Bugoy Cariño ikinasal na sa kanyang long time partner na si EJ Laure

Bugoy Cariño ikinasal na sa kanyang long time partner na si EJ Laure

- Kinasal na ngayong araw, March 9, 2025 sina Bugoy Cariño at EJ Laure

- Base sa mga post ng ilang guests na dumalo sa kanilang kasal ay ginanap ang kasal sa Tagaytay

- Matatandaang nag-propose si Bugoy kay Ej sa kanyang 21st birthday celebration noong September 2023

- Taong 2020 nang isiwalat ng dalawa na mayroon na silang anak, si Cariño ay 16 taong gulang noon habang si Laure ay 21 noong panahong iyon

Opisyal nang mag-asawa sina Bugoy Cariño at EJ Laure matapos ang kanilang kasal ngayong araw, Marso 9, 2025, sa isang espesyal na seremonya sa Tagaytay. Ang balitang ito ay kinumpirma ng ilang guests na dumalo sa kanilang pag-iisang dibdib, batay sa kanilang mga social media post.

Bugoy Cariño ikinasal na sa kanyang long time partner na si EJ Laure
Bugoy Cariño ikinasal na sa kanyang long time partner na si EJ Laure (📷G Channel Ph Vlogs/Facebook)
Source: Facebook

Matatandaang nag-propose si Bugoy kay EJ noong kanyang ika-21 kaarawan noong September 2023. Ang kanilang kasal ay matagal nang inaabangan ng kanilang mga tagahanga, lalo na matapos nilang ibahagi ang kanilang pre-wedding photos na kuha ng Nice Print Photography. Sa mga larawang ito, makikita ang sweetness ng dalawa habang nakasuot ng wedding veil sa loob ng isang covered court.

Read also

Jellie Aw, umalma sa kumakalat na fake post na sinabi daw niya

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa isang Instagram post ni EJ Laure dalawang buwan bago ang kanilang kasal, ibinahagi niya ang caption na "2 months to go 🫣😍 #sENNAallmayROGEL," na nagpahiwatig ng kanilang nalalapit na pag-iisang dibdib. Samantala, si Bugoy rin ay nagbahagi ng excitement sa kanyang social media posts.

Hindi lingid sa kaalaman ng publiko na taong 2020 nang isiwalat nina Bugoy at EJ na mayroon na silang anak. Noon ay 16 taong gulang pa lamang si Bugoy, habang 21 anyos naman si EJ. Sa isang panayam kay Karen Davila, inamin ni Bugoy na una niyang naisip ang posibilidad ng pagpapalaglag sa kanilang anak upang mapanatili ang kanyang showbiz career. Gayunpaman, pinili nilang harapin ang hamon ng pagiging magulang at pinalaki nang maayos ang kanilang anak.

Ngayon, matapos ang maraming pagsubok at taon ng pagsasama, pinatunayan nina Bugoy at EJ na ang kanilang pagmamahalan ay matatag at handa na silang simulan ang bagong kabanata ng kanilang buhay bilang mag-asawa. Sa kanilang wedding hashtag na #onceENNAlifetimeWithBUGOY, ipinahayag ng dalawa ang kanilang pagmamahal sa isa't isa at ang kanilang pangakong magsasama habambuhay.

Read also

KaladKaren, nagbahagi ng pictures kasama ang asawa: "Look who followed me in Los Angeles"

Si Bugoy Cariño ay tinanghal na grand winner ng Star Circle Kid Quest, isang talent search sa ABS-CBN. Naging bahagi rin siya ng youth-oriented comedy show na Goin' Bulilit. Kalaunan ay naging miyembro din siya ng all-male group na Hashtags sa noontime show na It's Showtime. Si EJ Laure naman ay isa sa pinakasikat na volleyball player ng University of Santo Tomas Golden Tigresses.

Matatandaang buong tapang na inamin ni Bugoy na unang plano nila sa kanilang anak ng dating volleyball star na si EJ. Dala ng kabataan, naisip daw talaga nilang ipatanggal na lang sana ang nasa sinapupunan ng kanyang girlfriend. Subalit dala ng matinding pagdarasal at pagkausap sa kanyang ama, hindi na ito naipagawa ni Bugoy kay EJ. Ngayon, masayang-masaya silang mag-anak kasama ang tatlong taong gulang na nilang anak na si Scarlet.

Sa kabila ng mga pinagdaanan ng dating child star, masasabing unti-unti na raw siyang nakabangon. Matatandaang naging batang ama si Bugoy, dahilan upang mawalan umano siya ng mga proyekto sa showbiz. Subalit ngayon, nabigyan pa niya ng negosyo ang ama at maayos din ang kinikita niya sa pag-FB stream niya ng kanyang laro. Aniya, tila mas malaki pa nga raw ang sinasahod niya ngayon kaysa noong nag-aartista pa siya.

Read also

Pagsampa ng kaso sa suspek sa pagpaslang sa 17 anyos na aspiring model, hinahanda na

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate