Marjorie Barretto, sinabing ‘terrorized’ ang mga anak nila kay Dennis Padilla
- Sinabi ni Marjorie Barretto na nateterrorize ang mga anak nila kay Dennis Padilla
- Ikinuwento ni Marjorie ang naging tensyon sa kasal ng anak nilang si Claudia
- Inilahad ng aktres ang mga umano'y abuso na naranasan niya kay Dennis sa kanilang relasyon
- Nilinaw ni Marjorie na hindi niya kailanman siniraan si Dennis sa kanilang mga anak
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Sa isang panayam ni Ogie Diaz, muling binuksan ni Marjorie Barretto ang umano'y masalimuot na yugto ng kanyang buhay sa piling ng dating partner na si Dennis Padilla. Bukod sa pagbubunyag ng pisikal, emosyonal, at berbal na pang-aabuso umano sa kanya, iginiit ng aktres na tila kinatatakutan na rin ng kanilang mga anak ang ugali ni Dennis.

Source: Youtube
Ayon kay Marjorie, naging tensyonado ang kasal ng anak nilang si Claudia Barretto matapos umanong magdulot ng kaguluhan si Dennis sa mismong seremonya. Aniya, tumataas ang boses ng aktor sa harap ng mga bisita at kinailangang pakiusapan na lumabas muna sa lugar upang humupa ang tensyon.

Read also
Dennis Padilla, naikwentong nag-iiyak na tumawag ang anak na si Claudia ilang oras bago ang kasal
“I know how Dennis is. Short-tempered, explosive. Walang pakialam sa breeding, manners, whatever,” sabi ni Marjorie. Nang tanungin siya kung bakit hindi niya sinasadyaing inisin si Dennis, tugon niya: “Anytime, you will freak out. Bakit ko gagawin yun?”
Sa halip na masiyahan sa kasal ng anak, ikinuwento ni Marjorie na nagtampo umano si Dennis dahil hindi siya napiling maghatid kay Claudia sa altar. Giit ni Marjorie, karapatan ng bride kung sino ang nais nitong kasama sa aisle, at si Claudia mismo ang pumili sa kanya. “Because you're my mother. Because you raised me,” aniya, inulit ang sinabi ng kanyang anak.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Nagbigay rin ng reaksyon si Marjorie sa mga paratang ng kapamilya ni Dennis na hindi maganda ang naging trato sa ina ng aktor na si Mama Lina. Mariing itinanggi ito ni Marjorie at sinabing maayos ang pagkakaasikaso kay Mama Lina sa kasal. “She hugged me. She kissed me. She was happy to see me. Hindi mugto ang mata niya,” saad ni Marjorie.
Ngunit ang pinakamatinding pahayag ng aktres ay nang sabihin niyang tila nateterrorize na ang kanilang mga anak kay Dennis. Ayon sa kanya, kahit matapos ang kasal ay nakatanggap pa si Claudia ng mapanumbat na mensahe mula sa ama. “Imagine mo yun. Nate-terrorize yung mga bata,” ani Marjorie, na halatang galit at pagod na sa paulit-ulit na tensyon.
Ikinuwento rin ni Marjorie ang mga naunang trauma na kanyang dinanas sa piling ni Dennis, kabilang na ang pisikal at berbal na pang-aabuso. “When I left you 18 years ago, I removed your power over me,” wika niya. “Ayokong maramdaman ng mga anak ko ‘yung naranasan ko.”
Binigyang-diin din ni Marjorie na hindi niya kailanman pinilit ang kanilang mga anak na iwasan si Dennis. “I don't need to brainwash my children. Number one, Dennis is doing a good job hurting them. Taga-pacify ako. I help the healing,” dagdag niya.
Sa kabila ng kanyang mga pahayag, nananatiling tahimik si Dennis Padilla ukol sa mga bagong paratang. Subalit para kay Marjorie, hindi na niya hinahanap ang pagkilala ni Dennis—ang mahalaga ay ang katahimikan at kapakanan ng kanyang mga anak.

Read also
Marjorie Barretto: "The wedding is about the bride and the groom, it's not about you Dennis!"
Si Marjorie Barretto ay isang kilalang aktres at dating konsehal ng Caloocan City. Isa siya sa mga prominenteng miyembro ng Barretto showbiz clan at kapatid nina Claudine at Gretchen Barretto. Bilang ina, kilala si Marjorie sa pagiging hands-on sa kanyang mga anak na sina Julia, Claudia, Leon, at Dani. Bukod sa kanyang showbiz career, aktibo rin siya sa lokal na pulitika at sumusuporta sa iba't ibang kampanyang sibiko.
Noong Marso 10, 2025, nagdiwang ng ika-27 kaarawan si Julia Barretto. Bilang pagbati, nagbahagi si Marjorie ng isang emosyonal na mensahe para sa kanyang anak sa Instagram. Sa kanyang post, ipinahayag niya ang kanyang pagmamahal at suporta kay Julia, at pinasalamatan ang Diyos sa pagkakaroon ng anak na tulad niya.
Noong Setyembre 29, 2024, ginunita ni Marjorie ang kaarawan ng kanyang yumaong ama na si Miguel Barretto. Sa isang Instagram post, nagbahagi siya ng mga lumang larawan ng kanyang ama at isang taos-pusong mensahe ng pag-alala. Ipinahayag niya ang kanyang labis na pangungulila at pasasalamat sa pagmamahal at suporta na ibinigay nito sa kanilang pamilya.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh