KathDen moment backstage, kinakiligan ng fans sa kabila ng espikulasyong hindi sila nagpansinan
- Dumalo sina Kathryn Bernardo at Alden Richards sa Bench Body Of Work fashion show kung saan nagkaroon sila ng backstage moment na ikinatuwa ng KathDen fans
- Kumalat ang video kung saan makikitang nagkita at nagyakapan ang dalawa sa likod ng entablado bago inalalayan ni Alden si Kathryn sa kanilang pwesto
- Hindi nagkasabay sina Kathryn at Alden sa runway na ikinalungkot ng ilang fans ngunit pinawi ito ng viral video ng kanilang interaction
- Pinabulaanan ng KathDen fans ang mga bali-balitang hindi nagpapansinan ang dalawa matapos ang kanilang reunion movie na Hello, Love, Again
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Dumalo sina Asia’s Superstar Kathryn Bernardo at Asia’s Multimedia Star Alden Richards sa Bench Body Of Work fashion show ngayong taon, kung saan muli silang nagkasama sa iisang event matapos ang kanilang reunion movie na Hello, Love, Again

Source: Instagram
Matatandaang unang nagkatrabaho sina Kathryn at Alden noong 2019 sa Star Cinema movie na Hello, Love, Goodbye na naging isang blockbuster hit. Dahil sa kanilang chemistry, agad na minahal ng fans ang tambalan nila na tinawag na KathDen. Makalipas ang limang taon, muling nagsama ang dalawa para sa sequel na Hello, Love, Again.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Habang nagshu-shooting para sa kanilang pelikula, lumutang ang mga bali-balita na sinimulan na raw ligawan ni Alden si Kathryn, at umano’y pabor din ang pamilya ng aktres sa aktor. Gayunpaman, lumutang naman kamakailan ang tsismis na itinigil na raw ni Alden ang panliligaw kay Kathryn at nauugnay na ang aktres kay Lucena City Mayor Mark Alcala. May mga ulat ding nagsasabing hindi na raw nagpapansinan sina Kathryn at Alden matapos ang kanilang pelikula.
Sa kabila ng pagdalo ng dalawa sa Bench fashion event, hindi sila naglakad sa runway nang magkasama. Maraming KathDen fans ang umaasang makikitang magkasabay silang rumampa, ngunit hindi ito nangyari kahit sa pagtatapos ng event kung saan nagsama-sama ang lahat ng mga artista sa entablado.
Nag-viral naman ang isang video sa TikTok na ibinahagi ng user na @msanjabad, kung saan makikita ang backstage moment nina Kathryn at Alden. Sa naturang video, kausap ni Kathryn si Olympic weightlifting champion Hidilyn Diaz, nang mapansin niya si Alden sa kabilang banda. Nakita si Kathryn na kumaway patungo sa direksyon ni Alden bago lumakad papunta sa aktor.
Sa pagpapatuloy ng video, makikita na nagyakapan sina Kathryn at Alden bilang pagbati sa isa’t isa. Hindi lamang iyon, makikita rin na inalalayan pa ng aktor ang aktres kung saan sila dapat pumwesto.
Dahil dito, nabasag ang mga haka-hakang may “dedmahan” na naganap sa pagitan nila. Ayon sa ilang KathDen fans, mali ang kumakalat na tsismis at malinaw na maayos pa rin ang samahan nina Kathryn at Alden.
Si Kathryn Bernardo ay isang sikat na aktres sa Pilipinas na kilala sa kanyang husay sa pag-arte at pagiging isa sa mga nangungunang leading ladies ng kanyang henerasyon. Ipinanganak noong Marso 26, 1996, siya ay nakilala sa kanyang pagganap bilang Mara sa remake ng teleseryeng "Mara Clara" noong 2010-2011.
Mas lalo siyang sumikat nang maging bahagi siya ng tambalang KathNiel kasama si Daniel Padilla. Ilan sa kanilang mga pinakasikat na proyekto ay ang teleseryeng "Princess and I", "Got to Believe", "Pangako Sa'yo", at "La Luna Sangre".
Bumasaga ng rekord ang "Hello, Love Again" dahil sa napakalaking tagumpay ng pelikula. Una, nalampasan nito ang "Rewind" bilang pinakamalaking kinita ng isang pelikulang Pilipino sa kasaysayan. Ngayon, ito ang kauna-unahang pelikulang Pilipino na umabot sa mahigit P1 bilyon ang kabuuang kita.
Samantala, nagbahagi si Alden Richards ng ilang nakakakilig na litrato kasama si Kathryn Bernardo habang sila ay nasa Calgary, Canada. Sa parehong post, nag-iwan siya ng mensahe ng pasasalamat sa lahat ng sumuporta sa kanilang pelikulang "Hello, Love, Again."
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh