Cristy Fermin, isiniwalat ang umano’y kaguluhan sa ABS-CBN Ball: "Nagpang-abot talaga sila"
- Ibinunyag ni Cristy Fermin sa kanyang show ang umano'y tensyon sa ABS-CBN Ball na kinasangkutan nina Daniel Padilla, Richard Gutierrez, Kyle Echarri at JK Labajo
- Ayon sa kanyang source, lumapit si Kyle kay Daniel habang nananahimik ito at tila tumindi ang usapan nila
- Tangkang umawat si Richard pero hinarap umano siya ni JK na nagpakita pa ng pambubuyo
- Nasapol umano sa ulo si JK matapos niyang muling hamunin si Richard at masangkot pa si Tita Annabelle Rama sa gitna ng kaguluhan
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Ibinunyag ni Cristy Fermin sa kanyang online show na Cristy Fer Minute ang umano’y naganap na tensyon sa loob ng ABS-CBN Ball, base umano sa kanyang source na personal na nasa venue at katabi pa umano nina Daniel Padilla at Richard Gutierrez.

Source: Youtube
Ayon sa kuwento ni Cristy, nanatiling tahimik si Daniel Padilla habang bigla umanong nilapitan ni Kyle Echarri. Aniya, “Si Daniel Padilla ay nanahimik. Biglang lumapit sa kanya si Kyle Echarri at meron silang pinag-usapan na parang tumigas yung salita nung Kyle kay Daniel.”
Dagdag pa niya, habang tahimik si Daniel, umiikot naman daw si JK Labajo na tila pinapalakas ang loob ni Kyle. “May umaali-aligid, si JK Labajo, si JK, panguso-nguso na para bang ‘upakan mo na! upakan mo na’, parang ganun,” ani Cristy.
Sa gitna ng tensyon, sinubukan umanong umawat ni Richard Gutierrez sa sitwasyon matapos makita ang ginagawa kina Daniel. Ngunit ayon kay Cristy, “Alam mong ginawa sa kanya ni JK Labajo? ‘Bakit ka nandito?’ sabi niya, ‘ano gusto mo?’”
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Matapos nito, umalma na raw si Richard at tila handa na ring rumesbak, ngunit agad dumating ang mga security guard at iba pang tagapamuno ng event para pakalmahin ang lahat. Kwento pa ni Cristy, na kay Tita Annabelle Rama na lang nalaman ang insidente nang umakyat na sina Richard at Daniel sa Sky Bar.
“Ngayon ang kay Tita Annabelle, walang pagkampi kundi ang bantayan ang kanyang anak. Mas kilala niya si Richard Gutierrez kapag hinamon mo si Richard, hindi uurong,” ayon kay Cristy.
Kwento pa ni Cristy, muling nagkaroon ng tensyon nang umakyat si Piolo Pascual sa Sky Bar. Aniya, “Ano ang inaasahan ng ibang naroon kung umakyat si Piolo? Susunod si Kyle at saka itong si JK, ‘di ba? Tropa-tropa sila eh.”
Nagulat umano si Tita Annabelle nang lapitan siya ni Kyle Echarri at sabihing, “Idol ko po ang anak niya, idol ko po si Richard Gutierrez,” sa wikang Bisaya. “Di hindi naman siya kilala ni Tita Annabelle. ‘Ah ganun ba, D0ng?’” ani Cristy.
Sa kasagsagan ng bilis ng mga pangyayari, sinabing lumapit si JK kay Richard at nagkunwaring magso-sorry ngunit may halong pangisi-ngisi. Hinamon pa umano muli si Richard. “Eh di nakita niya yung gusto niyang makita. Nasapol siya sa may ulo,” pahayag ni Cristy.
Dagdag pa ni Cristy, “Na-off balance pa nga si Richard. Si Tita Annabelle nga napa-upo pa dun sa kanyang silya. Ambilis ng pangyayari dahil tumakbo daw yung si JK Labajo. Nasagasaan niya si Tita Annabelle, yun yung kwento.”
Nilinaw rin ni Cristy Fermin na wala umanong kinalaman si Kathryn Bernardo sa buong insidente at ang impormasyon ay buhat sa source niyang naroroon mismo sa event. Ipinaalala rin niyang maaaring pabor kina Daniel at Richard ang pagkakasalaysay ng source.
Si Cristy Fermin ay isang beteranong Pilipinong mamamahayag at kolumnistang pang-showbiz na kilala sa kanyang matapang at prangkang estilo sa pagbabalita tungkol sa mga kilalang personalidad sa entertainment industry.
Sa isang artikulong inilathala noong Enero 2025, binatikos ni Cristy Fermin ang direktor na si Darryl Yap kaugnay sa kanyang pelikulang "The R^pists of Pepsi Paloma." Ayon kay Cristy, tila walang respeto si Yap sa kapwa at hindi dapat ginagawa ang pelikula base lamang sa personal na kagustuhan. Binatikos din niya ang tila pagdadawit kay Vic Sotto sa teaser ng pelikula.
Inilahad ni Cristy sa kanyang programa na hindi siya naniniwalang gimik lamang ang hiwalayan ng mga Kapuso stars na sina Jak Roberto at Barbie Forteza. Ito ay sa kabila ng mga nagsasabing para lamang mapag-usapan ang umano'y lumalamlam na tambalang BarDa. Matatandaang sa pagbubukas ng taong 2025, kinumpirma ni Barbie na hiwalay na sila ni Jak.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh