McCoy De Leon, emosyonal nang idetalye paano siya naisalba ng anak na si Felize
- Emosyonal si McCoy De Leon nang idetalye paano siya naisasalba ng anak niyang si Felize
- Aniya, dalawang pagkakataon nang nailigtas siya ng anak sa hindi inaasahang paraan
- Dahil sa pangyayaring iyon, ito umano ang naging dahilan niya upang ipagpatuloy pa ang buhay
- Ayaw niya umanong lumaki na walang ama ang kanyang anak kay Elisse Joson na si Felize
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Hindi napigilang maluha ni McCoy nang maisapubliko niya paano siya makailang beses na isalba ng anak niyang si Felize.

Source: Facebook
Sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz, idinetalye ni McCoy ang pagkakataong sinarili na lamang niya ang problema at piniling mapag-isa.
Dahil dito, aminado siyang nakaisip siyang kitilin ang sariling buhay. Subalit ang lahat nang ito ay nabago dahil lamang sa larawan ng kanyang anak.
"Nasa edge na ako ng window, and sabi ko, ayoko na. Kasi di ko na maprotektahan 'yung sarili ko din. Pa'no ko sasagipin yung sarili ko, hindi ako nagsasalita. Kinimkim ko," matapang na pagbabahagi ni McCoy.

Read also
Katrina Halili, proud sa mga achievements ng anak na si Katie sa kabila ng kanyang kondisyon
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
"Ni-request ko lang na makita yung picture ng anak ko. Then after 'nun, nung makita ko 'yung picture ng anak ko, na-realize ko na from now on, kaya ko iko-continue ang life ko para sa baby ko," dagdag pa niya.
"Ayaw ko siyang lumaki na walang tatay," naiiyak niyang nasabi kaya naman masasabing si Felize ang nagsisilbing lakas ni McCoy upang harapin ang mga pagsubok ng buhay.
Ayon pa kay McCoy, sa tuwing sasapit ang kanyang kaarawan, iniaalay na niya ito para sa anak na si Felize na siyang dahilan para ipagdiwang niya ang biyaya ng buhay.
Narito ang kabuuan ng panayam sa kanya mula sa Ogie Diaz Inspires YouTube channel:
Si McCoy de Leon ay isang kilalang aktor, mananayaw, at filmmaker na ipinanganak noong Pebrero 20, 1995, sa Tondo, Maynila. Makalipas ang ilang panahon, naging isang malaking bahagi siya ng publiko nang sumali sa Pinoy Big Brother: Lucky 7 noong 2016, kung saan natapos siya bilang ika-anim na lucky placer. Naging bahagi rin siya ng grupong Hashtags ng It's Showtime kung saan ilan sa mga nakasama niya ay sina Zeus Collins at Nikko Natividad.
Sa kasalukuyan, siya ay isa sa mga pangunahing kontrabida sa FPJ's Batang Quiapo, kung saan ginampanan niya ang papel ni David Dimaguiba, isang karakter na bagam't kinaiinisan ng maraming sumusubaybay sa serye, nagsisilbi parin itong patunay na pinaghuhusayan niya ang kanyang pagganap. Katunayan, sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz, naikwento niyang nakakatanggap siya ng mga banta sa kanyang buhay.
Matatandaang sa PBB house pa lamang, umusbong na ang pagtitinginan nila ng kanyang dating partner na si Elisse Joson. Makalipas ang ilang taon, nabiyayaan sila ng isang anak na pinangalanan nilang Felize McKenzie. Taong 2021 nang sa muli nilang pagbisita sa Big Brother house, isiniwalat nila ang napakaganda umanong biyaya na natanggap nila at ito na nga ay ang kanilang supling.
Samantala, si Elisse ay mapapanood naman sa seryeng Saving Grace na pinagbibidahan nina Julie Montes at bagong child star na si Zia Grace. Kasama rin nila sa serye ang nag-iisang Megastar na si Sharon Cuneta.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh