Kiefer Ravena, Isinapubliko ang Pagbubuntis ni Diana Mackey: “You are destined to be a Super Mommy”

Kiefer Ravena, Isinapubliko ang Pagbubuntis ni Diana Mackey: “You are destined to be a Super Mommy”

- Isinapubliko ni Kiefer Ravena ang pagbubuntis ng kanyang fiancée na si Diana Mackey sa pamamagitan ng Instagram post kung saan makikita ang sonogram at sapatos ng baby

-Sa kanyang Instagram post, makikita ang larawan ng sonogram at isang pares ng baby shoes na hawak ni Mackey

- Matatandaang naganap ang proposal ni Ravena kay Mackey sa Japan noong Oktubre ng nakaraang taon na nagbigay sorpresa kay Mackey habang naglalakad sila sa kalsada

- Masayang ibinahagi ni Mackey na nag-e-enjoy siya sa bagong yugto ng kanyang buhay bilang fiancé ni Ravena at excited silang pareho sa kanilang magiging baby

Masayang ibinahagi ng basketball star na si Kiefer Ravena ang magandang balita tungkol sa pagbubuntis ng kanyang fiancée na si Diana Mackey. Sa kanyang Instagram post, makikita ang larawan ng sonogram at isang pares ng baby shoes na hawak ni Mackey.

Kiefer Ravena, Isinapubliko ang Pagbubuntis ni Diana Mackey: “You are destined to be a Super Mommy”
Kiefer Ravena, Isinapubliko ang Pagbubuntis ni Diana Mackey: “You are destined to be a Super Mommy” (📷@ kieferravena15/Instagram)
Source: Instagram

“MARCHing together in this beautiful journey with @dianacmackey 🙈 You are Amazing and You are destined to be a Super Mommy.❤️ We can’t wait to see you Litol One 👶🏻 With your Guidance, Lord 🙏🏽 #SneakerBaby #TheRavenas,” caption ni Ravena sa kanyang post.

Read also

Kris Aquino, inedit ang naunang post: Nagpaalam sa dalawang bata na mahal na mahal niya

Matatandaang noong Nobyembre ng nakaraang taon, masayang ibinahagi ni Diana Mackey, dating “Pinoy Big Brother” housemate, ang detalye ng kanilang engagement ni Kiefer. Sa panayam ng ABS-CBN News, sinabi ni Mackey na wala siyang kaalam-alam sa plano ng basketball player na mag-propose sa kanya sa Japan.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

“Okay, so the proposal happened in Japan while crossing the road. I had no idea, I was clueless, wala akong na-feel whatsoever,” pagbabalik-tanaw ni Mackey.

Ayon kay Mackey, alam lang niya na may mga street photographers na kinuhang magkuha ng kanilang litrato, pero hindi niya inasahan na may malaking surpresa si Ravena. “Kunwari magpi-picture lang ‘yung photographers. Tapos he proposed. Obviously, I was shocked, I didn’t know how to react. Tapos he knelt,” dagdag pa niya. “Tapos I said yes. It felt like a movie.”

Noong Oktubre 31, ipinahayag mismo ni Ravena ang kanilang engagement sa Instagram kung saan makikita si Mackey na suot ang kanyang engagement ring. Sa parehong panayam, sinabi ni Mackey na masaya siya sa bagong kabanata ng kanyang buhay kasama ang Japan B.League star.

Read also

Nadine Lustre, umalma sa bastos na komento ng basher

“I'm very happy. It's still sinking in. Hindi pa siya nagsi-sink in for me, pero I'm just happy because I'm enjoying the moment of my fiancé life,” ani Mackey.

Sa isang hiwalay na panayam, sinabi rin ni Ravena na hindi pa nila napag-uusapan nang seryoso ang tungkol sa kanilang kasal. “Wedding plans? Wala pa, very surface level pa lang, hindi pa talaga namin napag-uusapan since ‘yun nga. Kakabalik pa lang namin from Japan and medyo nagsi-sink in pa rin kung ano ‘yung reality,” pahayag ng dating Gilas Pilipinas player.

“If anything siguro, it’s the right timing, right person,” dagdag pa ni Ravena.

Kamakailan, namataan ang engaged couple na nanonood ng UAAP Season 87 sa laban ng Ateneo de Manila University (ADMU) kontra University of the East (UE) sa UST Quadricentennial Pavilion.

Si Kiefer Ravena ay isang kilalang Filipino professional basketball player na kasalukuyang naglalaro para sa Shiga Lakes sa Japan B.League. Siya ay dating miyembro ng Ateneo Blue Eagles sa UAAP, kung saan nagkamit siya ng maraming MVP awards at naging isa sa pinakamatagumpay na collegiate players ng bansa.

Read also

Iya Villania, bumalik na sa pagwoworkout matapos ang ng buwan ng panganganak

Matatandaang noong November 5 2024, isang Instagram user na si @aki_racho ang nagbahagi sa kanilang opisyal na pahina ng nakakaantig na video ng matamis na proposal ni Kiefer. Makikita sa ngayo’y viral na video clip na kunwari’y mga street photographers sina Aki at ang kanyang mga kaibigan na napansin ang magkasintahan habang naglalakad sa mga kalye ng Japan.

Matatandaang si Diana Mackey ay nagdiwang ng kanyang kaarawan noong Disyembre 2024. Nag-post sa social media ang basketball star upang magbigay ng taos-pusong mensahe para sa kanyang kasintahan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate