Derek Ramsay, nanindigang sumagot ang kaibigang si Pernilla sa message ni Andi

Derek Ramsay, nanindigang sumagot ang kaibigang si Pernilla sa message ni Andi

- Pinabulaanan ni Derek Ramsay ang paratang na hindi sumagot ang kaibigan niyang si Pernilla sa mensahe ni Andi Eigenmann

- Sinabi niyang nakita niya mismo ang mga palitan ng mensahe kaya hindi totoo ang akusasyong iniwasan ni Pernilla ang isyu

- Hinimok niya ang publiko na panoorin ang buong panayam niya kay Ogie Diaz bago magbigay ng opinyon tungkol sa kanyang pahayag

- Wala pang opisyal na tugon sina Andi at Philmar Alipayo, habang nananatiling tahimik si Pernilla tungkol sa usapin

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Nauwi sa diskusyon sa social media ang tila payapang post ni Derek Ramsay tungkol sa pag-aalaga niya sa anak nilang si Liana kasama ang asawang si Ellen Adarna. Sa isang Instagram post noong Pebrero 13, 2025, ibinahagi ng aktor ang video kung saan kinakantahan niya ang kanyang anak ng nursery rhyme na Skidamarink.

Derek Ramsay, nanindigang sumagot ang kaibigang si Pernilla sa message ni Andi
Derek Ramsay, nanindigang sumagot ang kaibigang si Pernilla sa message ni Andi (PHOTO: @ramsayderek07/Instagram)
Source: Instagram

Ngunit sa halip na ituon lamang sa masayang sandali ng pagiging ama, naging bahagi si Derek ng isang online debate matapos kuwestyunin ng isang netizen kung bakit hindi umano sinagot ni Pernilla, ang kaibigan ni Derek, ang mensahe ni Andi Eigenmann.

Read also

Derek Ramsay, bumwelta sa basher na dinamay ang anak sa isyu nina Andi at Philmar

Ayon sa netizen, ang hindi pagsagot ni Pernilla ay isang senyales ng kawalang-galang at tila pag-amin ng kasalanan. “Ignoring your confrontation is a sign of insult and disrespectful… Silent means yes,” anang komento ng netizen.

Agad itong sinagot ni Derek at pinabulaanan ang akusasyon. “Who said di sumagot si Pern? I’ve seen the messages,” ani ng aktor.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Derek Ramsay, nanindigang sumagot ang kaibigang si Pernilla sa message ni Andi
Derek Ramsay, nanindigang sumagot ang kaibigang si Pernilla sa message ni Andi (PHOTO: @ramsayderek07/Instagram)
Source: Instagram

May ilan ding dumepensa kay Derek at sinabing hindi siya nararapat ma-bash sa pagtatanggol sa kanyang kaibigan. Isa sa mga nagkomento ay binigyang-diin na hindi naman ininvalida ni Derek ang nararamdaman ni Andi.

“Bottomline ng statement ni Derek is sana hindi na lang sana pinost ni Andi kasi after one week okay na pala agad sila,” saad ng netizen. “The listening comprehension of people really baffles me sometimes.”

Sa sagot naman ni Derek sa nasabing komento, hinimok niya ang publiko na panoorin ang buong panayam niya kay Ogie Diaz bago husgahan ang kanyang sinabi. “I don’t mind the bashing. Please watch the entire interview. Hindi po siya post, hindi po siya personal video na ginawa ko. It’s an interview with Ogie Diaz,” aniya.

Read also

Jojo Mendrez, nagsalita tungkol sa intriga tungkol sa kanila ni Mark Herras

Sa ngayon, wala pang opisyal na pahayag sina Andi at Philmar Alipayo ukol sa isyung ito. Nagkaayos na rin ang magkasintahan matapos ang halos isang linggong kontrobersiya sa social media. Samantala, nananatiling tahimik si Pernilla at hindi pa nagbibigay ng anumang pahayag tungkol sa usapin.

Si Derek Ramsay ay isang Filipino-British actor, model, at host na kilala sa kanyang pagganap sa mga pelikula at teleserye sa Pilipinas. Sumikat siya sa mga romantic-comedy at drama films tulad ng No Other Woman, The Unmarried Wife, at Kasal.

Bukod sa pagiging artista, isa rin siyang dating TV host at naging bahagi ng iba't ibang programa sa ABS-CBN, TV5, at GMA Network. Kilala rin si Derek sa kanyang athleticism, lalo na sa larangan ng frisbee at golf.

Sa isang eksklusibong panayam kay Karen Davila, ibinahagi ng mag-asawang Derek Ramsay at Ellen Adarna ang mabilis ngunit matibay nilang pagmamahalan na nagbunsod sa kanilang pagpapakasal.

Read also

Gloria Diaz, may payo tungkol sa pera: “Don’t lend money you can’t afford to lose"

Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Derek ang isang video kasama ang kanyang anak kay Ellen Adarna, kung saan kinakantahan niya ito. Ngunit imbes na purong positibong komento ang matanggap, may isang netizen na nagbigay ng malisyosong pahayag:

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags: