Buboy Villar, pinakilala ang partner na si Isay Sampiano at baby nilang si Kyrie

Buboy Villar, pinakilala ang partner na si Isay Sampiano at baby nilang si Kyrie

- Nagdiwang si Buboy Villar ng kanyang ika-27 na kaarawan kung saan isinabay niya ang relationship reveal nila ng girlfriend na si Isay Sampiano

- Ibinunyag din nila na may three-month-old baby na sila na pinangalanang Kyrie na bininyagan sa parehong araw

- Kabilang sa mga ninong at ninang sa binyag sina Mikael Daez at Megan Young na malapit na kaibigan ng magkasintahan

- Mapapanood ang mga highlight ng kaganapan sa YouLol Originals YouTube Channel ng GMA-7 ngayong Marso 22, Sabado ng gabi

Nagulat at natulala si Buboy Villar nang sorpresahin siya ng kanyang girlfriend na si Khrizza Mae "Isay" Sampiano ng birthday cake sa taping ng Your Honor, ang vodcast show ng Kapuso actor kasama si Tuesday Vargas. Ito ay naganap kahapon, Marso 21, 2025, kung saan ipinagdiwang ni Buboy ang kanyang ika-27 na kaarawan.

Buboy Villar, pinakilala ang partner na si Isay Sampiano at baby nilang si Kyrie
Buboy Villar, pinakilala ang partner na si Isay Sampiano at baby nilang si Kyrie (📷@angguloprints via @_isaysampiano/Instagram)
Source: Instagram

Ngunit higit sa pagdiriwang ng kanyang espesyal na araw, nagsilbi rin itong relationship reveal ni Buboy at Isay sa publiko. Sa kauna-unahang pagkakataon, inamin ni Buboy ang kanilang relasyon at ipinakilala si Isay bilang kanyang bagong inspirasyon.

Read also

Herlene Budol, gustong pumasok sa PBB para ipagtanggol si Ashley Ortega

Bukod sa pag-amin ng kanilang relasyon, may isa pang malaking rebelasyon si Buboy — mayroon na silang three-month-old son na pinangalanang Kyrie. Kahapon din, kasabay ng kanyang kaarawan, bininyagan ang kanilang anak na si Kyrie, kung saan kabilang sa mga ninong at ninang ang mag-asawang Mikael Daez at Megan Young.

Nagbahagi rin si Isay sa kanyang Instagram account ng couple at family photos kasama si Buboy at baby Kyrie. Sa kanyang caption, sinabi niya, “Happy birthday to the guy who still makes me laugh every day! Here’s to another year of blessings 💕🎂 📸: @angguloprints.” Sa kanyang Instagram bio, ipinagmamalaki rin ni Isay na isa siyang "public figure" at nagtapos ng Bachelor of Library and Information Science sa City College of Angeles, Pampanga.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Kyrie ang ikatlong anak ni Buboy Villar. Mayroon siyang dalawang anak, sina Vlanz Karollyn, 7, at George Michael, 5, sa kanyang dating American live-in partner na si Angillyn Serrano Gorens. Nagkahiwalay sina Buboy at Angillyn noong Oktubre 2020 matapos ang limang taong pagsasama. Sa kabila ng kanilang paghihiwalay, nanatili silang magkaibigan para sa kapakanan ng kanilang mga anak.

Read also

Jelai Andres, may binuking tungkol sa girlfriend ni Buboy Villar

Sa isang panayam, ibinahagi ni Buboy na maayos ang kanilang samahan ni Angillyn. Aniya, “Bilang nanay siya ng mga anak ko, tatay ako ng mga anak namin, so napagkasunduan namin na no hate to each other. Dapat love lang.”

Ang nakakakilig na kaganapan sa birthday celebration ni Buboy ay mapapanood ngayong Sabado, Marso 22, sa YouLol Originals YouTube Channel ng GMA-7.

Sa kabila ng maraming pagbabago sa buhay ni Buboy Villar, patuloy itong nagpapakita ng pagmamahal sa kanyang mga anak at ngayon ay sa bago niyang pamilya kasama si Isay at baby Kyrie.

Si Buboy Villar ay isang kilalang aktor, komedyante, at TV host sa Pilipinas na sumikat sa pagganap niya bilang Apolinario Mabini sa pelikulang “Bonifacio: Ang Unang Pangulo.” Nagsimula siya sa showbiz bilang child actor at naging bahagi ng “Little Big Star” noong 2006. Nakilala rin siya sa mga teleserye at comedy shows tulad ng “Dyesebel” at “Bubble Gang.”

Read also

Nadine Lustre, umalma sa bastos na komento ng basher

Taong 2016 nang maging magkarelasyon si Buboy at ang ina ng kanyang dalawang anak na si Angillyn Gorens. Nagsama sila sa isang bubong taong 2017. Taong 2017 naman pinanganak ni Angillyn ang kanilang panganay na anak. Engaged na sila noon at nagbabalak na magpakasal sa US ngunit nito lamang 2020 nang aminin nilang nagkahiwalay sila.

Noong nakaraang Mother's Day ay hindi kinaligtaang batiin ni Buboy si Angillyn. Sa kasalukuyan ay naroroon ang kanilang dalawang anak na si Vlanz at George sa poder ng kanilang ina. Matatandaang nauna nang naibahagi ni Buboy na kahit malungkot siya ay naiisip niyang ginagawa niya ito para sa kinabukasan ng kanilang mga anak.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags: