Darryl Yap, hindi susukuan ang TROPP; haharapin ang mga kaso

Darryl Yap, hindi susukuan ang TROPP; haharapin ang mga kaso

- Patuloy na lumalaban si Direk Darryl Yap upang maipalabas ang pelikulang “Pepsi Paloma Movie”

- Hinaharap ng kanyang kampo ang mga hinihinging dokumento ng MTRCB upang matuloy ang pagpapalabas nito

- Kinasuhan si Yap ng cyberlibel ni Vic Sotto dahil sa pagbanggit ng pangalan nito sa teaser ng pelikula

- Maraming netizens ang nagpahayag ng suporta at patuloy na naghihintay ng updates ukol sa TROPP

Patuloy na nakikipaglaban ang direktor na si Darryl Yap upang maipalabas ang kanyang pelikulang TROPP sa kabila ng mga isyung legal at pagsisiyasat mula sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

Darryl Yap, hindi susukuan ang TROPP; haharapin ang mga kaso
Darryl Yap, hindi susukuan ang TROPP; haharapin ang mga kaso (📷Darryl Yap/Facebook)
Source: Facebook

Ayon kay Yap, patuloy nilang inaasikaso ang mga dokumentong hinihingi ng MTRCB upang patunayan na wala nang kinakaharap na kaso ang pelikula. Naging kontrobersyal ang proyekto matapos kasuhan ng cyberlibel ni Vic Sotto ang direktor dahil sa paggamit ng pangalan ng TV host-comedian sa teaser ng pelikula.

Sa kabila nito, ipinahayag ni Yap sa kanyang social media post na hindi hadlang ang mga kasong isinampa laban sa kanya at patuloy siyang lalaban para sa katotohanan. Dagdag pa niya, naghahanda rin ang kanyang grupo para sa iba pang proyekto, kabilang ang isang online series, reality contest, at bagong pelikula.

Read also

Moira Dela Torre, muntik nang tamaan ng bottled water sa isang mall show

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Habang hindi pa tiyak ang kapalaran ng pelikula, maraming netizens ang patuloy na sumusuporta at naghihintay sa update ukol sa pagpapalabas ng TROPP.

Matatandaang hindi natuloy ang pagpapalabas sa mga sinehan ngayong Pebrero ng kontrobersiyal na pelikulang TROPP.

Sa kanyang Facebook post noong Pebrero 3, inanunsyo ni Yap na hindi niya agarang makumpleto ang mga dokumentong hinihingi ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

“[B]igo po ang panig ng inyong lingkod na agarang makumpleto ang mga dokumentong hinihingi ng pamunuan ng MTRCB,” pahayag ni Yap.

Dahil dito, hindi matutuloy ang nakatakdang pagpapalabas ng pelikula sa Pebrero 5. Dagdag pa ni Yap, pinag-iisipan na nila ang posibilidad na ipalabas muna ito sa labas ng bansa o sa streaming platforms imbes na sa mga sinehan.

Sa kabila ng hindi inaasahang balita, nagpasalamat pa rin si Yap sa kanyang mga tagasubaybay na patuloy na sumusuporta sa kanyang proyekto.

Matatandaang kamakailan lamang ay ipinag-utos ng Muntinlupa Regional Trial Court na tanggalin ang teaser ng pelikula mula sa iba't ibang platforms matapos mabanggit ang pangalan ng Eat Bulaga host na si Vic Sotto.

Read also

Alden Richards, nagbahagi ng 'food for thought': "Mind your own business"

Si Darryl Yap ay isang Filipino filmmaker, director, at screenwriter na kilala sa paggawa ng mga kontrobersyal na pelikula at online content. Siya ang nasa likod ng VinCentiments, isang social media platform na nagpo-produce ng short films at viral videos na kadalasang tumatalakay sa mga usapin ng buhay, lipunan, at politika.

Matatandaang mariing itinanggi ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na kasalukuyang sumasailalim sa review ang kontrobersyal na pelikulang "Pepsi Paloma" na idinirek ni Darryl.

Kamakailan ay binahagi ng direktor na si Darryl Yap ang isang larawan ni Cristine Reyes na tila nagbihis ala-Barbie Hsu, ang Taiwanese actress na gumanap bilang "Shan Cai" sa sikat na seryeng Meteor Garden. Sa caption ng kanyang post, inilagay niya ang salitang "Ni Yao De Ai", isang kantang ginamit sa naturang serye.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate