Caelan Tiongson, may pakiusap sa mga fans ni BINI Aiah
- Muling nahingan ng pahayag si Caelan Tiongson tungkol nababalitang relasyon kay BINI Aiah
- Ngayon, nag-iwan na siya ng mensahe para sa fans ng Bini, lalo ni Aiah Arceta
- Isa na rito ang tungkol sa respeto lalo na kung mapasok na nga sa isang relasyon si Aiah
- Kamakailan, matatandaang naglabas na rin ng pahayag si Aiah ukol sa mga espekulasyon ng umano'y relasyon nila ni Caelan
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Muling nahingan ng pahayag ang Rain or Shine baskeball player na si Caelan Tiongson tungkol umano sa nababalitang relasyon nito kay BINI Aiah.

Source: Facebook
Matatandaang minsan nang nagsalita si Caelan ukol sa kabi-kabilang espekulasyon tungkol sa kanila ng nasabing BINI member.
Ngayon, may pakiusap na rin si Caelan sa mga BINI fans partikular na sa mga tagahanga ni Aiah.
"If Aya is pursuing a romance with someone in the future, I hope her fans would respect and clear that up just because that's something that she has a right to experience. And the story really isn't what it seems right now and look how crazy and twisted it could get," ani Caelan.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
"So, if it was true, this would ruin something like that for her. So, just in the near future, I hope that you know, her boundaries could be respected and I hope that she can experience something like that because she's a great person and she deserves it," dagdag pa niya.
Matatandaang kamakailan ay binasag na rin ni Aiah ang kanyang katahimikan ukol sa isyu kung isa sa mga binigyang diin niya ay ang pagiging mabuti sa kapwa.
Samantala, narito ang pahayag ni Caelan mula sa ABS-CBN News:
Ang BINI ay isang PPop girl group na sika na sikat ngayon. Binubuo ito nina Aiah, Malai, Mikah, Colet, Stacey, Gwen, Jhoanna, at Sheena. Sila ang grupo sa likod ng popular na mga awiting "Pantropiko", "Salamin," "Huwag muna tayong umuwi," "Cherry on Top" at marami pang iba.
Matapos ang matagumpay at sold-out nilang 3-day concert noong Hunyo 2024, Sinundan naman ito ngayon ng Grand BINIverse na ginanap sa Araneta Coliseum mula Nobyembre 16, 18 at 19. At kahit pa ginawa nilang tatlong araw ang naturang konsyerto, sold out pa rin ang tickets sa mga araw na ito. Noon lamang Pebrero 15, ginanap ang kick-off ng Grand BINIverse World Tour sa Philippine Arena. Kaya naman sa ngayon, abala ang BINI sa pamamayagpag nila sa nasabing concert tour sa iba't ibang bahagi ng mundo.
Matatandaang minsan nang napuri ni Karen Davila ang grupo. Bukod umano sa husay ng mga ito sa kanilang larangan, kahanga-hanga ang kwento ng buhay ng bawat isa bago nila matamasa ang tagumpay ngayon. Sa naturang panayam din ni Karen sa grupo, naikwento ni Sheena ang pagpanaw ng ina sa kalagitnaan ng pandemic habang siya ay nasa training Star Hunt Academy.
Si Caelan Tiongson ay isang Filipino-American na manlalaro ng basketball na kasalukuyang naglalaro bilang swingman para sa Rain or Shine Elasto Painters sa Philippine Basketball Association (PBA). Ipinanganak siya noong Mayo 7, 1992, sa Pomona, California, USA. Bago sumali sa PBA, naglaro siya sa iba't ibang liga sa Asya, kabilang ang sa Macau, Pilipinas, Taiwan, at USA.
Noong 2024, napili si Tiongson bilang ikapitong overall pick sa PBA Rookie Draft at pumirma ng tatlong taong kontrata sa Rain or Shine Elasto Painters. Kamakailan, naging tampok si Caelan sa mga balita dahil sa mga usap-usapan tungkol sa kanyang relasyon kay Aiah Arceta ng BINI, isang kilalang all-girl K-pop group sa Pilipinas. Nilinaw naman ito ni Caelan at sinabing nagkakilala lamang sila ni Aiah sa pamamagitan ng isang mutual nilang kaibigan. Nilarawan niyang 'great person' si Aiah.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Proofreading by Marisse Gulferica, copy editor at KAMI.com.gh.
Source: KAMI.com.gh