Marjorie Barretto, nilinaw ang tungkol sa usapin tungkol sa paghatid kay Claudia sa altar
- Nagpaliwanag si Marjorie Barretto tungkol sa isyu ng paghatid kay Claudia sa altar
- Ipinaliwanag niya na si Claudia mismo ang pumili na maglakad mag-isa sa kasal
- Sinabi ni Marjorie na napagtanto ni Claudia na tama ang payo ni Marjorie na imbitahin si Dennis Padilla na dumalo sa kasal
- Nilinaw niya na si Dennis ang pumiling umupo sa gilid at hindi sa harapan ng simbahan
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Nilinaw ni Marjorie Barretto ang mga isyu kaugnay ng kasal ng anak nilang si Claudia Barretto, matapos umani ng samu’t saring reaksyon ang mga pahayag ng dating asawang si Dennis Padilla tungkol sa kanyang umano'y pagiging "guest of the bride" sa halip na "father of the bride".

Source: Youtube
Sa isang eksklusibong panayam kay Ogie Diaz, idinetalye ni Marjorie ang totoong nangyari sa likod ng kontrobersya. Ayon sa kanya, si Claudia umano ang may pinakamalayong loob kay Dennis dahil maliit pa lamang ito nang maghiwalay sila. Ngunit bilang ina, ipinayo ni Marjorie kay Claudia na imbitahan pa rin ang kanyang ama sa kasal bilang respeto at tamang hakbang.

Read also
Marjorie Barretto: "The wedding is about the bride and the groom, it's not about you Dennis!"
Hindi raw agad sang-ayon si Claudia sa mungkahi ng ina ngunit kalaunan ay napagtanto rin umano ng dalaga na tama ang suhestiyon. Dahil dito, nagkaroon muli ng pagkakataon na magkita at mag-usap si Dennis at ang kanyang mga anak. Ngunit paglilinaw ni Marjorie, bago pa man ang kasal ay sinabi na ni Claudia kay Dennis na nais niyang siya na lamang ang maglakad mag-isa papuntang altar — isang desisyong personal at sinusuportahan na ngayon ng ilang modernong bride.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Dagdag pa ni Marjorie, pumayag naman daw si Dennis sa kagustuhan ni Claudia. Nilinaw rin niya ang tungkol sa isyu ng seating arrangement sa simbahan. Aniya, karaniwan nang sa unahan nauupo ang mga magulang ng bride at groom, ngunit si Dennis umano ang pumili na maupo sa gilid. Ani Marjorie, ang mismong pamilya ng ikinasal ang siyang lumalapit sa kanya at kinikilala pa rin bilang bahagi ng mahalagang okasyon.
Matatandaang kamakailan ay nagbigay ng panayam si Dennis kay Ogie Diaz kung saan ipinahayag niya ang kanyang sama ng loob sa naging pagtrato sa kanya sa kasal. Subalit ayon kay Marjorie, ang lahat ng naging desisyon ay mula mismo kay Claudia, at ginagalang lamang nila ito bilang isang independiyenteng babae.
Si Marjorie Barretto ay isang kilalang aktres at dating konsehal ng Caloocan City. Isa siya sa mga prominenteng miyembro ng Barretto showbiz clan at kapatid nina Claudine at Gretchen Barretto. Bilang ina, kilala si Marjorie sa pagiging hands-on sa kanyang mga anak na sina Julia, Claudia, Leon, at Dani. Bukod sa kanyang showbiz career, aktibo rin siya sa lokal na pulitika at sumusuporta sa iba't ibang kampanyang sibiko.
Noong Marso 10, 2025, nagdiwang ng ika-27 kaarawan si Julia Barretto. Bilang pagbati, nagbahagi si Marjorie ng isang emosyonal na mensahe para sa kanyang anak sa Instagram. Sa kanyang post, ipinahayag niya ang kanyang pagmamahal at suporta kay Julia, at pinasalamatan ang Diyos sa pagkakaroon ng anak na tulad niya.
Noong Setyembre 29, 2024, ginunita ni Marjorie ang kaarawan ng kanyang yumaong ama na si Miguel Barretto. Sa isang Instagram post, nagbahagi siya ng mga lumang larawan ng kanyang ama at isang taos-pusong mensahe ng pag-alala. Ipinahayag niya ang kanyang labis na pangungulila at pasasalamat sa pagmamahal at suporta na ibinigay nito sa kanilang pamilya.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh