Buboy Villar, emosyonal na ibinahagi ang hangarin na makasama araw-araw ang kanyang mga anak

Buboy Villar, emosyonal na ibinahagi ang hangarin na makasama araw-araw ang kanyang mga anak

- Inilahad ni Buboy Villar na Linggo lamang ang tanging araw na maaari niyang makasama ang kanyang mga anak

- Gumagawa si Buboy ng paraan para makita ang mga anak kahit hindi araw ng Linggo

- Ipinapaliwanag ni Buboy sa kanyang mga anak kung bakit limitado ang oras ng kanilang pagsasama

- Emosyonal na sinabi ni Buboy na kung maaari lang ay nais niyang makasama ang kanyang mga anak araw-araw

Emosyonal na inilahad ni Buboy Villar sa panayam niya sa Fast Talk with Boy Abunda ang kanyang matinding pagnanais na makasama araw-araw ang dalawang anak nila ni Angillyn Gorens na sina Vlanz Karollyn at George Michael.

Buboy Villar, emosyonal na ibinahagi ang hangarin na makasama araw-araw ang kanyang mga anak
Buboy Villar, emosyonal na ibinahagi ang hangarin na makasama araw-araw ang kanyang mga anak (đź“·Screengrab from MA Network | YouTube)
Source: Youtube

Ayon kay Buboy, nakasaad sa kanilang kasunduan sa ilalim ng VAWC (Violence Against Women and Children) law na Linggo ang nakalaan niyang araw para sa kanyang mga anak, dahil ito lamang ang araw na maluwag siya mula sa trabaho.

“Kapag Sunday is my family day. Talagang sinusulit ko po 'yung oras na 'yun,” pahayag ni Buboy. Dagdag pa niya, kahit Linggo lang ang legal na oras niya para makasama ang mga anak, gumagawa siya ng paraan para makita pa rin ang mga ito sa ibang araw, tulad ng pagdalaw sa eskwelahan mula sa taping.

Read also

Buboy Villar, inamin ang bagong anak ng dating karelasyon na si Angillyn Gorens

Ibinahagi rin niya ang emosyonal na koneksyon niya sa mga anak, at kung paano niya ipinaliliwanag sa mga ito na kailangan niyang magtrabaho kaya limitado ang oras ng kanilang pagsasama.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Kung pwede lang araw-araw kasama ko mga anak ko, pwedeng-pwede po 'yun," ani Buboy. Ayon sa kanya, ang kanyang mga anak ang nagsisilbing inspirasyon at lakas sa kabila ng pagod sa trabaho.

Kahit minsan ay hindi natutuloy ang pagkikita, nagpapasalamat siya na bukas ang komunikasyon sa pamilya ni Angillyn at na naiintindihan ng mga bata ang sitwasyon.

Si Robert "Buboy" Tamayo Villar, Jr. ay isang Pilipinong aktor, komedyante, host, at mang-aawit na isinilang noong Marso 21, 1998, sa Cebu City, Pilipinas. Kilala siya sa kanyang mga pagganap sa mga pelikula at teleserye tulad ng "Kid Kulafu" (2015), kung saan ginampanan niya ang batang Manny Pacquiao, at "Ang Panday" (2009). Nagsimula ang kanyang karera sa telebisyon noong 2006 at naging bahagi rin siya ng boy band na Mak and the Dudes. Sa kanyang personal na buhay, siya ay may dalawang anak na sina Vlanz Karollyn at George Michael sa kanyang dating kasintahan na si Angillyn Gorens. Kamakailan, ipinakilala niya ang kanyang bagong partner na si Khrizza Mae "Isay" Sampiano, at ang kanilang anak na si Kyruz o "Kyrie".

Read also

Buboy Villar, emosyonal na itinanggi ang akusasyon ni Angillyn Gorens

Noong Marso 21, 2025, sa kanyang ika-27 na kaarawan, isinapubliko ni Buboy Villar ang kanyang relasyon kay Khrizza Mae "Isay" Sampiano. Sa parehong okasyon, ipinakilala rin niya ang kanilang anak na si Kyruz, na may palayaw na "Kyrie". Ang rebelasyong ito ay naganap sa isang sorpresa ni Isay para kay Buboy sa taping ng kanyang vodcast show na "Your Honor".

Noong Marso 25, 2025, naging usap-usapan sa social media ang mga makahulugang posts nina Buboy Villar at ng kanyang partner na si Isay Sampiano. Sa isang Facebook story, nag-post si Buboy ng mensaheng, "Ayaw ko na lang mag-talk," habang si Isay naman ay nagbahagi ng quote tungkol sa kahalagahan ng privacy, na may postscript na nagsasabing, "P.S. Know the truth first before you believe rumors."

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags: