Darryl Yap, nakapagpiyansa sa Cyberlibel case na sinampa ni Vic Sotto

Darryl Yap, nakapagpiyansa sa Cyberlibel case na sinampa ni Vic Sotto

- Nakapagpiyansa si Darryl Yap ng ₱20,000 matapos ang warrant of arrest para sa dalawang bilang ng cyberlibel na isinampa ni Vic Sotto

- Nag-ugat ang kaso sa inilabas na teaser ng pelikulang “The R^pists of Pepsi Paloma” kung saan nabanggit ang pangalan ng TV host-actor

- Inilabas ng Muntinlupa RTC Branch 203 ang arrest warrant noong Marso 19, 2025, ngunit agad itong binawi matapos magpiyansa ang direktor

- Nakatakda ang arraignment at pre-trial conference ng kaso sa Marso 26, 2025

Nakaligtas sa pagkakakulong ang kontrobersyal na direktor na si Darryl Yap matapos magpiyansa ng ₱20,000 kaugnay ng dalawang bilang ng cyberlibel na isinampa laban sa kanya ng premyadong host-actor na si Vic Sotto.

Darryl Yap, nakapagpiyansa sa Cyberlibel case na sinampa ni Vic Sotto
Darryl Yap, nakapagpiyansa sa Cyberlibel case na sinampa ni Vic Sotto (📷@vicsottoofficial/IG & Darryl Yap/FB)
Source: Facebook

Noong Marso 19, 2025, naglabas ng warrant of arrest ang Muntinlupa Regional Trial Court (RTC) Branch 203 sa ilalim ni Presiding Judge Myra Quiambao para kay Yap dahil sa kasong paglabag sa Articles 353 at 355 ng Revised Penal Code na may kaugnayan sa Republic Act No. 10175 o mas kilala bilang Cybercrime Prevention Act of 2012. Ang kaso ay nag-ugat sa inilabas na teaser ng pelikulang “The R^pists of Pepsi Paloma”, kung saan nabanggit ang pangalan ni Vic Sotto.

Read also

VP Sara Duterte: ‘Hindi na maibabalik si Pangulong Duterte sa Pilipinas’

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa parehong araw, nag-file si Yap ng cash bond na nagkakahalagang ₱10,000 para sa bawat bilang ng cyberlibel complaint. Ayon sa court order, matapos suriin ang ebidensiya mula sa preliminary investigation, napatunayang may probable cause para sa paglabas ng warrant of arrest.

“The herein accused Darryl Ray Spyke Yap y Balingit having voluntarily appeared before this Court and posted cash bond in the amount of Ten Thousand Pesos (₱10,000.00) under Official Receipt No. 9801245 dated March 19, 2025, for his provisional liberty and finding the same to be sufficient and in accordance with law, the same is hereby approved.”

Dahil dito, pinayagan si Yap na makalaya pansamantala habang hinihintay ang susunod na pagdinig. Binawi rin ng korte ang naunang arrest warrant matapos matanggap ang kabuuang halaga ng piyansa.

Nakatakda ang arraignment at pre-trial conference ng kaso sa Marso 26, 2025, kung saan maghaharap muli ang kampo ni Yap at ni Sotto.

Read also

Sarah Balabagan Sereno, sinagot si Arnold Clavio dahil sa komento tungkol sa "prayer rally"

Nag-ugat ang legal na hidwaan nang maglabas si Darryl Yap ng teaser para sa pelikulang “The R^pists of Pepsi Paloma”, kung saan nabanggit ang pangalan ni Vic Sotto. Sa reklamo, 19 na bilang ng cyberlibel complaint ang isinampa ni Sotto laban kay Yap sa Muntinlupa Prosecutor’s Office at humihingi ito ng ₱35 milyon bilang danyos sa idinulot na pinsala sa kanyang pangalan.

Bagamat nakapagpiyansa na, ipinahayag ni Yap na “bawal na po akong mag-comment” ukol sa kaso upang maiwasan ang mas matinding legal na komplikasyon.

Habang patuloy na umaandar ang proseso ng kaso, nananatiling usap-usapan sa showbiz at social media ang kontrobersiya sa pagitan ng direktor at ng “Eat Bulaga” host na si Vic Sotto.

Si Darryl Yap ay isang Filipino filmmaker, director, at screenwriter na kilala sa paggawa ng mga kontrobersyal na pelikula at online content. Siya ang nasa likod ng VinCentiments, isang social media platform na nagpo-produce ng short films at viral videos na kadalasang tumatalakay sa mga usapin ng buhay, lipunan, at politika.

Read also

Grade 10 student, inaresto matapos bugbugin at saksakin ang Grade 8 student sa Cainta

Matatandaang mariing itinanggi ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na kasalukuyang sumasailalim sa review ang kontrobersyal na pelikulang "Pepsi Paloma" na idinirek ni Darryl.

Kamakailan ay binahagi ng direktor na si Darryl Yap ang isang larawan ni Cristine Reyes na tila nagbihis ala-Barbie Hsu, ang Taiwanese actress na gumanap bilang "Shan Cai" sa sikat na seryeng Meteor Garden. Sa caption ng kanyang post, inilagay niya ang salitang "Ni Yao De Ai", isang kantang ginamit sa naturang serye.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags: