Marjorie Barretto, nagsalita na matapos ang pahayag ni Dennis Padilla
- Nagsalita na sa kauna-unahang pagkakataon si Marjorie Barretto ukol sa mga pahayag ni Dennis Padilla
- Mariing pinabulaanan ni Marjorie na pinipigilan niyang makipag-ayos si Dennis sa kanilang mga anak
- Mariin niyang pinabulaanan ang paratang na pinipigilan niya ang pakikipaglapit ni Dennis sa kanilang mga anak
- Inilahad ni Marjorie na naging marahas umano si Dennis noon, na nagdulot ng seryosong pinsala sa kanyang tenga
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Sa unang pagkakataon, nagsalita si Marjorie Barretto matapos ang naging panayam ni Dennis Padilla kaugnay ng kasal ng kanilang anak na si Claudia Barretto. Sa panayam ni Ogie Diaz kay Marjorie, nilinaw niyang napilitan siyang magsalita upang ipagtanggol ang kanyang mga anak laban sa mga paratang ni Dennis.

Source: Youtube
Mariin niyang pinabulaanan ang alegasyon na siya ang humahadlang sa muling paglalapit ni Dennis sa kanilang mga anak. Aniya, simula lamang nang pumasok si Julia sa showbiz ay nagpakita ng interes si Dennis bilang ama. Bunsod ng mga panayam ni Dennis sa media, nawalan pa raw ng endorsements si Julia na lubos nilang ikinalungkot.

Read also
Marjorie Barretto: "The wedding is about the bride and the groom, it's not about you Dennis!"
Ibinunyag din ni Marjorie na nakaranas siya ng pisikal na pananakit mula kay Dennis noong sila ay nagsasama pa. Dahil sa tindi ng pananakit, nasira ang isa niyang eardrum at kinailangan pa umano siyang operahan. Ilang taon din daw niyang tiniis ang sitwasyon bago siya tuluyang lumayo.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Dagdag pa ni Marjorie, sa loob ng nakalipas na sampung taon ay paulit-ulit na lamang ang ginagawang pagpapapaawa ni Dennis sa mga interview. Dahil dito, nasasaktan ang kanilang mga anak at nababash pa sa social media. Ikinuwento rin niya na tuwing hinihiram ni Dennis ang mga anak, sinisiraan umano siya nito. Gayunman, batid daw ng kanyang mga anak ang katotohanan at naging mas mapagprotekta pa sila sa kanya.
Matatandaang nagpaunlak ng panayam si Dennis kamakailan kay Ogie matapos ang kasal ni Claudia. Inihayag niya ang kanyang sama ng loob dahil umano ay imbes na father of the bride siya ay naging guest of the bride na lang siya.
Si Marjorie Barretto ay isang kilalang aktres at dating konsehal ng Caloocan City. Isa siya sa mga prominenteng miyembro ng Barretto showbiz clan at kapatid nina Claudine at Gretchen Barretto. Bilang ina, kilala si Marjorie sa pagiging hands-on sa kanyang mga anak na sina Julia, Claudia, Leon, at Dani. Bukod sa kanyang showbiz career, aktibo rin siya sa lokal na pulitika at sumusuporta sa iba't ibang kampanyang sibiko.
Noong Marso 10, 2025, nagdiwang ng ika-27 kaarawan si Julia Barretto. Bilang pagbati, nagbahagi si Marjorie ng isang emosyonal na mensahe para sa kanyang anak sa Instagram. Sa kanyang post, ipinahayag niya ang kanyang pagmamahal at suporta kay Julia, at pinasalamatan ang Diyos sa pagkakaroon ng anak na tulad niya.
Noong Setyembre 29, 2024, ginunita ni Marjorie ang kaarawan ng kanyang yumaong ama na si Miguel Barretto. Sa isang Instagram post, nagbahagi siya ng mga lumang larawan ng kanyang ama at isang taos-pusong mensahe ng pag-alala. Ipinahayag niya ang kanyang labis na pangungulila at pasasalamat sa pagmamahal at suporta na ibinigay nito sa kanilang pamilya.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh