Mark Herras, may paglilinaw: "Wala namang masama magbigay ng bulaklak"

Mark Herras, may paglilinaw: "Wala namang masama magbigay ng bulaklak"

- Nilinaw ni Mark Herras na ang kanyang pagdalo sa contract signing event ni Jojo Mendrez ay pagpapakita lamang ng suporta sa kaibigan

- Iginiit niya na wala silang ginagawang masama at nanatili silang magkaibigan at magkatrabaho

- Itinanggi rin ni Jojo Mendrez ang espekulasyon matapos silang makita sa isang hotel casin0 at ipinaliwanag na ito ay para sa isang video collaboration

- Kasalukuyang kasal si Mark kay Nicole Donesa at naghihintay sila ng kanilang pangalawang anak na isang baby girl

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Nilinaw ng actor-dancer na si Mark Herras ang kanyang naging pagdalo sa contract signing event ng The Revival King na si Jojo Mendrez sa Star Music PH. Matatandaang nagbigay si Mark ng bulaklak kay Jojo sa naturang event, dahilan upang magdulot ng iba't ibang spekulasyon sa social media.

Mark Herras, may paglilinaw: "Wala namang masama magbigay ng bulaklak"
Mark Herras, may paglilinaw: "Wala namang masama magbigay ng bulaklak" (Rodel Ocampo Fernando/Facebook)
Source: Facebook

Sa isang panayam ng showbiz reporter na si Rodel Fernando, ipinaliwanag ni Mark na ang kanyang pagpunta ay simpleng pagpapakita lamang ng suporta sa kanyang malapit na kaibigan. "Just to be there and show my support kay Jojo. I mean, yeah, we started as [katrabaho], and eventually, naging close friends kami. Wala namang masama magbigay ng bulaklak," aniya.

Read also

Herlene Budol, inaming nasasaktan sa mga komento: "Ikaw ba naman sabihan ka ng bobo, harap-harapan"

Nanindigan din si Mark na wala silang dapat ipagtanggol dahil malinaw na magkaibigan at magkatrabaho lamang sila ni Jojo. "Ganito lang ho ‘yan. Kapag sinabi kong meron, ang daming magre-react, ang daming magbabash or magsasabi ng kung ano-ano. Kapag sinabi kong hindi, magtatanong pa rin sila. So bahala sila," saad ng aktor. Dagdag pa niya, nagtatrabaho lamang sila at walang masamang nangyayari sa kanilang samahan.

Samantala, nauna nang itinanggi ni Jojo ang mga espekulasyon tungkol sa kanila ni Mark matapos lumabas ang mga litrato nilang magkasama sa isang hotel casin0. Aniya, nagkaroon lamang sila ng collaboration sa Okada para sa isang video reaction sa kantang "Somewhere In My Past," ngunit hindi ito na-release upang maiwasan ang lumalalang intriga.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa kasalukuyan, kasal si Mark sa kanyang non-showbiz wife na si Nicole Donesa, at naghihintay sila ng kanilang ikalawang anak, isang baby girl.

Si Mark Herras ay isang Pilipinong aktor, dancer, at television personality na unang nakilala bilang Ultimate Male Survivor ng unang season ng reality talent show na StarStruck noong 2003.

Read also

Mga natalong team ng It's Showtime hosts, kinaaliwan matapos tumakas sa "funishment"

Bilang isang artista, lumabas siya sa iba’t ibang teleserye at pelikula, kadalasang gumaganap bilang leading man o kontrabida. Kilala rin siya bilang mahusay na dancer, kaya tinagurian siyang “Bad Boy of the Dance Floor.”

Bukod sa kaniyang career sa entertainment, naging laman din ng balita si Mark dahil sa personal niyang buhay, kabilang ang kaniyang relasyon, pagiging isang ama, at iba’t ibang isyung kinasangkutan niya sa showbiz.

Matapos ibahagi ni RR Enriquez ang tungkol sa kanyang saloobin hinggil sa isyung pagbanggit ni Lolit Solis ng tungkol sa pangungutang ni Mark Herras sa kanya, lalong naging usap-usapan ang isyu. Marami rin ang naghayag ng kanilang opinyon at bumatikos sa talent manager ni Mark. Kasunod nito ay isinapubliko ni Manay Lolit ang kanyang pagbibitiw bilang talent manager ni Mark.

Nag-react si Lolit Solis sa balitang nag-perform si Mark Herras sa isang gay bar sa Roxas Boulevard. Sinabi niyang naaawa siya dahil sa kasalukuyang estado ng karera ni Mark Herras. Iniulat na nagkaroon ng P500 door charge ang espesyal na pagtatanghal ni Mark sa Apollo Male Entertainment. Hinimok ni Lolit si Mark na tanungin ang sarili kung tama pa bang gawin ang ganoong klaseng trabaho.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate