Dating komedyanteng si Kuhol, tinulungan ni Julius Babao na magkaroon ng maayos na tirahan
- Nakapanayam ni Julius Babao ang dating komedyanteng si Kuhol sa kanyang YouTube channel na Julius babao UNPLUGGED
- Dito ay nakwento ni Kuhol ang nangyari sa kanya kung bakit sa pedicab sa tapat ng kanilang baranggay siya nakatira gayong naging maayos naman noon ang kanyang kita noong nag-aartista siya
- Bukod sa galit umano ang kanyang mga kapatid sa kanya, inamin niyang naging mayabang siya at hindi na-manage ng maayos ang kanyang mga kinita
- Kaya naman, nang mapaalis siya sa kanilang bahay ay wala siyang ibang matirahan
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Minsang nagbigay saya sa telebisyon at pelikula noong dekada ‘90, ngayon ay humaharap sa matinding pagsubok ang dating komedyanteng si Kuhol, o Philip Supnet sa tunay na buhay. Sa edad na 67, hiwalay sa asawa at walang permanenteng tirahan, napilitang manirahan sa isang pedicab sa tapat ng kanilang barangay.

Source: Youtube
Sa panayam ni Julius Babao sa kanyang YouTube channel na Julius Babao UNPLUGGED, isiniwalat ni Kuhol ang mga dahilan kung bakit nauwi siya sa ganitong kalagayan. Ayon sa kanya, nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa kanyang pamilya, lalo na sa kanyang mga kapatid na labis umanong nagalit sa kanya. Dagdag pa niya, inamin niyang naging mayabang siya noong kasagsagan ng kanyang karera at hindi niya na-manage nang maayos ang kanyang kinita. Dahil dito, nang mapaalis siya sa kanilang bahay, wala siyang ibang matirahan.
Sa kabila ng kanyang matinding pagsubok, hindi nawala ang kanyang pangarap na makabalik sa industriya ng showbiz. Ayon kay Kuhol, isa sa kanyang hiling ay ang mabigyan ng pagkakataong muling makapagtrabaho sa telebisyon o pelikula. Umaasa siyang mapansin ni Coco Martin, na kilalang nagbibigay ng trabaho sa mga dating artista sa kanyang mga proyekto, tulad ng FPJ’s Batang Quiapo.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Aminado rin siyang nahihiya ngunit kinakailangan niyang mamalimos upang may makain sa araw-araw. Sa kabila ng lahat, labis ang kanyang pasasalamat kay Julius Babao, na nagpaabot ng tulong upang magkaroon siya ng maayos na tirahan at bagong pag-asa sa buhay.
Narito ang ilang komento ng netizens:
Sir Julius lagi po ako nai-inspre at marami akong natutunan sa buhay through your vlogs. Mag 3 dekada na po ako dito somewhere in Europe. Sir Julius sana po in the near future tumakbo kayong senador dahil mabait kayo at matulungin.
God bless Sir Julius/Sponsors 🙏 Salamat po sa pagtulong kay Kuhol. Pagpatuloy po ang pagVlog
This is heartbreaking. Kahit anong Sama ng kapatid dapat wag siya Alisan ng right na Makita ang magulang.
Si Coco Martin ay isa sa mga pinakamalaking bituin sa industriya ng showbiz sa Pilipinas, ngunit higit pa sa kanyang tagumpay ay ang kanyang malasakit sa kapwa artista, lalo na sa mga dating bituin na nawalan ng trabaho. Sa mga nagdaang taon, maraming beteranong artista ang nagbalik sa telebisyon at pelikula dahil sa kanyang tulong at pagbibigay ng oportunidad.
Nagsimula ito sa kanyang proyekto sa FPJ’s Ang Probinsyano, kung saan binigyan niya ng papel ang ilang dating sikat ngunit nalimutang mga artista gaya nina Mark Lapid, Whitney Tyson, Mystica, Roderick Paulate, at iba pa. Ayon kay Coco, gusto niyang bigyan ng pagkakataon ang mga beteranong artista na muling ipakita ang kanilang talento sa harap ng kamera.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh