Coco Martin, pinahanap umano si Katherine Luna upang tulungan; planong isama sa ‘Batang Quiapo’
- Pinahanap ni Coco Martin si Katherine Luna upang tulungan at plano niyang isama ito sa FPJ’s Batang Quiapo
- Sasagutin ng aktor ang pagpapagamot sa kaliwang mata ni Katherine bago ito makabalik sa pag-arte
- Hindi pa agad pumayag si Katherine dahil nasa interesting stage siya ngayon at muli siyang nagdadalang-tao
- Maraming humanga kay Coco dahil sa kanyang malasakit sa dating kasamahan kahit may hindi sila pagkakaunawaan noon
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Pinahanap umano ni Coco Martin ang dating kasintahang si Katherine Luna matapos mapanood ang panayam nito kay Julius Babao sa YouTube noong Pebrero 28. Ayon sa ulat ng Bandera, nais ng aktor na tulungan si Katherine, lalo na sa pagpapagamot ng kanyang kaliwang mata bago niya ito isama sa teleseryeng FPJ’s Batang Quiapo.

Source: Youtube
Bagama’t hindi pa personal na nagkakausap ang dalawa, lumabas ang balita na may plano si Coco na sagutin ang operasyon ng mata ni Katherine. Gayunpaman, hindi pa agad ito natuloy dahil nasa interesting stage ngayon ang dating aktres, na nangangahulugan ng kanyang muling pagbubuntis.
Sa panayam kay Julius Babao, ibinunyag ni Katherine na mayroon na siyang pitong anak at pabirong sinabi na nagtataka siya kung bakit siya madaling mabuntis. Sa kabila nito, inamin niyang nais niyang bumalik sa pag-arte ngunit hindi pa sa ngayon, dahil kailangan muna niyang pag-ipunan ang kanyang pagpapagamot.
Ayon kay Katherine, pinili niyang umiwas noon sa isyu, lalo na nang lumabas ang resulta ng DNA test na nagsasabing hindi si Coco ang ama ng bata. Bukod dito, ikinuwento niyang nasaktan siya nang hiramin umano ni Coco si Nicole nang hindi niya alam, habang nasa pangangalaga ito ng kanyang ina. Dahil dito mas pinili niyang ilayo ang anak upang maiwasan ang anumang maling akusasyon na gumamit siya ng pera ng aktor.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Iginiit ni Katherine na hindi siya humingi ng anumang suporta kay Coco at umalis siya sa eksena dahil sa hiya. Aniya, hindi niya alam kung paano ipapaliwanag ang nangyari matapos lumabas ang balita. Sa kasalukuyan daw ay hindi pa rin nakikilala ni Nicole ang kanyang tunay na ama. Hindi umano ito taga-showbiz pero isa itong Chinese businessman at artista din daw ang asawa nito ngayon.
Matapos marinig ang sitwasyon ni Katherine, nagpasya umano si Coco na ipagamot muna ito bago bigyan ng oportunidad sa Batang Quiapo. Maraming netizens ang humanga sa aktor dahil sa kanyang patuloy na pagtulong sa mga taong minsan niyang nakasama, kahit pa nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan noon.
Si Coco Martin ay isang kilalang aktor at director sa industriya ng showbiz sa Pilipinas. Nakilala siya sa kanyang mahusay na pagganap sa mga teleserye at pelikula, lalo na sa kanyang mga proyekto sa ABS-CBN. Ang kanyang pinaka-tanyag na papel ay bilang si "Cardo Dalisay" sa hit action-drama series na "FPJ's Ang Probinsyano," na umere mula 2015 hanggang 2022.
Hindi mapagkaila ni Celia Rodriguez ang labis na paghanga niya sa kabutihan ng aktor na si Coco Martin. Kahanga-hanga ang pagtulong ng Batang Quiapo actor kahit hindi niya ito personal na kilala. Marami na rin umanong narinig at nalaman si Celia na natulungan ni Coco. Wala raw siyang ibang nasabi sa aktor kundi alagaan ang sarili gayung kailangan pa siya ng industriya.

Read also
Derek Ramsay, ibinida ang pagbisita ng matalik na kaibigan nila ni Ellen Adarna na si Pernilla Sjöö
Sa isang video na ibinahagi ng ABS-CBN News, kapwa nagmukhang nalilito sina Carlos Yulo at Coco kung sino ang dapat maging fanboy ng isa't isa. Ngunit naunahan ng Olympic twin-gold medalist ang aktor-director nang hilingin niyangmakapagpa-picture dito.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh