KaladKaren, nagbahagi ng pictures kasama ang asawa: "Look who followed me in Los Angeles"
- Nagbahagi si KaladKaren ng mga larawan kasama ang kanyang asawang si Luke Wrightson sa Los Angeles, kasabay ng patuloy na usap-usapan tungkol sa kanilang relasyon
- Sa isang episode ng “Frontline Pilipinas,” diretsahang tinanong ni Julius Babao si KaladKaren tungkol sa isyu ng hiwalayan nila ni Luke, na kanyang ikinagulat at hindi agad nasagot
- Nilinaw ni KaladKaren na hindi totoo ang mga espekulasyon at iginiit na gaya ng ibang mag-asawa, may pinagdaraanan silang pagsubok ngunit nananatili silang magkasama
- Hinimok niya ang publiko na maging responsable sa mga impormasyong tinatanggap at sinabing patuloy nilang pinipiling mahalin ang isa’t isa sa kabila ng mga hamon sa kanilang pagsasama
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Nagbahagi ng mga larawan si KaladKaren kasama ang kanyang asawang si Luke Wrightson na may caption na, "Look who followed me in Los Angeles," kaunod ng kanyang paglilinaw kamakailan sa usap-usapang hiwalayan nilang mag-asawa.

Source: Instagram
Matatandaang sa isang panayam sa Frontline Pilipinas, tinanong si KaladKaren ni Julius Babao kung may katotohanan ang balitang hiwalay na sila ni Luke. Sa naturang video, makikita ang tila pagkabigla at pananahimik ng TV host bago tinakpan ang kanyang mukha. Dahil sa kanyang reaksiyon, nagtanong pa si Babao sa co-host nitong si Denise Tan kung nais niyang magbigay ng komento. Sagot naman ni Denise, "Hintayin na lang natin pag ready na siya sumagot."
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Nag-viral ang segment na ito, kung saan umani na ng mahigit 842,000 views sa TikTok. Maraming netizens ang nagpahayag ng kanilang pag-aalala para kay KaladKaren, lalo na’t matagal nang may lumulutang na espekulasyon tungkol sa estado ng kanilang relasyon. Mas lalong umingay ang usapin nang mag-viral ang isang video ni KaladKaren na sumasabay sa lyrics ng isang malungkot na kanta tungkol sa paghihiwalay.
Gayunpaman, sa kanyang closing spiel sa nasabing programa, itinanggi ni KaladKaren ang mga espekulasyon. "Ako pa rin po si Mrs. Jervi Wrightson," aniya, bilang sagot sa tanong ni Julius Babao. Dagdag pa niya, "Lilinawin ko lamang po 'yung issue tungkol sa'min ni Luke. You know, our marriage is not perfect. Katulad ng ibang couples, siyempre may misunderstandings, merong challenges. At hindi rin po nakakatulong na minsan, hindi kami magkasama because Luke is working abroad."
Sa kabila ng mga pagsubok, binigyang-diin ni KaladKaren na nananatili silang matatag bilang mag-asawa. "For 13 years, sinubok na po kami ng panahon at araw-araw pinipili po naming mahalin ang isa't isa. So, kami pa rin po. We're still together. Wala po kaming problema ni Luke, masaya po kaming mag-asawa."
Bukod dito, pinaalalahanan din ng TV host ang publiko na maging responsable sa pagkuha at pagpapakalat ng impormasyon sa social media. "I think ang moral of the story, we have to be responsible with the content that we receive and consume."
Matatandaang ikinasal sina KaladKaren at Luke Wrightson noong Setyembre 2024 sa Raven Hall County, UK, sa harap ng kanilang pamilya at malalapit na kaibigan. Ilan sa mga dumalo sa kasal ay ang batikang TV host na si Karla Estrada, na nagbigay pa ng mensahe para sa bagong kasal.
Ikinasal sina Kaladkaren at Luke Wrightson sa Raven Hall County, United Kingdom. Naganap ang seremonya noong ika-8 ng Setyembre 2024 sa gitna ng makapal na ulap. Dinaluhan ito ng kanilang mga pamilya at malalapit na kaibigan. Ibinahagi ni Kaladkaren na sa kabila ng hamog, siya ang pinakamasuwerteng babae.
Kamakailan lang ay naging usap-usapan sa social media si KaladKaren, o Jervi Wrightson. Isang video ang lumabas kung saan makikitang nagli-lip-sync siya sa malungkot na kanta ng singer na si Kristy Lee. Dahil dito, maraming netizens ang napa-isip at nag-alala tungkol sa kanya.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh