Mark Herras, nahingan ng pahayag ni Ogie D ukol sa mga akusasyon sa kanya ni Jojo Mendrez
- Nahingan ni Ogie Diaz ng pahayag si Mark Herras ukol sa mga akusasyon sa kanya ng singer na si Jojo Mendrez
- Kamakailan ay nagsampa umano ng kaso si Jojo laban kay Mark dahil umano sa mga pagbabanta nito sa kanya
- Mariing pinabulaanan naman ito ni Mark at sinabing hindi niya ito ugali
- Maging sa pahayag ni Mark kay Ogie Diaz, sinabi nitong mas marami siyang dapat na pagkaabalahan kaysa sa sinasabing isyu
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Nahingan ni Ogie Diaz ng reaksyon ang dancer at aktor na si Mark Herras ukol sa mga akusasyon sa kanya ng singer na si Jojo Mendrez.

Source: Facebook
Sa isang episode ng Showbiz Update channel ni Ogie, ibinahagi ang naging komento ni Mark ukol sa naturang isyu.
"[Hahahaha] W*F! Pakisabi Mama OGs, sobrang kailangan ba nila gumawa ng ingay para sa mga career nila? Wala akong panahon sa mga walang kwentang content nila. Please lang. Jusko! Tatanda na nila, Isip-isip naman ng ibang content," ayon kay Mark sa ipinadalang mensahe nito kay Ogie D.
Matatandaang minsan nang naglabas ng pahayag si Mark ukol sa umano'y pananakot umanong ginagawa raw niya kay Jojo.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
"Okay lang naman yan and pasabi na lang po na mas marami diyan na di hamak na mas sikat sa'kin kasi ako naman hindi talaga. Gagawa nalang ng issue yung halatang katarantaduhan pa. Unang una, d ko ugali manakot ng tao kahit gawan ako ng issue or what. 'Di ko ugali 'yan. I'd rather give my time and energy sa pamilya o kaya naman sa work/raket."
"Sorry I'm the wrong guy para isama niyo or gawan niyo ng issue kasi 'di ko kayo papatulan. [haha] At isa sa mga kasabihan nga e, "always be a better person" so yeah, salamat. Enjoy whatever you guys are doing. Madami akong ginagawa / personal work related. This will be the last time na sasagot ako sa issue. Lol Thank you!" ani Mark Herras.
Samantala, narito ang kabuuan ng talakayan nina Ogie D, Mama Loi at Dyosa Pockoh mula sa Ogie Diaz Showbiz Update:
Si Mark Herras ay isang kilalang dancer at actor sa Pilipinas. Nakilala siya matapos magwagi bilang Ultimate Male Survivor sa unang season ng reality talent show na "StarStruck" ng GMA Network noong 2003 kasabay ni Jennylyn Mercado. Dahil sa kanyang husay sa pagsasayaw, tinagurian siyang "Ultimate Bad Boy of the Dance Floor" at naging bahagi ng iba't ibang palabas sa telebisyon tulad ng "Forever in My Heart," "Encantadia," at "I Luv NY." Bukod sa kanyang karera sa showbiz, siya ay kasal sa aktres at beauty queen na si Nicole Donesa, at sila ay may isang anak na lalaki na nagngangalang Mark Fernando.
Kamakailan, naging agaw-eksena ang mga video at larawan ni Mark na kasama ang binansagang "Revival King" na si Jojo Mendrez. Sinundan pa ito ng video ng pagdalo ni Mark sa isang event kung saan naroon si Jojo at binigyan pa niya ito ng bulaklak habang kumakanta.
Kaya naman marami ang nagulat nang biglang ipa-blotter umano ni Jojo si Mark at sinasabing binabantaan daw siya ng aktor.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh