Angelu de Leon, umalma sa joke ni Ian Sia ukol sa mga single mom

Angelu de Leon, umalma sa joke ni Ian Sia ukol sa mga single mom

- Mariing kinondena ni Councilor Angelu de Leon ang bastos na biro ni Pasig congressional candidate Ian Sia laban sa mga single mom

- Idinaan ni De Leon sa Facebook ang kanyang galit at iginiit na bawal ang bastos sa lungsod ng Pasig

- Bilang Chairperson ng Committee on Social Services and Solo Parent Affairs ay muling tiniyak ni De Leon ang kanyang suporta sa mga solo parent

- Kumalat ang video ng campaign rally ni Sia kung saan sinabi niyang puwedeng makipagrelasyon sa mga single mom na may regla pa

Mariing kinondena ni aktres at Pasig City councilor Angelu de Leon ang kontrobersyal na pahayag ni congressional candidate Christian “Ian” Sia laban sa mga single mother, na inilarawan niyang nakakainsulto, misogynistic, at walang lugar sa lungsod ng Pasig.

Angelu de Leon, umalma sa joke ni Ian Sia ukol sa mga single mom
Angelu de Leon, umalma sa joke ni Ian Sia ukol sa mga single mom (📷Angelu de Leon/FB)
Source: Facebook

Sa isang matapang na pahayag sa Facebook, all-caps ang naging mensahe ni De Leon: “BAWAL ANG BASTOS SA PASIG!” Ipinunto niya ang kawalang-sensitibidad ng biro ni Sia, na ginawa umano ilang araw lamang matapos ang selebrasyon ng Women’s Month, sa panahong kinikilala ang sakripisyo at kontribusyon ng mga solo parent.

Read also

Atty. Christian Sia, humingi ng paumanhin sa kanyang ‘single mom joke’

Bilang Chairperson ng Committee on Social Services and Solo Parent Affairs, binigyang-diin ni De Leon na hindi basta-basta ang epekto ng ganoong mga biro. “Ang ganitong uri ng mga salita ay hindi lamang nakakainsulto sa mga kababaihan, kundi pati na rin sa ating lipunan,” aniya.

Bilang isang dating single mom, personal ang naging dating ng isyu kay De Leon. Iginiit niya na ang mga opisyal ng pamahalaan—lalo na ang mga naghahangad ng posisyon—ay dapat maging huwaran ng respeto at dignidad para sa lahat, anuman ang kasarian o estado sa buhay.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa kabilang banda, si Atty. Christian Ian Sia ay kasalukuyang tumatakbo bilang kinatawan ng Pasig sa ilalim ng opposition slate na pinangungunahan ni mayoral candidate Sarah Discaya. Kabilang din sa kanilang grupo sina actress Ara Mina at beauty queen Shamcey Supsup-Lee.

Uminit ang kontrobersiya matapos kumalat ang video ng campaign event noong Marso 28, kung saan maririnig si Sia na nagbibiro ukol sa mga single mom na aniya’y puwedeng makipagtalik sa kanya basta’t interesado at may monthly period pa. Tinuligsa ito ng iba’t ibang sektor, kabilang na ang women’s rights group na GABRIELA na tinawag ang biro bilang “degrading at hindi katanggap-tanggap.”

Read also

AC Bonifacio, sinagot ang mga negatibong komento matapos ang PBB eviction

Habang patuloy ang pag-ikot ng kampanya, nananawagan si Angelu de Leon sa mga Pasigueño na maging mapanuri at pumili ng mga lider na tunay na may malasakit, respeto, at pagpapahalaga sa dangal ng bawat mamamayan.

Si Maria Luisa Angela "Angelu" de Leon-Rivera ay isang kilalang aktres at politiko sa Pilipinas. Ipinanganak noong Agosto 22, 1979, unang sumikat si Angelu noong dekada '90 bilang bahagi ng tambalang love team nila ni Bobby Andrews. Sa kanyang personal na buhay, siya ay may tatlong anak: sina Nicole, Louise, at Rafa, na may iba't ibang ama. Si Nicole ay anak niya kay Joko Diaz, si Louise naman ay kay Jojo Manlongat, at si Rafa ay anak nila ng kanyang asawang si Lorenzo "Wowie" Rivera. Noong 2022, matagumpay siyang nahalal bilang konsehal ng ikalawang distrito ng Pasig City, kung saan siya ang nakakuha ng pinakamataas na boto, na nagpapakita ng malakas na tiwala ng kanyang mga kababayan sa kanya.

Read also

Arnel Pineda, biktima ng fake news tungkol sa habambuhay na pagkakulong

Noong Agosto 22, 2024, ipinagdiwang ni Angelu ang kanyang kaarawan sa pamamagitan ng isang community pantry. Gayunpaman, nakatanggap siya ng negatibong komento mula sa ilang bashers na bumatikos sa mga gulay na kanyang ipinamigay at sa kanyang pag-promote ng palabas na "Pulang Araw" habang namimigay ng relief goods. Nilinaw ni Angelu na ang mga relief goods ay mula sa kanyang sariling bulsa at ipinagmamalaki niya ang kanyang proyekto.

Noong Hunyo 30, 2024, sa programang 'Pinoy MD' ng GMA Public Affairs, ibinahagi ni Angelu ang kanyang karanasan sa dalawang beses na pagharap sa Bell's Palsy. Una niyang naranasan ang sintomas noong 2000, kung saan bumigat ang isang bahagi ng kanyang mukha, ngunit bumalik sa normal makalipas ang dalawang linggo. Noong 2016, muling bumalik ang Bell's Palsy, at tumagal ng dalawang buwan ang kanyang gamutan. Mula noon, mas naging maingat siya sa kanyang kalusugan upang maiwasan ang pagbalik ng sakit.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Hot: