Diwata, ibinidang nananghalian sa kanyang paresan si Willie Revillame

Diwata, ibinidang nananghalian sa kanyang paresan si Willie Revillame

- Ibinida ni Diwata na nanaghalian sa kanyang paresan si Willi Revillame

- Maging si Willie ay inalala ang una nilang pagkikita ni Diwata mahigit isang dekada na ang nakalipas

- Bukod kay Willie, kasama rin nito si Senator Bong Go na kumain sa paresan ni Diwata

- Sa ngayon, bukod sa kanyang mga negosyo, abala rin si Diwata sa larangan ng pulitika bilang ika-apat na nominado ng Vendors Party-list sa paparating na halalan ngayong Mayo

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Ibinahagi ni Diwata na sa kanyang paresan napiling mananghalian ni Willie Revillame.

Diwata, ibinidang nananghalian sa kanyang kainan si Willie Revillame
Diwata, ibinidang nananghalian sa kanyang kainan si Willie Revillame (Diwata Pares Overload Updates)
Source: Facebook

Sa kanyang mga post ngayong Marso 7, makikitang bukod kay Willie, kasama rin nitong kumain sa Diwata Pares overload si Senator Bong Go.

Sa maiksing video, nabanggit pa ni Willie ang una nilang pagkikita ni Diwata.

"That was 2010. 15 years ago, nagkita kami niyan nakakatuwa," ani Willie.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Hiling din niya umano na magka-sama sama ang mga komedyanteng sina Tekla, Donita pati na rin si Diwata na naging bahagi ng kanyang programa noon na Wowowwin.

Read also

KaladKaren, nagbahagi ng pictures kasama ang asawa: "Look who followed me in Los Angeles"

Samantala, sa caption naman ng post ni Diwata, tila inaasahan na niyang lalabas ang kanyang mga bashers at hindi siya makakawala sa mga pambabatikos ng mga ito.

"Kuya Wil at Sen. Bong Go nasa diwata pares! Oh Pasok mga basher at alam kong may masasabi parin kayo dito!"

Narito ang kabuuan ng kanyang post:

Si Deo Jarito Balbuena na kilala bilang si Diwata at ang may-ari ng trending at pinipilahang Diwata Pares Overload. Bukod sa abot kaya ang kanyang paninda ay sulit din ito at nakakabusog ayon sa kanyang mga naging customer at bumabalik-balik sa kanyang kainan.

Noong 2024, masayang tinanggap ni Diwata ang Most sensational media personality of the year ng Gawad Dangal Filipino Awards. Ayon kay Diwata, iyon na umano ang ikatlong award na kanyang natanggap sa buwan lamang ng Hunyo.Bukod sa mga awards na nakamit, hindi rin nagpahuli si Diwata sa mga artistang naki-sagala sa Malabon. Bongga ang sinuot niyang gown at talagang makikinig na panay hiyawan ng kanyang pangalan ang maririnig, sa tuwing dadadaan na si Diwata.

Read also

Jellie Aw, nilabas ang screenshot ng mensahe mula kay Jam Ignacio

Samantala, naging bahagi rin si Diwata ng seryeng Batang Quiapo na pinagbibidahan ni Coco Martin. Masasabing napaka-busy talaga noong nakaraang si Diwata na nadagdagan pa ang kanyang Pares Overload branch na mayroon na rin sa Quezon City. Matatandaang bongga ang naging grand opening nito na dinaluhan ng ilang mga kilalang artista.

Noong Oktubre 2024, pormal niyang inihain ang kanyang certificate of candidacy, na naglalayong magsilbing boses ng mga maliliit na negosyante, lalo na ang mga nagtitinda sa kalsada, sa Kongreso. Isa sa mga layunin ng Vendors Party-list ay magtatag ng kooperatiba upang matulungan ang mga nagtitinda na madaling makakuha ng suporta at mga pwesto para magbenta.

Nito lamang Pebrero 2025, muling gumawa ng ingay ang pangalan ni Diwata nang humingi siya ng paumanhin at patawad matapos ang mga larawan niyang nakasuot ng tradisyunal na kasuotan ng mga katutubong tao sa Panagbenga Festival sa Baguio ay nakatanggap ng mga puna mula sa National Commission on Indigenous Peoples, na nag-akusa ng cultural appropriation.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica