Vice Ganda, binigyang-diin ang tunay na gawain ng Legislative Branch

Vice Ganda, binigyang-diin ang tunay na gawain ng Legislative Branch

- Binigyang-diin ni Vice Ganda sa "It's Showtime" ang tunay na tungkulin ng Legislative Branch ng pamahalaan

- Naglibot siya kasama sina MC at Lassy upang tanungin ang madlang people tungkol sa tatlong sangay ng gobyerno

- Ipinaalala niya na ang pangunahing gawain ng Kongreso at Senado ay paggawa ng batas at hindi pamimigay ng ayuda

- Mabilis na kumalat sa social media ang clip ng kanyang pahayag at naging usap-usapan online

Usap-usapan ngayon ang naging pahayag ni Unkabogable Star at "It's Showtime" host Vice Ganda tungkol sa tunay na tungkulin ng Legislative Branch ng pamahalaan sa isang segment ng kanilang noontime show nitong Martes.

Vice Ganda, binigyang-diin ang tunay na gawain ng Legislative Branch
Vice Ganda, binigyang-diin ang tunay na gawain ng Legislative Branch (📷@praybeytbenjamin/Instagram)
Source: Instagram

Kasama sina MC at Lassy, naglibot si Vice Ganda sa madlang people studio audience upang magtanong tungkol sa tatlong sangay ng gobyerno: Executive, Legislative, at Judiciary. Ang sinumang makasagot nang tama ay may cash prize na matatanggap. Ang segment na ito ay nagsimula matapos ang isang "Showtime SexyBabe" contestant na hindi alam ang tungkol sa Commission on Elections (COMELEC), na naging viral sa social media.

Read also

Heart Aquino, nilinaw na na-mental block lang daw siya kaya hindi masyadong nakasagot

Sa naging diskusyon, ipinaalala ni Vice Ganda ang tunay na tungkulin ng Kongreso at Senado bilang bahagi ng Legislative Branch.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Legislative... iyan 'yong branch ng Kongreso at saka ng Senado, 'di ba? Ang trabaho talaga nila ay gumawa ng batas, kaya dapat ang iboboto natin sa Kongreso at Senado ay 'yong gagawa ng batas, 'yong may alam na gawing batas, at 'yong may planong gumawa ng batas, dahil ang Kongreso at Senado ang ginagawa po niyan talaga eh gumagawa ng batas, hindi nagbibigay ng ayuda, okay?" pahayag ni Vice.

Dagdag pa niya, "Iyon talaga 'yong pangunahin nila, law-making sila. Kaya dapat gagawa sila ng batas, hindi 'yong mamimigay sila ng pera. Law-making po ito ha."

Ang nasabing clip ay mabilis na kumalat sa social media at makikita rin sa Facebook page ni Vice Ganda.

Samantala, nalalapit na ang National and Local Elections (NLE) sa Mayo 12, kung saan muling boboto ang mga mamamayang Pilipino upang pumili ng mga bagong senador, kongresista, at lokal na opisyal.

Read also

LTO enforcers sa viral video sa Bohol, sisibakin ayon sa Department of Transportation

Si Vice Ganda, o Jose Marie Viceral sa totoong buhay, ay isang sikat na komedyante, host, aktor, singer, at entrepreneur sa Pilipinas. Kilala siya bilang main host ng noontime show na It’s Showtime at sa kanyang mga blockbuster movies tulad ng Praybeyt Benjamin, Fantastica, at The Super Parental Guardians. Bukod sa pagiging isang entertainer, isa rin siyang advocate ng LGBTQ+ community at may malakas na impluwensya sa pop culture ng bansa.

Mabilis na kumalat ang bali-balitang nag-walkout si Vice Ganda sa Barako Festival matapos hindi na niya itinuloy ang kanyang dance performance. Nilinaw ng isang malapit kay Vice na hindi ito walkout kundi isang teknikal na problema dahil mali ang music na pinatugtog para sa kanyang performance. Bagamat hindi na siya sumayaw, nagsalita pa rin si Vice sa stage at binati sina Ate Vi at isang Party-list group bago siya umalis. Maraming fans ang nanghinayang dahil nag-rehearse pa si Vice bago ang event, ngunit nanatili namang maayos ang kanyang relasyon sa organizers at mga panauhin.

Read also

Mga natalong team ng It's Showtime hosts, kinaaliwan matapos tumakas sa "funishment"

Nag-"belat" si Vice Ganda sa mga bumabatikos sa It's Showtime kaugnay ng pagbati nila kay Sofronio Vasquez sa tagumpay nito sa The Voice USA. Tinawag ng It's Showtime na "our very own" si Sofronio, na tatlong beses sumali ngunit natalo sa Tawag ng Tanghalan. Ibinahagi ni Sofronio na naging vocal coach siya ng mga contestant ng Tawag ng Tanghalan matapos siyang bigyan ng trabaho ng It's Showtime. Nagpasalamat si Sofronio sa It's Showtime at itinuturing ito bilang bahagi ng kanyang tagumpay sa The Voice USA.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate