Vice Ganda, maglulunsad ng ‘Unkabogable Garage Sale’ para sa kanyang mga scholars
- Maglulunsad si Vice Ganda ng “UNKABOGABLE Garage Sale” mula Marso 27 hanggang Marso 30 sa Diliman, Quezon City
- Ibebenta niya ang brand new at pre-loved items mula sa kanyang koleksyon at ng kanyang partner na si Ion Perez
- Ang lahat ng kikitain sa garage sale ay mapupunta sa mga scholars ni Vice Ganda na karamihan ay naging bahagi ng “It’s Showtime”
- Ipinahayag ni Vice na nais niyang ibalik ang kabutihan at tulong na kanyang natanggap noong siya ay nagsisimula pa lamang
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Isang makabuluhang garage sale for a cause ang ilulunsad ng “Unkabogable Star” na si Vice Ganda simula ngayong araw, Marso 27, hanggang Linggo, Marso 30, sa Diliman, Quezon City.

Source: Instagram
Ayon kay Vice, parehong brand new at pre-loved items mula sa kanyang personal collection at ng kanyang partner na si Ion Perez ang ibebenta sa naturang event. Kabilang sa mga for sale items ay branded sneakers, high heels, shirts, pants, jackets, shorts, dresses, suits, gowns, at costumes na tiyak na papatok sa mga fans at supporters.

Read also
Ice Seguerra, humingi ng tulong sa NAIA dahil sa nawawalang bagay sa loob ng bagahe ng asawa
“I-check out at i-mine na ang brand new and pre-loved items ko at ni Ion with great selections of branded clothing and shoes!” ani Vice sa isang Facebook post. Nilinaw din niya na ang lahat ng kikitain sa garage sale ay mapupunta sa kanyang mga scholars.
Ayon kay Vice Ganda, ang layunin ng garage sale na ito ay para makatulong sa kanyang mga scholars, karamihan sa kanila ay naging bahagi ng noontime show na “It’s Showtime.” Nais umano niyang ibalik ang kabutihan at tulong na kanyang natanggap noon mula sa iba.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
“Ginawa din naman kasi sa akin ‘yun. Tinulungan lang din naman ako. Kung nasasaan man ako, ‘di naman ito lahat dahil magaling ako,” paliwanag ni Vice. Dagdag pa niya, “Nandito ako dahil marami din namang tumulong sa akin and I acknowledge that.”
Nagpahayag din ang TV host-comedian na nais niyang ibalik sa iba ang kabutihan na kanyang natanggap. “And now that I have the chance, I will be of help and of support also to those who are in need of it,” aniya pa.
Ang “UNKABOGABLE Garage Sale” ay isang patunay ng malasakit at dedikasyon ni Vice Ganda na tumulong sa mga kabataang nangangarap makapagtapos ng pag-aaral.
Si Vice Ganda, o Jose Marie Viceral sa totoong buhay, ay isang sikat na komedyante, host, aktor, singer, at entrepreneur sa Pilipinas. Kilala siya bilang main host ng noontime show na It’s Showtime at sa kanyang mga blockbuster movies tulad ng Praybeyt Benjamin, Fantastica, at The Super Parental Guardians. Bukod sa pagiging isang entertainer, isa rin siyang advocate ng LGBTQ+ community at may malakas na impluwensya sa pop culture ng bansa.
Mabilis na kumalat ang bali-balitang nag-walkout si Vice Ganda sa Barako Festival matapos hindi na niya itinuloy ang kanyang dance performance. Nilinaw ng isang malapit kay Vice na hindi ito walkout kundi isang teknikal na problema dahil mali ang music na pinatugtog para sa kanyang performance. Bagamat hindi na siya sumayaw, nagsalita pa rin si Vice sa stage at binati sina Ate Vi at isang Party-list group bago siya umalis. Maraming fans ang nanghinayang dahil nag-rehearse pa si Vice bago ang event, ngunit nanatili namang maayos ang kanyang relasyon sa organizers at mga panauhin.

Read also
Ruffa Gutierrez, nagbahagi ng mensahe tungkol sa past: "Place to learn from, not to live in"
Nag-"belat" si Vice Ganda sa mga bumabatikos sa It's Showtime kaugnay ng pagbati nila kay Sofronio Vasquez sa tagumpay nito sa The Voice USA. Tinawag ng It's Showtime na "our very own" si Sofronio, na tatlong beses sumali ngunit natalo sa Tawag ng Tanghalan. Ibinahagi ni Sofronio na naging vocal coach siya ng mga contestant ng Tawag ng Tanghalan matapos siyang bigyan ng trabaho ng It's Showtime. Nagpasalamat si Sofronio sa It's Showtime at itinuturing ito bilang bahagi ng kanyang tagumpay sa The Voice USA.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh