Kim Chiu, binahaging ang 'expressive eyes' ni Paulo Avelino ang matuturing niyang charm nito

Kim Chiu, binahaging ang 'expressive eyes' ni Paulo Avelino ang matuturing niyang charm nito

- Masayang ibinahagi ni Kim Chiu ang kanyang pagbabalik sa romantic comedy matapos ang halos isang dekada kasama si Paulo Avelino sa pelikulang My Love Will Make You Disappear

- Ginagampanan niya ang papel ng isang government employee na NBSB o “No Boyfriend Since Birth” habang si Paulo Avelino ang kanyang magiging leading man

- Ikinatuwa ni Kim ang muling paggawa ng rom-com at inilarawan niyang isang "breath of fresh air" ang pelikula na tiyak na magbibigay ng kilig sa mga manonood

- Mapapanood sa mga sinehan simula Marso 26, 2025 ang pelikulang ito na idinirek ni Chad Vidanes at isinulat ni Prime Cruz sa ilalim ng Star Cinema

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Makalipas ang halos isang dekada, muling babalik sa romantic comedy ang Kapamilya actress na si Kim Chiu sa pelikulang My Love Will Make You Disappear ng Star Cinema. Sa isang media event noong Pebrero 19, 2025 sa ABS-CBN, ibinahagi ni Kim ang kanyang pananabik sa proyektong ito at ang pagsasama nila ni Paulo Avelino sa big screen.

Read also

Alden Richards, nagbahagi ng 'food for thought': "Mind your own business"

Kim Chiu, binahaging ang 'expressive eyes' ni Paulo Avelino ang matuturing niyang charm nito
Kim Chiu, binahaging ang 'expressive eyes' ni Paulo Avelino ang matuturing niyang charm nito (@chinitaprincess/IG)
Source: Instagram

“Napa-O to the M to the G talaga ako! Sabi ko, ‘Is this a new rom-com?’ Kasi ‘yung last rom-com ko, All You Need is Pag-Ibig, ten years ago pa. ‘Yung bago pa nun, Bride For Rent. So medyo matagal-tagal na rin talaga,” pagbabahagi ni Kim.

Dagdag pa niya, nakakatuwang muli siyang bumida sa isang romantic comedy, lalo na’t mainit ang suporta ng mga manonood. “It feels amazing! Yes, it’s like a breath of fresh air. ‘Yung trailer namin, parang nakaka-shock tapos ‘yung support pa ng madlang people. Gustong-gusto ko panoorin!” aniya.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Matapos ang dalawang dekada sa industriya, aminado si Kim na naka-ilang love team na rin siya. “Siyempre, from 16 years old to thirties, masasabi ko na lumaki ako sa harap ng mga sumusuporta sa akin. Pangatlong love team ko na ito. Per decade kasi ako nagla-love team (laughs).”

Nakatrabaho na niya noon sina Gerald Anderson at Xian Lim bago si Paulo. Nang tanungin kung ano ang natatanging katangian ni Paulo, agad niyang tinukoy ang expressive eyes ng aktor. “Kahit hindi siya magsalita, parang may pinapahiwatig ‘yung eyes niya. Kasi ‘di ba, eyes are the windows of the soul? So nakita ko na ‘yung soul mo,” pabirong pahayag ni Kim.

Read also

Mommy Min Bernardo, may paalala sa fans ni Kathryn: “Huwag kayo masyado naniniwala sa fake news”

Nang tanungin kung kailan siya huling kinilig kay Paulo, natawa si Kim at ibinahaging, “Binigyan niya ako ng tinapay kanina. Mahina si ate mo (laughs). Pero dinalhan niya akong pasalubong kanina after Showtime. Lahat kami binigyan. ‘Yun lang (laughs).”

Hindi tulad ng kanyang karakter, naniniwala si Kim na hindi dapat sumusuko ang mga tao sa pag-ibig. “Love is something na nararamdaman natin na hindi nabibili at hindi basta binibigay. Hindi natin ito kailangang sukuan. Kung hindi man siya dumating ngayon, baka bukas o baka katabi mo na pala,” ani Kim.

Si Kim Chiu ay isang kilalang artista at personalidad sa industriya ng showbiz sa Pilipinas. Isinilang siya noong April 19, 1990, sa Tacloban City, Leyte, Philippines. Unang sumikat si Kim Chiu noong sumali siya sa reality show na "Pinoy Big Brother: Teen Edition" noong 2006.

Nag-viral ang video ni Kim Chiu na nagpapa-Feng Shui sa isang store habang tinutukoy ang isang taong "Year of the Dragon". Nabunyag ng mga netizen na si Paulo Avelino ang tinutukoy ni Kim matapos niyang banggitin ang petsang "May 13" Tila iniisa-isa ni Kim ang lahat ng aspeto ng relasyon nila ni Paulo na nagdulot ng kilig sa fans ng tambalang KimPau Labis ang tuwa ng supporters sa social media, na umaasa sa soft launch ng kanilang relasyon.

Read also

Moira dela Torre, inilabas ang music video ng "San Ka Na" kasama si Sam Concepcion

Ipinagdiwang ni Kim Chiu ang Chinese New Year sa pamamagitan ng pagbabahagi ng biyaya sa kanyang team at production staff ng ABS-CBN. Ibinahagi niya sa isang Instagram post kung paano naging mahalaga sa kanyang pamilya ang pagdiriwang ng Chinese New Year noong kanyang kabataan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Hot: