmail na ginagawa ni Dennis sa kanyang mga anak, kung saan ginagamit umano nito ang kanyang edad at posibilidad ng kamatayan para pagsalitain o pagbuntunan ng konsensya ang mga ito. “Alam mo, Dennis, hindi lahat ng namamatay dahil sa katandaan... Will you be able to forgive yourself?” ani Marjorie.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Dagdag pa niya, kahit pa magpakita ng kabutihan ang kanyang mga anak gaya ng pagpapadala ng pagkain tuwing Father’s Day o pagbati sa kaarawan, sinasagot umano ito ni Dennis ng galit o panlalamig.

Sa gitna ng kanyang lungkot at panghihinayang, humingi si Marjorie ng paumanhin sa kanyang mga anak. “I’m sorry I cannot protect you from [Dennis]... I can protect my children from everybody. Pero hindi ko sila napoprotektahan sa tatay nila,” ani niya.

Nag-iwan din siya ng payo para sa kanyang mga anak at sa lahat ng kababaihan: piliin nang maigi ang magiging ama ng kanilang mga anak. “Kung may makita ka ng bad temper, huwag mo nang pakasalan,” ani Marjorie.

Read also

Marjorie Barretto, nilinaw ang tungkol sa usapin tungkol sa paghatid kay Claudia sa altar

Sa dulo ng kanyang pahayag, sinabi ni Marjorie na bagama’t iniwan niya si Dennis, hindi ganoon kadaling makaalis sa epekto nito ang kanilang mga anak. “I’m so sorry I chose wrong. But I’ll tell you, I will love you enough. I will protect you enough. Enough for a father and a mother, and I will never forsake you. I love you all,” pagtatapos niya.

Si Marjorie Barretto ay isang kilalang aktres at dating konsehal ng Caloocan City. Isa siya sa mga prominenteng miyembro ng Barretto showbiz clan at kapatid nina Claudine at Gretchen Barretto. Bilang ina, kilala si Marjorie sa pagiging hands-on sa kanyang mga anak na sina Julia, Claudia, Leon, at Dani. Bukod sa kanyang showbiz career, aktibo rin siya sa lokal na pulitika at sumusuporta sa iba't ibang kampanyang sibiko.​

Noong Marso 10, 2025, nagdiwang ng ika-27 kaarawan si Julia Barretto. Bilang pagbati, nagbahagi si Marjorie ng isang emosyonal na mensahe para sa kanyang anak sa Instagram. Sa kanyang post, ipinahayag niya ang kanyang pagmamahal at suporta kay Julia, at pinasalamatan ang Diyos sa pagkakaroon ng anak na tulad niya.

Read also

Marjorie Barretto: "The wedding is about the bride and the groom, it's not about you Dennis!"

Noong Setyembre 29, 2024, ginunita ni Marjorie ang kaarawan ng kanyang yumaong ama na si Miguel Barretto. Sa isang Instagram post, nagbahagi siya ng mga lumang larawan ng kanyang ama at isang taos-pusong mensahe ng pag-alala. Ipinahayag niya ang kanyang labis na pangungulila at pasasalamat sa pagmamahal at suporta na ibinigay nito sa kanilang pamilya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate