Kim Atienza, naakisdente: "Thank you Lord for my 4th life!"

Kim Atienza, naakisdente: "Thank you Lord for my 4th life!"

- Nailigtas si Kim Atienza matapos siyang maaksidente habang nagbibisikleta pauwi mula sa trabaho

- Tumilapon siya ng walong talampakan matapos tumakbo sa kanyang daraanan ang isang malaking aso

- Agad siyang tinulungan ng mga miyembro ng FEPAG EMS PHILS na hindi naka-duty at dinala siya sa ospital

- Labis ang kanyang pasasalamat sa Diyos, sa kanyang pamilya, at sa lahat ng tumulong sa kanya

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Ikinuwento ng TV host at sports enthusiast na si Kim Atienza ang isang himalang nagligtas sa kanyang buhay matapos siyang maaksidente habang nagbibisikleta pauwi mula sa trabaho. Sa kanyang social media post, ibinahagi ni Atienza ang nakagigimbal na pangyayari kung saan bigla umanong tumakbo sa kanyang daraanan ang isang malaking aso, dahilan upang siya ay mawalan ng kontrol at tumilapon ng walong talampakan mula sa kanyang bisikleta.

Kim Atienza, naakisdente: "Thank you Lord for my 4th life!"
Kim Atienza, naakisdente: "Thank you Lord for my 4th life!" (📷@kuyakim_atienza/Instagram)
Source: Instagram

"Riding home from work a huge dog darted straight to my path, making me crash. I flew 8 feet over my handlebars hitting the pavement with a thud. I heard a loud crack and knew something was broken," pagbabahagi niya.

Read also

Lindsay Custodio, sinampahan ng cyber libel ng asawang si Frederick Cale

Habang nakahandusay sa kalsada at gulat pa sa pangyayari, isang hindi inaasahang himala ang naganap. Ayon kay Atienza, isang fully staffed ambulance ang agad na dumating sa loob ng ilang segundo upang siya ay bigyan ng first aid at tiyakin ang kanyang kaligtasan mula sa dumaraang mga sasakyan.

"As I laid on the street stunned, miracle of miracles, in seconds, a fully staffed ambulance arrived giving me first aid and stopping the cars from running me over," aniya.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ayon pa sa kanya, ang mga nagligtas sa kanya ay mga miyembro ng FEPAG EMS PHILS na hindi naka-duty at pauwi na mula sa kanilang trabaho. Sila rin ang nagdala sa kanya sa Makati Medical Center (MMC) kung saan siya inasikaso sa emergency room. Matapos tiyakin na siya ay nasa maayos na kalagayan, tahimik umanong umalis ang grupo.

Labis din ang pasasalamat ni Atienza sa kanyang pamilya, lalo na sa kanyang asawa at anak na agad pumunta sa ospital upang alagaan siya. "Feli and emman were in the ER to take care of their broken papa. (That was so comforting seeing them!)" aniya.

Read also

Kylie Padilla, nagbahagi ng cryptic posts: "Everything hurts"

Bagamat may iniindang sakit, ikinagalak ni Atienza na hindi siya nagtamo ng mas malubhang pinsala maliban sa nabaling tadyang. "God loves me so much. I could've broken my spine or banged my head leaving me with graver injuries (or death) but all I have is a broken rib," ani niya.

Nagpasalamat din siya sa lahat ng tumulong sa kanya kabilang ang Barangay officials na nagbantay sa kanyang bisikleta at sa kanyang kaibigang doktor na si Marc Castro na tumulong sa kanyang paggaling.

Sa kabila ng naranasang aksidente, nananatili ang kanyang pananampalataya at pasasalamat sa Diyos. "Maraming maraming salamat Panginoon. You are good, unchanging and ever present in everything I do. I have nothing in my heart but Gratitude. Life is good. God is good all the time," pagtatapos niya.

Si Kim Atienza o mas kilala sa bansag na Kuya Kim ay isang host, actor, weather anchor at isang dating politician. Siya ay dating napanood bilang weather anchor ng TV Patrol segment na Weather-Weather lang.

Read also

Mga natalong team ng It's Showtime hosts, kinaaliwan matapos tumakas sa "funishment"

Matatandaang nagkataong nasa Itaewon, South Korea si Kuya Kim nang maganap ang stampede. Naibalita niya ang tungkol sa pangyayari at napakita niya ang naging bakas ng trahedya. 151 ang nasawi sa trahedya at karamihan sa mga ito ay nasa edad 20 pababa. Kabilang sa mga ito ay 17 na banyaga. Bunsod ng trahedya, dineklarang national day of mourning sa South Korea ang October 30.

Kabilang si Kuya Kim sa mga pinasalamatan ni Vice Ganda nang magbigay ito ng pahayag sa pagdiriwang nila ng ika-13 taon ng It's Showtime. Sa kanyang pahayag ay pinasalamatan ni Vice ang mga taong unang nagtaguyod ng show na kinabilangan ng mga direktor at dating mga host na kanilang nakatampuhan. Matatandaang naging usap-usapan ang paglipat ng ilan sa mga hosts at direktor ng It's Showtime.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate