Rufa Mae Quinto, nawindang sa isa na namang scammer na gumagamit ng kanyang pangalan
- Naloka si Rufa Mae Quinto matapos makatanggap ng sumbong na may gumagamit na naman sa kanyang pangalan para makapanloko ng iba
- Nagbigay siya ng babala na hindi siya kailanman nanghingi o manghihingi ng pera sa kahit na sino
- Inamin niyang may mga nag-alok ng tulong sa kanya ngunit nalaman niyang may kaugnayan ang mga ito sa scamming
- Dahil sa patuloy na panloloko gamit ang kanyang pangalan, nagsumbong na siya sa NBI upang maprotektahan ang publiko
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Hindi maitago ng komedyanteng si Rufa Mae Quinto ang kanyang inis matapos makarating sa kanya ang balitang may isa na namang scammer na ginagamit ang kanyang pangalan upang makapanloko ng ibang tao.

Source: Instagram
Ayon sa aktres, isang netizen ang nagsumbong sa kanya tungkol sa isang lalaking nagpapakilalang kaibigan niya at ginagamit umano siya sa pang-i-scam. Dahil dito, agad na nagbigay ng babala si Rufa Mae, na kilala rin sa palayaw na "P-chi," upang hindi na madagdagan pa ang mga nabibiktima ng panloloko.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
"Nakakaloka, friendship! May nagsumbong na naman sa akin, kaya nag-react ako. Pakisabi naman, never akong nanghingi o manghihingi ng pera sa kahit na sino!" mariing pahayag ng komedyante.
Ibinunyag din ni P-chi na may mga taong nag-alok ng tulong sa kanya noon, ngunit kalaunan ay nalaman niyang may kaugnayan din pala ang mga ito sa mga scamming activities.
"May mga taong nag-try mag-help, pero lahat pala, eh, nakisabay sa scamming issue. Kaya pa-clear na lang para hindi sila maloko at mahingan ng pera," dagdag pa niya.
Dahil sa patuloy na paggamit ng kanyang pangalan sa panloloko, hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Rufa Mae at nagsumbong na siya sa National Bureau of Investigation (NBI).
Nanindigan ang komedyante na hindi siya mananahimik sa ganitong klase ng pananamantala upang maprotektahan ang publiko laban sa mga mapanlinlang na indibidwal.
"Awrahan natin 'yan, friendship! Hindi puwedeng hayaan na lang natin sila!" matapang na pahayag ni P-chi.
Samantala, patuloy ang paalala ng mga awtoridad na huwag basta-basta maniniwala sa mga nagpapakilalang kaibigan o kakilala ng mga sikat na personalidad, lalo na kung may kaugnayan ito sa pera. Maging mapanuri at agad ipagbigay-alam sa kinauukulan ang mga kahina-hinalang transaksyon.
Si Rufa Mae Quinto-Magallanes ay sumikat bilang isang Filipina actress, comedian at TV host. Nakilala siya sa kanyang kakaibang estilo ng pagpapatawa. Pinasok niya ang mundo ng showbiz nang mapabilang siya sa That's Entertainment noong 1996. Ilan sa sumikat niyang pagganap ay bilang si 'Booba' sa pelikulang Booba noong 2001 at bilang si 'Boobita Rose' sa Masikip sa Dibdib.
Matapos ang kanyang pamamalagi sa Amerika, bumalik kamakailan sa Pilipinas si Rufa Mae. Nauna siyang napasama sa UniTeam rally na talaga namang pinag-usapan. Sa kanyang pag-uwi sa Pilipinas, ibinahagi niya sa kanyang social media account ang bagong bahay na kanilang tinitirhan pagbalik nila sa Pinas.
Matapos lumabas ang video ng kanyang pagkanta sa rally para kay Senator Manny Pacquiao, agad na nag-trend sa Twitter si Rufa Mae. Marami ang nawindang na makita siya sa naturang rally dahil bago ito ay naroroon din siya sa UniTeam rally ni Pangulong Bongbong Marcos. Maging si Rufa Mae ay binahagi sa kanyang Instagram story ang screenshot ng top trends sa Twitter kung saan makikita ang kanyang pangalan.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh