Andrew Schimmer at misis na si Dimpz, pinakilala sa publiko ang kanilang anak na si Jasmine Andrei
- Pinakilala nina Andrew Schimmer at misis na si Dimpz ang kanilang anak na si Jasmine Andrei sa publiko matapos itong isilang noong Marso 29, 2025
- Dumaan si Dimpz sa tatlong araw ng labor ngunit nauwi pa rin sa emergency Cesarean section dahil sa laki ng sanggol
- Kinailangan pang ilagay si Jasmine sa incubator kahit 41 weeks na dahil humina ang heart rate nito habang nasa sinapupunan
- Ibinahagi ni Andrew na ang pagsilang ni Jasmine ay itinuturing nilang “happily ever after” sa kanilang buhay
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Ibinahagi ng aktor na si Andrew Schimmer at ng kanyang misis na si Dimpz ang masayang balita sa publiko matapos isilang ang kanilang anak na si Jasmine Andrei noong Marso 29, 2025. Sa kanilang emosyonal na mga social media post, ipinaabot ng mag-asawa ang kanilang labis na pasasalamat sa ligtas na pagsilang ng kanilang munting anghel.

Source: Facebook
Sa post ni Dimpz, inilahad niya ang hirap na pinagdaanan upang maisilang nang ligtas si Jasmine. “Finally...😭 Daanan ko man uli ang ‘buwis buhay’ na pinagdaanan ko syo mailabas ka lang ng ligtas anak, gagawin ko ng paulit-ulit... All the pain was definitely worth it Jasmine Andrei❤️ We love you... (3/29/25),” pahayag ni Dimpz. Ibinahagi rin niya na dumaan siya sa tatlong araw ng labor, ngunit nauwi pa rin sa emergency Cesarean section (CS) dahil sa laki ng sanggol na halos 4 kilos.
Dagdag pa ni Dimpz, kinailangan pang ilagay si Jasmine sa incubator sa kabila ng kanyang 41 weeks na pagbubuntis dahil humina ang heart rate ng sanggol habang nasa sinapupunan. “Humina na ang heart rate pero lumaban ka... Salamat anak... Palakas ka dyan ha...❤️ Papalakas din si mommy❤️,” dagdag niya.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Samantala, masaya namang ibinahagi ni Andrew Schimmer ang kanilang “happily ever after” sa kanyang post. “This is our ‘happily ever after’... Meet our new bundle of joy... Baby Jasmine Andrei V. Schimmer 3/29/25 ❤️,” ani Andrew.
Lubos ang pasasalamat ng mag-asawa sa ligtas na pagsilang ni Jasmine, na ngayon ay pinapalakas sa incubator habang unti-unting lumalakas din si Dimpz matapos ang mahirap na proseso ng panganganak.
Si John Andrew Schimmer ay isang aktor at modelo na sumikat sa iba't ibang teleserye at pelikula sa Pilipinas noong dekada 2000. Naging bahagi siya ng ilang action at drama series sa GMA Network, kung saan ipinamalas niya ang kanyang talento sa pag-arte.
Matatandaang naging usap-usapan social media nang buong tapang itong humingi ng saklolo para sa pagpapagamot sa misis na nagkaroon ng asthma attack na kalauna'y sinundan ng brain hypoxia noong Nobyembre 2021. Inabot ng isang taon ang pakikipaglaban ni Jho sa karamdaman niyang ito subalit namaalam na rin bago matapos ang taong 2022.
Ibinahagi ni Andrew Schimmer ang picture niya kasama ang kanyang mga anak kasama ang girlfriend niya at mga anak din nito. Bakas sa kanilang mga mukha ang kasiyahan na magkakasama sila ngayong Pasko.
Inalmahan ni Andrew Schimmer ang post ng isang netizen na tinanong pa ni Andrew kung manghuhula ba talaga o script writer. Sa binahaging screenshot ng girlfriend ni Andrew ay sinasabi nito na pinagselosan na daw ng namayapang asawa ni Andrew ang kasalukuyang girlfriend nito.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh