Cristy Fermin, may paglilinaw tungkol sa espikulasyong may galit sya kay Aiai Delas Alas

Cristy Fermin, may paglilinaw tungkol sa espikulasyong may galit sya kay Aiai Delas Alas

- Nilinaw ni Cristy Fermin sa kanyang programa na wala siyang galit kay Ai Ai de las Alas kundi lungkot ang kanyang nararamdaman

- Ayon kay Cristy, ang patuloy na pagbira ni Ai Ai laban kay Gerald Sibayan ay bumabalik lamang sa kanya at nagpapakita ng hindi pa niya pagmo-move on

- Sinabi ni Cristy na hindi siya maaaring magalit kay Ai Ai dahil matagal na silang magkakilala ngunit hindi rin niya kayang balewalain ang mga pahayag nito

- Iminungkahi ni Cristy na mas makabubuti kung tahimik na lang mag-move on si Ai Ai upang makahanap muli ng kaligayahan sa buhay

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Nag-ugat ang tanong kung may galit nga ba si Cristy Fermin kay Ai Ai de las Alas matapos niyang madalas na punahin ang komedyana sa kanyang programa. Sa Cristy Ferminute, nilinaw ng beteranang columnist na wala siyang galit kay Ai Ai kundi lungkot ang kanyang tunay na nararamdaman.

Read also

Herlene Budol, ayaw na makatrabaho si Rob: “Nilulunok ko na lang lahat ng mga masasakit na salita”

Cristy Fermin, may paglilinaw tungkol sa espikulasyong may galit sya kay Aiai Delas Alas
Cristy Fermin, may paglilinaw tungkol sa espikulasyong may galit sya kay Aiai Delas Alas (📷 Cristy Ferminute/One PH | YouTube)
Source: Youtube

Ayon kay Cristy, nalulungkot siya dahil sa tila walang tigil na patutsada ni Ai Ai sa kanyang estranged husband na si Gerald Sibayan. Aniya, ang mga banat ng komedyana ay bumabalik lamang sa kanya, na parang siya mismo ang nagpapahiya sa sarili niya. Paliwanag niya, mas makabubuti sana kung matanggap na lamang ni Ai Ai ang katotohanang tapos na ang kanilang relasyon sa halip na patuloy na magsalita laban kay Gerald.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Dagdag pa ni Cristy, hindi siya maaaring magalit kay Ai Ai dahil matagal na silang magkakilala. Subalit, hindi rin umano niya kayang balewalain ang mga ginagawa nitong pahayag laban sa dating asawa. Para kay Cristy, ang paulit-ulit na pagsasalita ng komedyana tungkol sa kanilang hiwalayan ay nagpapakita lamang na hindi pa siya tuluyang nakaka-move on.

Sa huli, sinabi ni Cristy na kung patuloy na magsasalita si Ai Ai laban kay Gerald, lalo lang itong magiging negatibo sa paningin ng publiko. Hirit niya, baka mas makabubuti kung tahimik na lang itong mag-move on upang makahanap muli ng kaligayahan sa buhay.

Read also

Sam Milby, naiyak sa FTWBA nang pag-usapan ang hiwalayan nila ni Catriona Gray

Si Ai-Ai delas Alas o Martina Eileen Hernandez delas Alas-Sibayan sa totoong buhay ay isang performer, comedienne at isa din siyang film actress. Sumikat ang kaniyang pelikulang Tanging Ina, na naging blockbuster hit. Ikinasal si Ai-Ai kay Gerald sa Christ the King Parish sa Greenmeadows, Quezon City noong December 12, 2017.

Nagkomento ang isang netizen sa Zumba video ni Ai-Ai Delas Alas at tinuligsa ang kanyang personal na buhay. Ayon sa netizen, dapat mag-focus na si Ai-Ai sa self-care at spiritual walk dahil sa kanyang edad. Tumugon si Ai-Ai sa komento ng mahinahon at may patutsadang kailangan niya ng suporta. Pinagtanggol ng kanyang mga fans si Ai-Ai at tinutulan ang pakialam ng netizen sa buhay ng aktres.

Samantala, pinabulaanan ni Xian Gaza ang akusasyong si AiAi ang nag-utos sa kanya na i-post ang tungkol kay Gerald Sibayan. Nilinaw ni Xian na hindi pa sila nagkakausap ni AiAi at kamakailan lang sila nag-follow sa isa’t isa sa social media. Matatandaang nais ni AiAi na makausap si Xian matapos ang kontrobersyal na open letter nito laban kay Gerald. Wala pang pahayag si AiAi tungkol sa akusasyon habang inaabangan ng netizens ang susunod na kaganapan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate