Ynez Veneracion, diretsahang sinagot ang mga bumabatikos sa kanyang pagpaparetoke
- Diretsahang sinagot ni Ynez Veneracion ang mga pambabatikos tungkol sa kanyang mga cosmetic enhancements at kasalukuyang itsura
- Inamin niyang nagpalagay siya ng kaunting enhancement sa dibdib, fillers sa mukha, at lip fillers upang mapaganda ang kanyang itsura sa kamera
- Sinabi niyang hindi siya nagsisisi sa mga pagpaparetoke at ipinagtanggol ang kanyang sarili laban sa mga kritiko na ngayon lang nagbigay ng negatibong komento
- Ipinahayag niyang naiintindihan niya ang mga pagbabago sa kanyang mukha dahil sa pagtanda at mas pinili niyang humanap ng solusyon kaysa maapektuhan ng pang-aalipusta
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Nagsalita si Ynez Veneracion sa mga pang-aalipusta sa kanyang mga cosmetic enhancements at kasalukuyang itsura. Sa isang panayam sa YouTube channel ng talent manager-vlogger na si Ogie Diaz, inamin ni Ynez kung aling bahagi ng kanyang katawan ang dumaan sa enhancement.

Source: Youtube
Ayon sa aktres, nagpalagay siya ng kaunting enhancement sa kanyang dibdib upang magkaroon ng kumpiyansa sa sarili, ngunit tiniyak niyang hindi ito masyadong malaki upang hindi ito maging sentro ng atensyon.
Dagdag pa niya, dahil masyado siyang payat noon, nagdesisyon siyang magpa-fillers sa mukha. Siniguro niyang safe ang procedure sa pamamagitan ng pagpili sa Belo Medical Clinic, na pag-aari ng celebrity doctor na si Vicki Belo.
Nang tanungin kung nagpalagay din siya ng lip fillers, inamin ni Ynez na ginawa niya ito dahil kapansin-pansin sa kamera na manipis ang kanyang mga labi.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Sa kabila ng pambabatikos, hindi pinagsisihan ng aktres ang kanyang mga enhancements. “Kahit ngayon na bina-bash nila ‘yung mukha ko, wala naman,” ani Ynez. Ikinagulat pa niya na ngayon lang siya pinupuna gayong dalawang dekada na ang nakalipas mula nang gawin niya ito.
Aminado siyang nagbago ang kanyang mukha at lumaki ito, ngunit hindi niya ito tinitingnan bilang negatibo. “Lahat naman nagbabago sa paglipas ng panahon, tumatanda tayo,” wika niya.
Sa halip na maapektuhan sa mga negatibong komento, mas pinili niyang humanap ng mga solusyon. Nang tanungin kung nagparetoke rin siya ng ilong, pabirong sagot ni Ynez, “Half.” Inamin niyang sinubukan niya ito dahil naengganyo siya sa "Barbie nose" na resulta.

Read also
Coco Martin, pinahanap umano si Katherine Luna upang tulungan; planong isama sa ‘Batang Quiapo’
Sa kabila ng lahat, nananatili siyang positibo at mas pinapahalagahan ang kanyang kaligayahan kaysa sa opinyon ng iba.
Si Ynez, na sumikat noong dekada ‘90 at early 2000s bilang isang sultry actress, ay matagumpay na nakalabas sa kanyang dating imahe at nakakuha ng mas seryosong acting projects. Sa kabila nito, hindi siya nakaligtas sa kontrobersiya, kabilang na ang kanyang pagbubunyag tungkol sa ama ng kanyang anak.
Noong 2021, isinilang ni Ynez Veneracion ang kanyang pangalawang anak na si Jianna Kyler at ibinahagi ang magandang balita sa social media. Ipinost ng celebrity mom ang ilang larawan ng kanyang anak kasabay ng isang matamis na mensahe bilang pagbati sa kanyang munting anghel. Sa isa pang post, ibinahagi niya ang isang lumang larawan ng kanyang panganay noong siya ay bagong silang at ipinakita ito sa tabi ng litrato ng kanyang bagong baby. Ipinahayag din ng aktres sa kanyang caption ang kanyang labis na kasiyahan sa pagtanggap ng dalawang napakagandang biyaya sa kanyang buhay.
Ipinahayag ni Ynez Veneracion ang kanyang pasasalamat kay Gov. Toto Mangudadatu sa pamamagitan ng isang post sa Instagram matapos nitong maglaan ng oras para sa kanilang anak. Ibinahagi ng dating aktres ang ilang video clips at sinamahan ito ng isang caption na puno ng pasasalamat. Ayon kay Ynez, matagal nang nami-miss ng kanilang anak ang kanyang ama at labis itong nasiyahan nang makita siya muli. Makikita rin sa video kung paano ipinakita ni Mangudadatu ang kanyang pagmamahal sa anak, kabilang na ang pag-aabot sa kanya ng steak habang sila ay nagdi-dinner.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh