Kris Aquino, may panibagong autoimmune disease; aminadong hindi pa 'fit to work'
- Ibinahagi ni Kris Aquino na hindi pa siya maaaring bumalik sa trabaho dahil sa labis na pagbagsak ng kanyang timbang at patuloy na pagkakasakit
- Nadagdagan pa ang kanyang autoimmune diseases matapos siyang ma-diagnose ng Fibromyalgia, ang ikapito niyang sakit, na nagdudulot ng matinding pananakit ng katawan at matinding pagkapagod
- Inilahad din niya na mayroon siyang mga sintomas na maaaring kumpirmasyon ng Polymyositis at Mixed Connective Tissue Disease, na maaaring umabot na sa siyam ang kanyang autoimmune diseases
- Patuloy siyang nakatatanggap ng pagmamahal mula sa kanyang pamilya, mga kaibigan, at tagasuporta sa kabila ng kanyang mga pinagdaraanan sa kalusugan
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Patuloy na sinusubaybayan ng publiko ang kalagayan ng kalusugan ni Kris Aquino matapos niyang ibahagi sa kanyang pinakabagong Instagram post na nadagdagan pa ang kanyang mga iniindang sakit.

Source: Instagram
Sa isang larawan kung saan siya ay nasa kama, kasama niyang bumisita sina Kim Chiu, Miles Ocampo, Darla, at ang kanyang mga doktor na sina Rainier Tanalgo at Hazel David. Sa kanyang caption, nilinaw niya na hindi pa siya maaaring bumalik sa trabaho dahil sa labis na pagbagsak ng kanyang timbang. Aniya, "Not yet 'fit to work' because I’m very underweight, 37 kilos/82 pounds."
Bukod pa rito, isiniwalat ni Kris na na-diagnose siya ng ikapitong autoimmune disease—ang Fibromyalgia. Ayon sa Mayo Clinic, ang sakit na ito ay nagdudulot ng malawakang pananakit ng kalamnan at kasabay nito ay matinding pagkapagod, hirap sa pagtulog, at mga suliranin sa memorya at mood.
Dagdag pa ni Kris, nakararanas siya ng mga sintomas na maaaring kumpirmasyon ng ikawalong autoimmune disease na Polymyositis, pati na rin ng ikasiyam na Mixed Connective Tissue Disease.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
“Having complicated autoimmune diseases and being allergic to all NSAIDs, steroids, pain relievers, as well as antibiotics and Immunoglobulin Therapy, many times the physical pain is overwhelming,” aniya.
Matatandaang nauna nang ibinunyag ni Kris ang anim pang autoimmune diseases na kanyang kinakaharap; Autoimmune Thyroiditis, Chronic Spontaneous Urticaria, EGPA (Eosinophilic Granulomatosis with Polyangiitis), isang bihirang uri ng Vasculitis, Systemic Sclerosis, Lupus, Rheumatoid Arthritis.
Sa kabila ng patuloy na pagsubok sa kanyang kalusugan, patuloy pa ring nakatatanggap ng pagmamahal at suporta si Kris mula sa kanyang pamilya, mga kaibigan, at mga tagahanga.
Si Kris Aquino ay isang Pilipinang aktres, TV host, producer, at negosyante na kilala bilang “Queen of All Media” dahil sa kaniyang matagumpay na karera sa telebisyon, pelikula, at social media.
Siya ay anak ng dating Pangulong Cory Aquino at dating Senador Ninoy Aquino, at kapatid ng dating Pangulong Noynoy Aquino. Bukod sa pagiging isang showbiz personality, kilala rin siya sa kaniyang pagiging prangka, matulungin, at mapagbigay, lalo na sa mga nangangailangan.
Sa kasalukuyan, si Kris ay nakikipaglaban sa ilang malubhang autoimmune diseases, ngunit patuloy pa rin siyang nagbibigay ng update sa kaniyang kalagayan sa social media at tumutulong sa kapwa sa kabila ng kaniyang pinagdaraanan.
Hindi napigilan ni Darla Sauler, ang TV writer at matalik na kaibigan ni Kris Aquino, ang kanyang reaksyon nang makita ang namagang paa ng Queen of All Media. Binisita ni Darla si Kris sa kanyang tahanan, kung saan makikita sa Instagram ang larawan nila ni Kris kasama si Bimby, na nakaakbay pa kay Darla.
Patuloy na lumalaban si Kris Aquino sa kanyang mga iniindang sakit, ngunit unti-unti na rin naman niyang nababawi ang kanyang lakas. Sa isang post ng kanyang malapit na kaibigan na si Dindo Balares, ibinahagi nito ang dalawang larawan ni Kris na nagpapakita ng kanyang kasalukuyang kondisyon.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh